Inisip ko na tinotopak lang si Pia nang sabihin niya iyon. Pero may kakaiba akong kutob..
Nanahimik ako. Ewan ko pero natatakot akong magtanong kay Charlie. Alam kong may something, pero ayaw ko iyon pansinin. Lalo na at malapit na ang debut ko.
Isang araw bago ang celebration ay nag-usap-usap kaming magkakaibigan.
"So Charlie na talaga ang escort mo?" tanong ni Joy na medyo hindi masaya.
"Oo. Bakit, ayaw mo?"
"Akala kasi namin si Migs."
Aminado rin naman ako, ginusto kong si Migs din pero parehas na kaming taken.
"Do you trust that Charlie?" out of the blue na tanong ni Elaine.
"Oo naman. Bakit mo natanong? May problema ba?"
Tiningnan niya ako, nag-isip pero umiwas rin ng tingin. "Nothing. I just want to make sure kung okay siya para sayo."
"That sweet."
--
Ilang sandali bago ang simula ng party (na gaganapin sa garden sa bahay. In fairness, masasabi kong bongga ang party ko, sa tulong syempre nina tita Ana at tita Claire) ay hindi ko maalis ang tingin ko sa salamin. Napakaganda ko, at medyo weird kasi never kong nakita na ganito ako. My mama would be so proud.
Paglabas ko ng kwarto ay saktong pag-akyat ng kwarto ni Pia. Nagtama ang paningin namin. Napansin ko kaagad ang mugto niyang mga mata. Akala ko naiiyak lang siya dahil mas maganda ang ayos at suto ko sa kanya pero bigla siyang nagsalita:
"It was you!"
naguluhan ako. Ano raw?
"Sinasabi ko na nga ba na hindi ka basta susuko eh! Mang-aagaw?"
"Hindi kita maintindihan. Ano'ng pinagsasabi mo?"
Hinarap niya sa akin ang isang cellphone. Nasa-inbox ang screen nun.
Kinuha ko iyon at tiningnan ang conversation. Nagulat ako nang malaman kong ang tanging laman niyon ang mga usapan namin ni Charlie. Mula umpisa, ang mga tula, kumustahan, lahat ay nandoon.
"Bakit nasa iyo ang cellphone ni Charlie?"
"Hah! Well FYI sister, it's Migs' cellphone. Bago ang number niya para lang hindi ko mahalata ang paglalandian niyo!"
Nanigas ang buong katawan ko. Ayaw kong maniwala pero muli ko na namang nararamdaman ang pamilyar na sakit.
Si Migs.
Si Charlie.
Niloko nila ako.
"Ano, magmamaang-maangan ka pa? Sinasabi ko na nga ba at patay na patay ka kay Migs kaya hindi mo siya tatantanan."
"Hindi ko alam ito, Pia. I swear--"
"Shut up, malandi ka!"
"Hindi ako malandi!" nanggigigil na naman ako.
"Malandi ka at mangagamit ka para lang makuha mo si Migs sa akin!"
"Hindi totoo yan! Hindi ako ganon kadesperada di tulad mo!"
Tumama ang isang sampal sa pisngi ko. Lalong nag-alab ang galit ko.
"Sumusobra ka na!" gusto ko siyang pagsasampalin pero mabilis niyang nahaharang ang mga palad ko. Gumaganti rin siya.
Namalayan ko na lang na nagka-cat fight na kami. Sinasabayan pa namin ng mga masasakit na salita.
Naririnig ko na rin sina manang na napapasigaw sa away namin.
Pero walang-wala ang sabunot, sampal at kalmot ni Pia kumpara sa sakit na ginawa ni Migs at Charlie sa akin.
Before I knew it. Na-out balance kami ni Pia sa hagdan.
Bago ako tuluyang malaglag ay napakapit ako sa gilid.
Pero si Pia ay lampa. Natuluyan siyang malaglag.
Nagtilian ang mga maid namin.
..
Blurry ang mga sumunod na nangyari. Nagkagulo sa loob ng bahay. Maraming nagaalala kay Pia. Marami ang kakaiba ang tingin sa akin na para bang kasalanan ko ang lahat. Lalo na si Tita Becca na halos isumpa ako at ang magiging anak ko.
Walang malay si Pia at ganon nalang ang kaba ko nang makita kong may tama siya sa ulo.
Then I saw him. Si Migs na halos hindi magkandaugaga sa pagtulong kay Pia. Hindi niya ako napansin dahil sa mga sandaling ito ay kaligtasan ng grirlfriend niya ang mahalaga. Maging si papa, kitang-kita ang labis na pag-aalala.
At ako, hindi makagalaw sa isang gilid. Walang kasama, walang pumapansin. I know, sino ba naman ako, na dahilan kung bakit nasaktan si Pia. Kasalanan ko.
Kasalanan ko kasi kung hindi ako nagpakatanga, hindi mangyayari ito. Siguro tama nga si Pia, desperada ako.
Maya-maya tumahimik ang buong bahay. Ang mga bisita sa garden ay hindi rin ata alam ang gagawin. Si tita Ana at Tita Claire ay lumapit sa akin. Saying soothing words.
Pero hindi ko mapigilan ang ang pagpatak ng luha ko. Parang hindi ako makahinga.
"We can't proceed, tita. Hindi ko kayang magcelebrate nang ganito. Na nasa panganib si Pia. Let's face it, my party is ruined."
sa ganitong sandali ay iisang tao lang ang kailangan ko, si Mama. I grabbed my purse.
"Nel saan ka pupunta?"
"To my mom," sagot ko habang palabas ng bahay. Hindi ko pansin na nakagown parin ako.
"Paano ang mga bisita?"
"It's up to you, tita."
Nakarating ako sa kalsada. Pumara ako ng taxi.
..
Pagdating ko sa sementeryo ay hindi ko pinansin ang dilim at panganib. Agad kong pinuntahan ang liningan ni mama. Napaluhod agad ako at nag-iiyak sa harap niya.
Puro iyak at pagtawag kay mama lang ang nagawa ko. Hindi ko na naikwento ang mga nangyari sa kanya. Alam kong alam na niya, dahil siya lang naman ang palaging nagbabantay sa akin.
Mama, i wish you're still alive.
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...