It's Saturday. Nag-hahalungkat ako ng gamit ko nang may mapansin ako sa gilid ng cabinet ko-- patay na gagamba, medyo malaki pa. It's so gross pero hindi naman ako maarte.
Pero si Pia, oo!
Nami-miss ko na ang maarte niyang tili kaya lumabas ako ng room. Busy si Pia at ang isa naming katulong sa pag-ge-genral cleaning ng kwarto niya. Puro utos lang si Pia na nasa labas lang ng room niya. Nakatakip ang ilong at puro mando.
Lumabas ng kwarto niya ang katulong dala ang maruruming sheet. Sakto namang tumawag mula sa ibaba si tita Becca kaya umalis rin si Pia. Naiwang nakabukas ang kwarto niya. Binalikan ko ang patay na gagamba at dinampot gamit ang tissue.
Pumasok ako sa kwarto ni Pia, diretso sa banyo. Nilagay ko sa sabunan ang kawawang gagamba.
--
Linggo, nagmeet kami ni Charlie. Niyaya ko lang siya sa park at nag-ice cream. Ang romantic kahit simple lang, lalo na nang pinaupo niya lang ako sa isang upuan sa park, habang siya naman ay tumayo sa harap at tumula.
He is so weird but I like it.
Hinatid niya ako sa bahay kinahapunan. Papasok palang kami ng gate nang palabas palang si Migs. Hindi na ako nagulat dahil alam kong nasa bahay lang siya para kay Pia, lalo na at halos atakihin iyon sa puso nang may makitang gagamba sa banyo niya.
''Hi, I'm Charlie,'' pakilala ni Charlie kay Migs. Straight lang ang mukha ni Migs na nakipag-shakehands.
'Halos irapan ko ang kababata ko. Hindi ko gusto ang aura niya. Nakaramdam tuloy ako ng takot na baka gawin niya rin kay Charlie ang ginawa niya kay Joshua. I won't let him, again!
Sa ngayon, si Charlie nalang ulit ang meron ako. Kaya kung may balak man si Migs, mamatay siya!
''Don't mind him,'' sabi ko kay Charlie nang makaalis si Migs.
''Why? He's cool.''
Nagtaka naman ako. ''Cool?''
''Oo. Actually sikat siya sa campus namin. Everyone likes him. He's so kind and friendly--''
Bigla siyang huminto na para bang may ginawa siyang mali. Hinintay kong may sabihin pa siya pero hindi na siya nagdugtong.
''I enjoyed today. Sa uulitin, Nel. Goodbye!'' sabi niya bago tumalikod.
Naiwan akong nagtataka. What's going on?
--
Monday, break time. Kasama ko sa table ang mga kaibigan ko. Sa ngayon ay wala nang nangungulit na mga lalaki sa akin. Narealize na ata nila na wala silang pag-asa kay Charlie.
Busy kami sa pagkukwentuhan nang sumulpot na naman si Migs. May lahi yatang kabuti to eh!
Bago ko pa siya ma-acknowledge ay naglisanan na ang mga kaibigan kong nananadya yata. Mga kabuti rin ata!
''Bakit ka nandito?''pagtataray ko.
''Want to talk to you.''
''About Charlie? Bakit hindi na naman siya pasado sa taste mo? Balak mo na naman siya takutin tulad kay Joshua?''
''I can see he is a man, not a boy anymore like Joshua,'' sabi niya na hindi ko inaasahan. ''But I doubt you would end up together.''
Hindi ako natuwa sa sinabi niya. Sino nga bang matutuwa. All this time, alam kong may parte na sa puso ko si Charlie. Malapit na nga ako sa puntong sagutin na siya.
''Magaling lang siya sa surprises, sa mga regalo. But that doesn't mean na he deserves your heart. Kahit sinong mayaman na lalake kaya ang mga ginawa niya.''
''So you're questioning his love to me?''
''No. I'm denying its existense.''
Biglang pumasok sa utak ko ang scene ni Tyrion Lannister sa Game of Thrones. Linya iyon ni Tyrion!
''I'm not in the mood, Migs.''
''He doesn't love you. Kung ako ang tatanungin, masyado lang siyang natuwa sa pageant. Palibhasa ikaw ang pinakamagandang babaeng rumampa non, kaya kahit sinong lalake ay magkakagusto sayo'' sa kabila ng gustong iparating ni Migs ay natuwa ako sa sinabi niya, o kinilig? Ako raw ang pinakamaganda nung pageant?
''Walang lalaki ang maiinlove agad sa tingin, Nel. Nangyayari lang yon sa Fairy tale!'' dagdag niya na nagpawala ng mood ko, ulit.
''Wala kang alam, Migs. Pangingialam lang ang alam mo! Alam kong mahal ako ni Charlie. I can feel it. Sa mga poem at effort palang, alam ko na!''
tiningnan niya ako ng mabuti. ''So never pa niyang nasabing mahal ka niya?''
Napipi ako. Ngayon ko lang napagtanto na never pa ngang nagsabi si Charlie.
''See what I mean?''
Nakakagalit na talaga itong si Migs. Hindi siya mananalo!
''He loves me! I can prove it.''
''Bet?'' hamon niya.
''yes.''
''Ok. Bukas, kapag naghanda na naman siya ng sorpresa sayo at sinabi ang I love you, hindi na ako makikialam sa inyo. Ever.''
''Deal!''
''Pero pag hindi, get rid of him.''
What?
''I trust you Nel. Wag kang mandadaya. I would know,'' sabi niya at tumayo. ''Nga pala, sa bahay ka raw mag-dinner sabi ni mama.''
''Si Pia nalang,'' sabi ko at nagwo-worry pa rin sa pustahan namin.
''Ikaw ang gusto ni mama, Nel. She never liked Pia.''
Nakaalis na si Migs, pero tulala pa rin ako. Lintek bakit ako pumusta? Lalo na at hindi na nagsosopresa si Charlie sa akin at never na nagsabing I love you. Maliit ang possibility na manalo ako.
Nalamangan na naman ako ni Migs. Sisirain na naman niya ang love life ko!
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...