Thirty Four

1.4K 22 0
                                    

  Sa mga sumunod na araw ay naging makulit ako. Lagi akong nagme-message kay RM na magpakilala na siya dahil hindi na ako natutuwa (excited lang). Huminto na siyang magpadala ng kung ano-ano dahil sinabihan ko siyang tigilan na niya dahil hindi ako nabibili sa matrial na bagay. Iyon nga lang, bihira siya magrepond sa email ko. Nag-isip ng paraan. Kaya ang ginawa ko ay nag-aral ako ng poetry at binigayn siya ng gawa ko. (wait parang ako naman ang nanliligaw ngayon?).
Nang wala pa rin siyang sagot ay nainis na talaga ako. Kaya for the last time, I send him an email.
..
You know what Mr. RM, suko na ako! Hindi ko alam kung trip mo lang talaga ako. It seems like na you never cared. Pabida lang ba ang mga ginawa mo para sa akin? Pinaasa moko? Then congratulations dahil nagwagi ka. Kaya ngayon nabibwisit na ako sayo! Tantanan mo na lang ako. Wag ka na magsulat ng kung ano-anong tula dahil malay ko ba kung copy-paste lang yan sa internet. I am done. Goodbye!
Sent!
..
Pagkasend ko ay agad akong nagsisi. Ang immature ko! Para tuloy ako ang lumalabas na desperada. Oh forget it. Wala na akong pake.
Pero mga ilang minuto lang ay nagreply siya. Nabuhayan agad ako (whatta shame!)
..
Nel, I'm sorry. Hindi kita pinapaasa. There were things kasi na inasikaso ko. I'm so sorry if you feel that way. But honestly, cross my heart, I never lied to you. What I did, said and wrote were purely true. I promise to make things up for you.
And I think you wanted to meet me so... How about this Sunday? At 3PM let's meet in front of our school.
--RM
..
Halos mapalundag ako sa tuwa. We're gonna meet! Kaya nagreply agad ako ng ''okay see you.'' shocks, ang easy ko ba? Well, it seems my body is quicker than my brain.
Ah basta! Magkikita na kami ni RM sa Sunday.
..
Halos hilaan ko ang araw para maglinggo na. At sa wakas nang dumating ang araw ay naghanda na ako. Kumunsulta pa ako sa mga kaibigan ko kung ano ang dapat suoton at gawin. Nag-alok pa silang maging chaperone pero kaya ko naman ang sarili ko. Lagi yata akong may baong pepper spray at hard pen.
Habang pababa ako ng hagdan ay sakto namang makakasalubong ko si Migs. Napahinto kami. Napansin ko ang pagsipat niya sa akin (well, maganda ako sa getup ko for sure). ''Nasa room niya pa yata si Pia'' sabi ko. Aalis na ako pero pinigilan niya ako sa braso. ''Saan ka pupunta?'' tanong niya na seryoso. Heto na naman ang pilingero kong ama. ''Date,'' sagot ko at tiningnan ang reaction niya. May part na gusto ko siyang magselos pero naalala ko rin na may Pia na siya.
''Alone?''
''Alone, yes.''
''Saan kayo pupunta?''
Inirapan ko siya. ''Pwede ba, Migs. Malaki na ako. Hindi ko kailangan ng pakikialam mo. Bye!'' Hindi ko na siya hinintay sumagot. Basta makikipagkita ako kay RM.
..
On time akong nakarating sa tapat ng school. Napansin ko kaagad ang lalaking naka casual wear. Nakasuot pa siya ng cap kaya hindi ko kaagad makita ang face niya.
Base sa katawan niya, He is tall (like Migs), muscular (parang si Migs) at lalaking-lalaki ang tindig (bwiset naman tulad pa rin ni Migs).
Napansin ko nalang na nagka-face-to-face na kami.
He's not bad. I mean, mas gwapo si Migs pero masasabi kong hinahabol rin ng babae itong si RM.
''Hi,'' bati niya at ngumiti.
''Hello, RM!''
He chuckled which I find sexy.
''That's my code name. Hango sa pangalan ni Romeo Montague from Romeo and Juliet. But from now on, call me Charlie.''
Itutuloy...  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon