Nelmira,
Ayokong isipin mong kaya lamang kita gustong makita dahil lang sa nawala na si Becca at Pia sa buhay ko. Maaaring nabanggit ni Migs ang tungkol sa sakit ko ngunit ayokong intindihin mo pa iyon. Malakas ako kaya gagaling rin ako agad.
Nel, anak, alam kong malaki ang galit mo sa akin. Nang mamatay ang mama mo ay hindi ko kinaya. I loved your mother so much. Para akong nayuyupi sa tuwing naaalala kong hindi ko na siya makikita paggising ko kinabukasan. I tried to avoid thinking about her. Lahat ay ginawa ko para lamang makalimutan siya. I worked overtime sa opisina para makakatulog na ako agad pag-uwi dahil ayoko na siyang maalala. Diba nga napakadalang kong umuwi dahil madalas ay nasa business trip ako para maka-iwas. Then I met Becca, the exact opposite of your mother. Yung tipong hindi ko makikita ang mama mo kapagmariring, maaamoy o makikita ko siya. So I married her.
That was my mistake. Masyado akong naging abala sa kanya at sa trabaho. Habang ikaw ay hindi ko na halos makita. I know I was a bad father to you. Lalo na nang halos ipagpalit na kita. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa ginawa ko. Lalo na nang masampal kita in front of people. I wanted to hold you that night, to say "sorry" and kiss you to make it alright. But I saw the way you looked at me. Full of hatred. Ni ayaw mo akong tingnan. Pakiramdam ko ay pati ikaw ay nawala na tulad nang mawala ang mahal ko.
Ngayon, lalam ko na kung bakit. As you grow up, lalo kang nagiging kopya ng mama mo. Kahit ang tunog ng tawa at pagngiti mo ay galing sa kanya. Kaya naalala ko siya sayo at muling bumalik ang sakit, paulit-ulit.
Pero nang sumama ka sa tita Claire, gustong-gusto kitang pigilan, anak. But it was too late. I already hurt you. You despised me. At alam kong makakatulong ang paglayo mo dahil kailangan mo iyon, at kailangan ko. Kailangan mong makaiwas sa sakit na nararanasan mo. Ako naman kinailangang tanggapin ang pagkawala ng mama mo at makaisip ng paraan para makabawi sayo.
During those years, Migs and I made sure that you were doing fine. Lagi kaming updated sa nangyayari sa iyo. I was so happy nang mabalitaan kong may mga kaibigan ka na. at least, hindi ka na nag-iisa. Natuwa rina ko nang malamang nakikipag-date ka na. at least, mararansan mong mahalin.
But 5 years are long enough, anak. Hindi ko na kaya. I know my heart is giving up. Halos wala na akong maitirang maipamana sayo dahil sa gastos ko sa pagpapagamot. So I sold our land to the Lazaro. Migs and his family wera kind enough to give me a major share sa kanilang negosyo. Now we are part of their business.
Gusto ko lang malaman mo, Nelmirya, my daughter, that what I did is for you. Ikaw nalang ang mayroon ako at ayokong mawala sa mundong ito nang walang iniiwan para sa iyo. Alam ko may sarili ka nang career, ngunit karapat-dapat lamang na sa iyo mapunta anumang meron sa ating pamilya.
I miss you so much and I long for you kaya kita pinapauwi. Ngunit kung ayaw mo pa rin, ayos lang anak, tanggap ko. Ang akin lang ay sana maging masaya ka sa bawat pangyayari sa iyong buhay. Ang pera natin, kapag nawala ako ay nariyan lang, ipinagkatiwala ko kay Migs hangga't sa tanggapin mo na iyon.
Anak, I love you. Nothing hurts more than losing you and your mother.
Papa
--
Nel's point of view
Umiiyak na ako habang tinutupi ulit ang ang sulat ni papa. Hindi ko akalaing makakayanan kong tapusin ang sulat na iyon dahil pagbuklat ko palang ay nanininkip na ang dibdib ko. Sa pagkakasulat-kamay ni papa ay nababakas na nahirapan siyang isulat iyon dahil sa panghihina niya.
Ang pader na binuo ko nang limang taon ay naisira na ng tuluyan. Ang unang parte ay nasira na ni Migs, at ang huling parte ang sinira na ni papa.
I want to be with them again.
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...