Tuwang-tuwa ako nang makita ko ang itsura ni Pia kinaumagahan. Tumili siya nang pagkalakas-lakas at dahil malapit lang ang kwarto ko sa kanya (at excited ako), ako ang unang pumasok sa kwarto niya.
Pigil ang tawa ko nang madatnan siyang nakaharap sa salamin at naiiyak na. Puro rashes siya sa katawan. Nagkunwari pa akong concerned pero sa loob-loob ko ay sa wakas at naging panget din siya, hah!
Pina-ospital rin siya ng araw na iyon at pinagalitan ng step mother ko ang cook namin. Hindi ako makapaniwalang magbibitaw siya ng masasakit na salita sa kasambahay namin kaya for the first time, nagsagutan kami ng step mom ko para ipagtanggol ang cook namin. Pero sa totoo lang ay na-guilty rin ako dahil ako namantalaga ang may pakana ng lahat. Siya ang unang sumuko kaya feeling proud ako sa sarili ko kaso baka magsumbong siya kay papa at pagalitan ako.
Samantala, alalang-alala si Migs na sumugod sa bahay at tinanong agad ang kalagayan ni Pia. Mabuti nalang nasa ospital pa yung bruha kaya hindi sila magkikita ni Migs. Niyaya ko na lang ang kababata ko na mamasyal. Kotse niya ang ginamit namin at tuwang-tuwa ako kasi nakasakay na ulit ako sa passenger's seat.
Pinilit kong ibahin ang topic pero sige ang pagtatanong ni Migs about kay Pia. Hindi ko na matandaan ang usapan namin dahil pareho na kaming nagkainitan ng ulo ni Migs. Hangga't sa mabanggakit niya na baka ako raw ay may kinalaman ako sa nangyari kay Pia dahil kilala na daw niya ako at alam niyang ayoko sa step sister ko.
Lalo akong nagalit dahil bukod sa tama ang hinala niya, kitang-kita ko na mas pabor siya kay Pia kaysa sa akin. Sa inis ko ay nagbanta akong bababa ng sasakyan. Pero ang loko, inihinto niya nga ang kotse at hinayaan akong bumaba. Ang bigat ng loob ko sa ginawa niya kaya bumaba nga ako, siya naman ay iniwan ako sa kalsada kung saan madalang lang na may dumadaan.
Naisip kong magpasundo nalang sa driver namin kaso naiwan ko pala yung bag ko sa kotse ni Migs kung saan naroon ang wallet at cellphone ko.
Wala akong choice kundi maglakad sa arawan. Minumura ko si Pia, ang nanay niya at ang kababata kong si Migs. Naiiyak na rin ako kaso trying hard akong pigilan ang mga luha ko.
Alam ko namang mali ang ginawa ko pero ano bang magagawa ko eh talaga namang nakakainis ang Pia na iyon?
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal naglalakad nang mapansin kong may humintong sasakyan sa tapat ko. Sasakyan ni Migs.
''Hindi ako sasakay dyan kung ang gagawin mo lang ay paaminin ako sa ginawa ko kay Pia!'' sabi ko. Bumuntong hininga lang siya at binuksan ang pinto ng passenger's seat.
''Fine. Hindi na ako magsasalita about do'n, basta sumakay ka na. Ang init-init oh, lalo ka pang masunog,'' bahagya pa siyang ngumiti non at napaka-charming niya talaga. Gusto ko pa sanang magpakipot kaso na-hypnotize na ako sa gwapo niyang mukha kaya sumakay na ako.
Tulad ng promise niya, hindi na niya binanggit si Pia.
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...