Six

1.6K 31 0
                                    

Simula noon ay sinabi ko sa sarili kong hindi na ako masasaktan. Kung hindi na ako nakikita ni papa, e di fine! Kung wala nang pakealam sa akin si Migs, e di sige! Simula ngayon mag-aaral nalang ako nang mabuti.

Ang school namin ay may Basic Education department at College department kung saan nag-aaral si Migs. Dati nung wala pa si Pia, akala ko nang mag-college si Migs ay mawawalan na siya ng time sa akin. Pero hindi naman pala kasi nama-manage niya ang time niya sa school, sa mga kaibigan niya, sa family niya at sa akin.

Pero ngayong nariyan na si Pia, ako na mismo ang umiiwas sa kanya. Sumali ako sa volleyball team ng high school department na palaging may practice tuwing linggo para lang hindi na ako makasama sa swimming kasama si Migs at Pia. Mukhang okay lang iyon sa step sister ko, samantalang si Migs ay nagtanong pa kung kailangan ko ba talagang sumali sa volleyball, pero nag-okay na rin siya nang sabihin kong gusto ko ang maglaro ng volleyball. 

Tuwing magyayaya si Migs ng lakad ay agad akong magdadahilan na may gagawin o di kaya naman ay may lakad din ako kasama ang sarili kong mga kaibigan. Dati, si Migs lang talaga ang talagang kaibigan ko pero ngayon, nakipag-close na ako sa mga teammates ko na sina Paola, Elaine at Joy. Kahit papano ay thankful ako dahil nababawasan ang lungkot ko dahil sa mga bago kong kaibigan. 

Sa bahay naman ay tuwing dinner lang kami nagsasama-sama. Si step mom lang at Pia ang salita nang salita. Paminsan-minsan ay sasali si papa pero ako ay magsasalita lang kapag magtatanong sila.
Naging ganoon nalang ang buhay ko. Gumanda ang grades ko sa school at maganda rin ang laban namin sa volleyball. Masaya na ako sa routine ng buhay ko. May pgkakataon lang na nagtataka si papa sa pagbabago ko. Nagkaroon kami ng one on one na usap ni papa pero tinapos ko rin agad dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. 

Si Migs ay ilang beses nag-try na isama ako sa lakad niya. Pinagbigyan ko siya ng isang beses, pero kasama pa rin si Pia. Nanood lang kami ng sine at in-ignore ko ang kalandian nila. May isang sandali, nang mag-cr si Pia ay harapan akong tinanong ni Migs. 

''Nel, ano'ng nangyari? Parang wala ka rito.''

''Masama pakiramdam ko,'' sagot ko. 

''Akala mo ba hindi ko napapansin na iniiwasan mo kami?'' 

Gusto ko siyang sigawan non at sabihin ang sama ng loob ko pero minabuti ko na lang na hayaan na lang. Ako lang din naman ang talo. ''Nagbabagong buhay lang. Naisip ko, teenager na pala ako so mas naging independent na ako ngayon, at naisip kong makipagkaibigan na rin sa iba para naman hindi lang kayo ni Pia ang lagi kong kasama,'' sinadya kong sabihin yon. ''And you know what, Migs? Naiisip ko rin ngayon na maging open sa boys.''

Halos lumuwa ang mata niya. ''What? Bata ka pa, Nel. Hindi ka pa pwede magboyfriend.'' 

Inirapan ko lang siya ng mata. ''Sixteen na ako, turning seventeen. Ang iba ten palang ay may dyowa na. At teen na ako at mayroon akong mga crush. Isa pa. Hindi kita kuya para pagbawalan ako sa mga gusto ko.''

Kitang-kita ko na may gumuhit na sakit sa mga mata niya. May sasabihin pa sana siya ngunit dumating na si Pia. Hindi na ulit kami nagkausap.  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon