Nang magising ako kinaumagahan ay nakita ko na lang na may jewelry box sa side table ko at may note doon na nakalagay ang ''to my princess.''
Nang buksan ko ang jewelry box ay napangiti ako dahil ang laman noon ay ang mga alahas ni mama. Masasabi kong kompleto iyon mula sing-sing hanggang brooch. Alam ko nang galing ito kay papa.
Akala ko wala na siyang pakealam kay mama. Simula kasi nang mamatay si mama, palagi nalang wala sa bahay si papa. Palagi siyang nasa work at never ko siyang nakitang umiyak nang mawala ang kabiyak niya. Kitang-kita ko ang labis na kalungkutan niya noon. Nagulat nalang ako isang araw ay pinatapon niya lahat ng bagay sa bahay na nagpapaalala sa kanya kay mama. Yung iba ay tinambak sa atique. Kaya natutuwa talaga ako dahil binigyan niya ako ng bagay na galing mismo kay mama.
.
Naging normal naman ang lahat. Nag-thank you ako kay papa pero ganon pa rin siya. Seryoso at walang pake. Awkward lagi kay tita Becca at Pia. Palagi pa rin silang magkasama ni Migs at palagi rin akong umiiwas sa kanila. Pero may time na nagkakasama kami ng kababata ko kapag bibisita ako sa kanila. Iyon lang ang tanging border line kay Pia dahil hindi siya welcome kay tita Ana maliban nalang sa Sunday swimming.
Palagi pa rin kaming magkakasama ng new friends ko at okay ang volleyball games namin. Si Joshua naman, hayun pogi pa rin at lumalaban pa.
Isang araw, merienda time sa canteen nang tabihan nalang ako ni Migs (nag-iisa lang kasi ako) at sa malas nga naman, kasunod niya si Pia. Dinaldal ako ni Migs at tahimik lang si Pia. Napansin ko yung kinakain ni Migs at ang lalagyan non. Tinanong ko siya kung bakit pa siya pinapabaunan ni tita Ana.
''Galing to kay Pia. Luto niya.'' Nagtaka ako sobra dahil never ko pang nakitang magluto si Pia. Tapos nang mag-isip ulit ako ay kagabi pala, gabing-gabi na ay nasa kusina pa si manang, may niluluto. So sinungaling din pala ang babaeng ito. Binigyan ko lang ng makahulugang tingin si Pia at iniwas niya tingin niya sa akin. Inalok pa akong tumikim ni Migs dahil masarap daw. ''No thanks, Migs. Alalm ko na lasa niyan. Halos araw-araw kong natitikman ang luto na yan eh,'' sabi ko at namula bigla si Pia.
Maya-maya ay may tumabi sa amin. Si Joshua, may dalang tupperware. Binigay niya iyon sa akin. Nang buksan ko ay sandwich ang laman. Sabi niya ay siya raw ang gumawa non. Kinilig na naman ako at nagpasalamat.
Magaling talaga mambasag ng moment si Migs dahil umubo siya na halata namang sadya. Napilitan tuloy akong ipakilala sila sa isa't isa.
Ang mga sumunod na pangyayari ay si Migs na puro tanong kay Joshua. Daig pa niya ang pulis na nagpapaamin sa isang kriminal. Nakakainis ang mga tanong niya tulad ng ''tingin mo ba karapat-dapat ka kay Nel?'' ''bago mo siya niligawan, nagpaalam ka ba sa dad niya?'' etcetera na nakapagpahiya kay Joshua. Ako naman ay namumula na sa galit kay Migs. Kung makaasta siya ay akala mo ay siya ang nanay ko. Sa inis ko ay hinila ko paalis si Joshua. Hindi ko pinansin ang tawag sa amin ni Migs.
''Grabe. Ayaw yata sa akin ng kuya mo,'' turan ni Joshua habang paalis kami.
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...