"Sige na, Miss Nel. Tanggapin mo na 'tong cake. Nagpatulong pa ako sa mommy ko maipag-bake ka lang nito," sabi sa akin ni JunJun habang pilit na ibinibigay sa akin ang cake. Tinanggap ko nalang kasi mukhang iiyak siya anumang oras. Sobrang saya niya at umalis na.
Tinukso na naman ako ng mga kaibigan ko. Pang-sampu na yata si Jun Jun sa mga lalaking nag-bigay ng kung ano-ano sa akin simula nang manalo ako sa pageant. Like duhh, biglang sikat ko lang. Hindi lang sa Basic Ed kundi pati sa College Department. Hindi na tumahimik ang buhay ko simula non.
Anyway, feel na feel ko naman ang pagbabago. Hindi dahil sa sumikat ako kundi sa mukhang talunan na muukha ni Pia. Simula nang manalo ako ay palagi na siyang nakasimangot. Hahaha.
Pero heto nga, dumarami ang mga admirers ko. Yung iba nga nakakatakot na dahil parang obsessed na sila. Minsan nga ayoko na lumabas ng room dahil may mga nag-aabang na sa akin.
Malibvan sa mga kaunting pagbabago ay ganon pa rin. Parang outcast pa rin ako sa bahay. Nakakabad trip pa rin si tita Becca, at si Pia at Migs ay sila pa rin. Wala pa rin akong balita kay Joshua.
..
Isang umaga pagkapasok ko sa room (ako palang ang ang tao) ay laking gulat ko. Sa upuan ko kasi ay may nakaupong napakalaking teddy bear! As in dambuhalang bear na kulay brown na napaka-cute at nakasuot ng evil queen costume. Agad kong naisip na galing iyon sa isang admirer ko. Pero ang effort niya huh. Alam kong mamahalin at di biro ang ganda ng bear na 'to!
OMG sino kaya siya? Ang lambot ng manika at gustong-gusto ko ang evil queen gown niya. Nasisiguro ko na inspired iyon sa sagot ko sa pageant na mas gusto kong maging evil queen.
Napansin kong may nakadikit na letter sa gown ng teddybear. Kinilig agad ako sa nabasa ko:Even a thunder storm is made by heaven;
Even the dark sky is appreciated by children;
Even being bad is a part of women;
Even evil queens are loved by men.Nel, I am one of those men.
And you deserve to be loved like other women
If you would become the evil queen in a story,
Please let me be your king, milady.
-- R.M.I was never fond of poetry, pero sobrang naapektuhan ako sa sinulat niya. Siya ba si William Shakespeare?
Grabe mukhang hindi ordinaryong admirer to ah. And to be honest, tinablan ako!
..
Simula nang araw na iyon ay hindi na ako tinantanan ng tukso ng mga kaklase ko. Pati teachers nakikisali. Sino raw ba si R.M.?
Sino nga ba si R.M.?
Isang linggo makalipas ang bear gift stuff, hindi ko pa rin makilala ang R.M. na yon. Hindi rin siya nagpaparamdam.
Tapos nga, pagkalipas ng seven days,medyo tanghali na ako gumising. Pagkapasok ko pa lang ng classroom ay may mga makahulugang tingin na ang natatanggap ko sa mga kaklase ko. Pati sa teacher ko.
At nang tuluyan na akong makarating sa pwesto ko ay napansin kong may isang bagay sa upuan ko. May crown na nakapatong sa isang pulang unan sa upuan ko! Tulad ng nauna ay hindi rin iyon ordinaryo. Mukhang man-made ang pagkakagawa sa korona. Kahit kulay itim iyon ay may mga palamuting red flowers. Maganda ang resulta sa kabila ng kulay niyon. Kahit hindi iyon katulad ng mga korona sa palasyo at fairytales, mas maganda ito (I hope kaya kong ilarawan ng mabuti). Hindi ko na alam kung gaano ko katagal iyon tinititigan nang may humugot ng korona sa kamay ko at isinuot iyon sa ulo ko-- si Joy na sinabing: ang ganda naman ng evil queen natin!!" Tapos lahat sila sa room ay tinukso na naman ako. Hindi naman ako naiinis sa kanila. Sa katunayan nga ay kinikilig na ako.
Nakita ko ang isang note na nakapatong rin sa unan.Every man wants a woman to be his queen,
Every queen needs a man like every woman.
Therefore a man asks his lady Nel,
to accept the crown as his love,
and be the queen of his heart.
--R.M.HE IS SO ROMANTIC!!! Gusto ko na yata ang poetry...
Who in the seven hells is R.M.? I'm dying to meet him.
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
Roman d'amourPaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...