Twenty Four

1.4K 19 2
                                    

  Tulala ako habang papunta sa bahay nina Migs. Parang pool party iyon dahil sa pool nila may handaan, yun nga lang ay formal party ito. May mga palamuti kung saan-saan at isang gawang stage kung saan may mga tumutogtog. Meron ring flatscree sa gilid non. Ang dress na suot ko pa ay ako mismo ang gumawa.
Gusto kong makausap si Migs tungkol sa sinabi ni Matt. Kaso nauna akong nakita nina tita Ana.
Nang makatakas ako sa kanila ay nakita ko na si Migs, kausap ang mga college friends niya. Medyo nahiya pa akong lumapit dahil nakatingin na sila sa akin. Sinalubong ako ng yakap ni Migs at napansin ko ang makahulugang tingin ng mga kasama niya. Nagbatian kami. Bago ko pa masabi ang kailangang sabihin ay may tumabi na sa amin. Si Pia na napakaganda sa suot niya. Prinsesa na naman siya. ''Pinapahanap ka nina mama sa akin,'' sabi ni Pia na sweet na sweet ang boses kay Migs. Bago sumunod si Mgs ay sinabi niya muna sa akin: ''You're so lovely tonight, Nel. Sayaw tayo mamaya!''
Nainis na naman ako sa Pia na iyon. Siya na yata ang worst na babae na nakilala ko.
Isinantabi ko muna ang plano ko at nagpasyang makipagkumustahan sa mga kakilala ko. Tuwing nahahagip ng mata ko si Migs ay palaging naroon si Pia sa tabi niya. Shit talaga siya!
Nang dumating ang oras para sa isang 'sharing' para sa mga celebrants ay nagpuntahan na sina Migs at ang parents niya sa stage. Nakita ko si Pia na mag-isang nakatayo sa may pool side. Lumapit ako sa kanya.
''Ang ganda ng dress mo,'' sabi niya. Alam ko namang plastikan na naman ang gusto niya pero wala ako sa mood.
''I know your secret,'' sabi ko.
Napalunok siya pero taas noo pa rin niya akong hinarap. ''What secret?''
''Your relatioship with Matt.''
Hindi kaagad siya nakasagot. ''Wala na kami kaya no worries.''
''No worries na nga kasi ginawa mo siyang mukhang tanga nang sabihin mong hinipuan ka niya!''
napapalakas na ang boses ko pero wala namang nakakapansin dahil ang atensiyon ng mga bisita ay nasa stage.
''I know everything, Pia. Alam kong may milagro kayong ginagawa nang makita kayo ni Migs. At dahil nga sa pilingera ka at selfish, nag-eskandalo ka. Pati si Migs ay dinamay mo sa kalandian mo, pati ako!''
Pansin kong may takot sa mga mata niya.
''I'll tell Migs everything,'' sabi ko bago tumalikod.'
''He won't believe you,'' rinig kong sabi ni Pia bago ako muling humarap sa kanya.
''Paniniwalaan niya ako!''
''Hindi dahil ako lang mas paniniwalaan niya kapag tinanggi ko ang sinabi mo. Di ba ganon naman palagi, Nel? Tuwing may sasabihin ka against sa akin kinikontra niya? Alam mo kung bakit? Because he likes me more than you. Kababata ka lang niya at ako ay... Okay sasabihin ko na kahit secret... Girlfriend na niya!''
Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo sa paligid ko. Parang nadudurog ang puso ko sa sakit. Gusto kong sabihin sa sarili ko na nagsisinungaling lang si Pia pero hindi ko makumbinsi ang sarili ko.
''It's been a secret. Ayaw ni Migs na ipaalam sayo kasi alam niyang hindi mo magugustuhan. Kung iniisip mong nagsisinungaling ako, isipin mong mabuti kung ilang beses ka niyang tinalikuran para sa akin. Or pwede mo siyang tanungin ngayon to make sure. Isabay mo na rin ang pagsusumbong mo kaso baka mauwi lang sa wala.''
Nanginginig na ako sa galit... At sakit. Paano nagawa iyon ni Migs? At paano ito nagagawa ni Pia? Demonyo na ba itong kaharap ko?
''You've been with Migs for how long?'' tanong ko kahit masasaktan ako sa sagot.
''Two months.''
two months with Migs at last week ay sila pa ni Matt. This creature in front of me a is a two-timer bitch.
Galit ang mga mata kong nakipagtitigan sa nang-uuyam niyang mga mata. ''You're a slut!'' Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay binigyan ko siya ng isang malakas na sapak. Dahilan para ma-out balance siya at mahulog sa pool.  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon