Thirty One

1.5K 25 0
                                    

This is it! Kailangan kong mag-concentrate. pero kinakabahan ako. Sino ba namang hindi eh first time ko to? makita ko palang ang mga kalaban ko ay nababawasan ang confidence ko. Sa dressing room, halos mapanganga ako kay Pia. Ang ganda niya kahit gusto ko siyang isuka. Ilang libo kaya ang nawala sa ari-arian namin?

Anyway, nawala agad ang insecurity ko nang makita ko na ang sarili ko sa salamin. Not bad. Magaling si Paola sa pag-makeup sa akin. At ang theme ng entrance namin for event is underwater. Kaya nga puro sea creature ang peg namin. Nagbunutan kami. Napunta kay Pia ay perlas kaya mukha talaga siyang napakagandang perlas sa ayos niya. Ako naman, ang nabunot ko ay Octopus. Pinaghirapan kong gawin ang costume ko para lang mapaganda sa paningin ng tao ang octopus. Well, not bad kasi nga nang maisuot ko na iyon ay talagang para akong reyna ng karagatan. Umani pa ako ng compliments sa mga kasama ko nang makita nila ang ayos ko.

Isa pa, ako ang pinaka huli sa kanila 20 kami lahat at number 20 ang nakuha ko. Number five naman si Pia.

So heto na, entrnca na. Hindi ko pinansin ang ang kabog ng dibdib ko. Narinig ko ang cheer ng mga college students nang rumampa na si Pia. So sikat siya? Natural, malandi eh :D

nag turn ko na ay talagang ginawa ko ang best ko. Ang smile, ang rampa at eye contact. Nakita ko sa audience ang papa ko, si Becca, si tita Ana (na may dala pang tarp na nakalagay ng "Go Nel!") at si Migs na humihiyaw na hindi ko naman maintindihan. Ang bilis ng pangyayari at tapos na ang unang part.

May mga konting interview, intermission at awarding. Sumunod lang ako sa daloy. Biruin mo yon nakakuha pa ng Most Photogenic si Pia. Okay lang, hindi pa rin kanya ang korona.

Sunod na rampa ay sportwear. Really ang pinili ko ay swimming. At sa sobrang inis ko nang malamang ganoon rin kay Pia. Ang impokrita niya talaga dahil nalulunod pa nga siya dati kaya lagi siyang binabantayan ni Migs.

natatakot tuloy ako. Panghuli pa naman ako kaya may possibility na hindi na ako pansinin lalo na at parehas kami ni Pia. At may naisip ako. Sinuot ko ang swimwear. Dark blue iyon at long-sleeved at maikling pangibaba. Nilugay ko ang buhok ko.

Turn ko na as number 20. Confident akong rumampa habang nagsisituluan ang tubig mula buhok ko hanggang paa. Nangingislap ang katawan ko sa ilaw na nagpapa-enhance sa imahe ko. Napansin kong napanganga ang mga tao habang sinusuklay ko ng kamay ko ang buho ko at i-flip iyon sabay flash ng sexy smile. Konting pose pa at nawala na ako sa stage. Yung mga kalaban ko ay nakasunod ang tingin sa akin. Yung iba nakangiti, yung iba nakataas ng kilay. Who cares kung binasa ko yung stage? Kailangan kong magpapansin eh.

Dumaan pa ang ibang kemeng announcement at turn na naman para sa formal wear. Medyo tumaas na ulit ang confidence ko nang makita kong mas bongga ang suot ko kaysa sa iba. Red na red ang suot ko na ttalagang ako ang nag-design. kaso hindi ako mismo ang nanahi dahil hindi pa ako ganon kabihasa para makapag-panahi ng gown. Nagdagdag nalang ako ng ibvang details.

Tapos hayun, tapos na ang pagrampa. Pipili na ng tatlong babae at tatlong lalake para sa question and answer portion. Kabadong kabado ako. Ang dalawang napili na ay isang college at isang grade 9. hindi pa ako natatwag at si Pia. Hindi pwede to. I have to win nang kahit papano ay manalo naman ako sa stepsister ko.

Kahit pumasok lang ako sa top 3, kahit hindi na ako manalo. Okay na okay na talaga!

Then, hayun na, Halos mabingi ako nang marinig ko ang pamilyar na pangalan na iyon.

Pangalan ko.

..Natauhan lang ulit ako nang magsipalakpakan ang mga tao. Pinapunta na ako sa harapan kasama ang limang nakapasok na rin. Sobrang saya ko, grabe! Lalo na at napansin ko ang mahabang nguso ni Pia nang isa-isa na silang umalis ng stage.

Nagsimula ang tanungan. Ako ang huling tatanungin. Ang mga unang natanong ay halatang kinakabahan. Meron pang hindi na nakasagot. Yung iba nauutal at meron namang maggaling sumagot. Ako naman ay naginginig na ang tuhod.

Tapos turn ko na. Napakatahimik. Lahat sila ay makikinig sa sagot ko. Mula sa audience ay nagtama ang mga mata namin ni Migs. Hindi ko ma-explain pero biglang lumakas ang loob ko nang makita ko siya at tinanguan ako at nag-thumbs up pa. I took a deep breath.

Ang nabunot kong tanong:

"Kung magkakaroon ka ng pagkakataong maging character sa isang pelikula, dula o kahit anong istorya, sino ka?"

What a lame question! Pero wala akong choice kundi sagutin iyon nang maayos. What matters most ay yung sagot ko.

"Lahat ng kwentong alam ko ay palaging may bida at kontrabida. Karamihan sa sasagot ng tanong na ito ay pipiliin ang maging bida. Pero iba ako. Mas gugustuhin kong maging kontrabida. Maging si Maleficent, Regina or stepsister ni Cinderella man, kahit sino. Hindi dahil sa masama ako at iyon ang ugali ko. Kundi dahil naniniwala ako na sa likod ng lahat ng ginagawa nila, may dahilan sila. Pinipili ko sila dahil kaya kong ilagay ang sarili ko sa sitwasyon nila. Pero sa kabila ng lahat, gusto kong maging sila dahil kahit papaano ay kaya kong pigilan ang kasamaang magagawa ko sa ibang tao. Kung ako si Meleficent, kahit anong sakit pa ang maramdaman ko, lahat gagawin ko para lamang makalimot at makabangon ulit. Ngunit hinding-hindi ko gagawin ang manakit at maghiganti. Kung kaya ko lang maging evil character sa lahat ng stories, gagawin ko para lamang ma-prevent ang mga kasamaang ginagawa nila. Iyon lamang po, maraming salamat."

Nang matapos ako sa pagsagot ay halos mabingi ako sa hiyawan ng mga tao.

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon