Twenty Eight

1.4K 25 1
                                    

  Tulad kaninang umaga, wala kaming imikan ni Migs. Kuntento na talaga siya na nakasunod lang sa likod ko. Ako naman, hindi mawala sa isip ko ang tungkol sa relasyon nila ni Pia. Kanina nang ipangalandakan ng babaeng iyon na girlfriend siya ni Migs, gusto ko na silang pagsasapakin pareho.
Oo nga at wala akong pakealam sa mga nakaraang relasyon niya. Pero iba ito! Iba si Pia!
Hindi ko alintana na papatawid pala kami ng kalsada. Sobrang busy ko sa pag-iisip kaya't di ko mapansin na masasagasaan na pala ako.
Pero may mga brasong nagligtas sa akin. Mga braso ni Migs.
"I told you, you need me," bulong niya na nagpamula sa mga tenga ko, bukod pa sa ang bango-bango niya. Agad ko namang naalala ang galit ko at humiwalay sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa likuran ko. "Nel, I can't take this anymore. Please, at least talk to me. If you want to know something, then ask me. Wag ganito."
"Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Fine. Tell me kung paano naging kayo ni prinsesa Pia."
Sa itsura niya ay parang Million dollar ang tanong ko.
"It just happened."
Sarap niyang pagsasapakin sa lousy niyang sagot pero agad siyang nagsalita.
"It just happened. I mean, we were always together, especially nang bigla kang magsolo. Kaya nga palagi kaming magkasama. Isa pa, she always needs me and I'm always there for her. Dumating nalang ang isang araw na... na we kissed and then... yun na, kami na. Naisip ko rin na wala namang masama dahil nagkakaunawaan naman kami. She trusts me. Maganda na rin siguro iyon para walang mag-isip ng kung ano-ano ang ibang tao tungkol sa amin. At least kung kami na, wala nang malisya kahit na magkasama at close kami sa isa't isa."
Sa bawat syllable na lumalabas sa bibig niya ay kumukulo ang dugo ko.
"So ibig mong sabihin, kaya naging kayo dahil lang sa palagi kayong magkasama na baka magkamalisya ang ibang tao at naghalikan na kayo?"
"It wasn't that simple."
"Eh bakit tayo? Simula bata palagi tayong magkasama, Tayong dalawa lang, di ba? Hinalikan mo na rin ako ng birthday ko--" Bigla akong namula sa sinabi ko. Parang nag-flashback na naman ang nangyaring iyon.
Mukhang si Migs ay ganon din. Namula rin siya. Tumalik at naglakadod nalang din ako para maitago ang pamumula ko.
"I'm sorry we kept it a secret to you. I knew you wouldn't like it especially that have issue with your sister." Sabi pa niya.
Hindi ako nagsalita. Oo may issue talaga ako. Lalo na sa'yo!
..
Nang makita ko na ang bubong ng bahay namin ay kinuha ko na ang bag ko sa kanya. Binigay naman niya iyo (akala ko kailangan ko pa siyang sigawan eh.)
Nagmamadali akong pumasok ng baha dahil alam kong anumang oras ay parating na si papa galing trabaho. Ayoko pa siyang makaharap.
Pero nang makarating ako sa common room ay naroon na siya, tutok ang mga mata sa akin.
"In the library," sabi niya bago mauna sa akin. Huminga ako ng malalim bago sumunod.
Umupo siya sa likod ng desk niya. Ako naman ay piniling tumayo sa harapan niya.
The memory of him slapping me last night is till fresh, and so my hatred.
"I knocked on your door last night, but you didn't want to talk. This morning, you left early. I assumed you still didn't want to talk. But tonight, whether you want it or not, we will talk."
Hindi ako natinag sa mga sinabi niya. Mas malakas ang galit ko kaysa sa takot sa kanya.
"Hindi ko dapat ginawa sa'yo iyon." He said.
"Pero ginawa mo pa rin," sahot ko.
Kumunot ang noo niya. Hindi niya siguro inaasahan ang ganoong sagot.
"I'm sorry, anak."
Minsan lang nagpakababa si papa. Pero hindi pa rin humupa ang nararamdaman ko. May kulang.
"Bakit?"
"You're my daughter."
"And Pia?"
"She's also my daughter. Tinaggap ko siya bilang akin nang pakasalan ko si Becca."
"At ako, paano ako? Palamuti sa bahay na'to?"
Napatayo si papa, may babala sa mga mata. "Ano ba ang gusto mong palabasin, Nelmirya?"
"Wala akong gustong palabasin, papa. I am just trying to remind you that you're not being my father anymore. Nang mamatay si mama, hindi ko na maalala kung kailan mo ako huling ipinasyal. Inalis mo lahat ng alaala ni mama sa buong bahay. You never talked about her. You were always at work until you married Becca. Masaya ako nang makita kanga masaya sa kanya, kahit kay Pia. Pero alam mo papa, may nawala eh! Ako at si mama. You erased her the day she died. At ngayon, ako naman ang binubura mo!"
"What are you talking about?"
"Hindi mo ba pansin, pa? Kailan mo ako huling kinumusta sa pag-aaral ko? kailan ka nagtanong kung ano ang pinagkakaabalahan ko? kailan ka nanood ng games ko sa volleyball? Kailan mo ko huling niyakap, hinalikan at tinabihan? Natatandaan mo ba? Hindi! Kasi palaging si tita Becca ang nasa isip mo. You always cared for Pia. You even spent a lot of money for her debut party! Tapos kagabi, para siyang anak mong pinagtatanggol mo sa ibang tao which was ako! Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin ang saktan mismo ng sariling ama sa harap ng mga tao para lang maipagtanggol ang hilaw niyang anak. It felt like I was alone. Wala akong kakampi! Kagabi halos ipagsigawan ko na sana sinama nalang ako ni mama nang mamatay siya para masaya ka na ngayon sa bago mong pamilya!"
Tulo na nang tulo ang mga luha ko. Agad akong lumabas ng library.  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon