Part 63

1.2K 14 0
                                    

  Migs' POV
Napabuntong-hininga ako nang basahin ko ulit ang text ni mama. Kailan ko raw ba bibisitahin si Nel na kailangan na kailangan ako. Kung alam niya lang...
It's been 3 days nang magsugod si Nel kay tita Becca. I know na nasaktan siya. Nag-alala ako sa mahal ko, pero galing na mismo kay mama na okay naman siya.
Pero di ko pa rin siya binisita. Alam ko na bahagi ng plano niya ang saktan siya ni tita Becca at i-threaten siya para masampahan niya ito ng kaso at lalo pang pahirapan.
Ngayong araw ay talagang ginawa na niya. Nagsampa na siya ng kaso at i'm so pissed dahil sa kabila ng mga salita ko ay hindi siya nakinig. Hindi ba talaga kaya ni Nel na magpatawad? Nagdududa tuloy ako kung pati ako ay napatawad na niya. I know she loves me, but I don't know if she loves me enough to forget all about the past. I guess not dahil nagrerebelde siya ngayon kahit pa na sinabi kong huwag.
Now I'm silently sitting here in my office. I miss her so much at di siya lumalabas ng bahay nila. Pero na-iinis pa rin ako sa kanya kaya tinitiis ko pa rin siya.
I've been doing this for 3 days.
I am patient.
But I miss her.
And I love her.
Tumayo ako at tinapon ang pride ko. Oo galit ako pero mas kailangan ko siya.
Inaayos ko na ang gamit ko nang kumatok ang secretary ko. Similip siya.
"Sir, you have a visitor."
"I'm not expecting someone."
"She said it was emergency--"
"I am going," pero pumasok na agad ang babaeng bisita ko.
Pia. It's beeng months since the last time saw her. Yet, she's still beautiful.
But we made clear na we would keep distance from now on dahil kay Nel.
Pia knows I'm with Nel. She's okay with it dahil past is past at masaya na kami pareho. But we both know that Nel will not be happy kapag nalaman niyang may connection pa ako kay Pia. Lalo na ngayon na nagrerebelde siya.
Nang maalala ko iyon ay agad akong kinabahan. Hindi ito ang tamang oras para sumulpot si Pia.
"Sorry kung naistorbo kita, Migs. Pero si mommy kasi..." sinabi niya ang tungkol sa pagkuha ng lupa nila, pagkawala ng salon ng nanay niya at ang demandang isinampa ni Nel.
"I know," sabi ko.
"At wala kang gagawin? Migs alam natin pareho na once na matapos siya kay mommy ay ako ang isusunod ni Nel."
"Don't worry, Pia. I'll talk to her. I'll stop her."
"You better do that. Alam kong I was a bitch to her years ago pero nagbabagong-buhay na ako. Please tell her that. At wala na ako sa panloloko ng mommy ko sa daddy niya."
"Pero may alam ka sa ginagawa ng mommy mo."
natahimik siya sandali. "I know. Pero ano bang magagawa ko? I was so stupid at immature. Pero ngayon nagsisisi na ako."
"Well, better tell Nel yourself about that."
"Tell her? Baka nga makita palang ako non ay sabunot ang abot ko."
"Pia, she's a grown woman now. She will listen to you. Malay natin, ang kailangan niya lang pala ay apology form you and your mom."
Muling natahimik si Pia. Pagkaraan ay tumango.
"I will talk to her, promise." sabi ko.
Sabay na kaming lumabas ni Pia dahil aalis rin ako. Sa lobby sa ground floor na kami huminto para maghiwalay at magpaalam.
"I'm sorry. Nag-crash ako sa opisina mo. I was just worried you know."
"I know Pia. I understand."
"Sakaling makausap mo na si Nel, please tell her na gusto ko siyang makausap at sana ay pagbigyan niya ako."
"Will do," sabi ko at niyakap siya bilang pamamaalam. Hindi ako makapaniwala kay Pia. She's matured. Ibang-iba sa brat na nakilala ko years ago. I'm just glad na nagbabagong buhay na siya.
"Bye, Pia," sabi ko nang magkalas kami. But she's not looking at me. Tumagos ang tingin niya sa shoulder ko. Nang tumalikod ako ay napamura ako.
Nel is only few feet away from us. Her eyes are blazing staring at Pia and me... Specially at me.  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon