Nelmirya's Point of View
..
And that's it. He's gone again. Nawala ulit si Migs sa buhay ko. Tapos na ang mga araw na naging masaya ulit ako kasama siya, hindi ko man maamin iyon sa kanya.
Pabagsak akong naupo sa sofa. Sa mini table sa harap ko ay kinuha ko sa nakapatong na libro ang nakaipit na sulat galing kay papa. Nang ibigay ito ni Migs ay naisip kong itapon, sunugin o punitin ito. Pero hindi ko kaya.
Nabalot ng kalungkutan ang lugar. It hurts na nawala ulit si Migs. But what can I do? I still hate him. I still can't get over with him. I still love him.
Pero kaya ko ito. Natiis ko ito ng limang taon. Matitiis ko ito ulit.
Ikinabigla ko pa nang marinig ang malalakas na katok sa pinto. Bumilis ang heartbeat ko. I know it's him.
Napagbuksan ko ng pinto si Migs. Para siyang pagod na pagod na nakatitig sa akin. Pero pinilit kong magpaka-pormal.
"Oh bakit ka bumalik--" before I could finish ay pumasok agad siya.
"I don't want to leave like this. Sapat na ang limang taon ng pagdurusa ko!" he said.
I remained silent habang siya ay hinawakan ang magkabilang bahagi ng mukha ko.
"I want you to know this...
Bata palang tayo ay mahal na kita. Siguro bilang kapatid, but my feelings has developed. When your mom died, I discovered a feeling that I was your savior. Gustong-gusto ko ang pakiramdam na kailangan mo ako, na ako lang ang maasahan mo. Kaya nga I protected you. I don't know pero something happened. I forgot that you were growing into a woman. Natakot ako nang m-arealize kong kaya mo na ang sarili mo. Na hindi mo na kailangan ang pinagtatanggol. You became independent. Kahit ang pagtrato mo sa akin ay naiba. Dati I was like your big brother, then biglang naging bestfriend. Pero hindi ibig sabihin non ay nainis ako. I just coundn't cope up with the changes in our relationship. You being beautiful at crush ng ibang ka-edad mo. Ako na maagang namulat na kailangan kong sundan ang yapak ni dad. Until Pia came. I admit na I was totally excited to know her. She was pretty. Nel, I know I was so stupid that time. Pero ano bang magagawa ko na dati ay teenager lang ako na mabilis maglaway sa magagandang babae. Idagdag pa na nakita kita sa kanya noong mas bata ka pa. She was hopeless and vulnerable like you were. Pero hindi ibig sabihin non ay kinalimutan kita. Nel, I tried to work things out. Pero bigla kang lumayo. Halos itapon mo na ako palayo sayo. It hurt like hell! Ang sakit tuwing iniiwasan mo ako. Ang sakit kapag mas marami kang time sa mga bago mong kaibigan. At mas masakit tuwing nakikita kitang nagpapaligaw sa iba. Alam ko mara i akong kasalanan. I broke many promises just because I was blind. But I'm telling you right now na sising-sisi ako sa lahat. I was so stupid, a fool and an asshole! I should've known na nasasaktan na kita. I should've known na nababalewala na kita. I should've known na you were right all along. About Pia. Pero ang bobo ko at hindi man lang napansin na ikaw ang gusto ng puso ko. By the time nang ma-realize ko iyon, huli na. You were determined to get rid of us, to get rid of me. Kaya nga ginawa ko ang katangahan iyon. Using Charlie just to keep you near me. You know what Nel? Kung nagtagumpay lang ang planong iyon, mas gugustuhin ko nang makita kang masaya kay Charlie, at least you are near, kaysa sa di na kita makita. But you found out and I will never forgive myself for doing that all to you.
You asked bakit ako bumalik. Well, I came back to tell you for the last chance, I still love you. I am in love with you, Nelmirya. I don't care kung wala ka nang maramdaman sa akin. Gusto ko pa ring malaman mo."
He stopped talking. Just staring right into my eyes. Parehas kaming umiiyak.
Ninanamnam ko ang mga sinabi niya. Hindi ako makapagsalita.
Then he moved closer. He leaned and kiss my forehead.
"Shh... Stop crying. Please." Pinunasan niya ang mga luha ko gamit lang ang mga kamay niya.
He was so gentle. Parang takot na takot siyang may magawang mali. Gusto ko rin sanang punasan ang pisngi niyang nababakasan ng mga luha.
But he moved away.
And then he was gone...again.
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...