Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal sa pag-iyak sa puntod ni mama. Natigilan nalang ako nang maramdaman kong hindi na ako nag-iisa.
Kahit madilim ay sapat na ang liwanag ng buwan para makilala ko kung sino siya.
Hayun, si Migs, naka tux pa, hinihingal na may nagsusumamong tingin.
Gusto kong tumawa. Sa mga ganitong pagkakataon ay bigla nalang siyang sumusulpot. Para siyang pulis na darating lang kapag tapos na ang lahat.
Sa kabila ng galit ko, nanaig ang pag-aalala ko kay Pia.
"Kumusta siya?"
"Fortunately, she's fine. No brain damage. Galos lang at nawalan lang ng malay."
nakahinga ako ng maluwang pero hindi na nagsalita.
Naramdaman ko nalang na tinabihan niya na ako.
"Alam ko na ang totoo," sabi ko at parang maiiyak na naman ako.
Hindi siya agad nakapagsalita, then he took a deep breath.
"Nel, I'm so sorry--"
"Trip mo ba talagang saktan ako at pagmukhaing tanga?"
"I did not intend to."
"Hah! Really? Sa tingin mo ano ako ngayon, ha?"
As I look back at him, I can see na nasasaktan rin siya. Kawawa naman siya dahil wala akong pake.
"All I want is to make you stay. I know sa kabila ng lahat, kung mabibigyan kita ng dahilan para hindi umalis, gagawin ko."
Hindi ako makapniwala sa pinagsasabi niya. Lahat ng ito para lang hindi ako umalis? Akala ko matalino si Migs, pero saksakan pala siya ng katangahan.
"I know it's nonsense, Nel. Pero ginawa ko pa rin. Hindi ko naman gustong lokohin ka ng matagal. For the mean time lang hanggat sa may magawa na akong--"
"Magawang bagong panloloko sa akin?" nanggigigil na ako at gustong-gusto nang lamatan ang gwapo niyang mukha.
"No. Please, Nel. I'm trying to explain."
"Ano'ng pake ko sa explanation mo? Bukod sa sinaktan mo na ako, niloko, pinagmukhang tanga, nagawa ko pang madisgrasya ang step sister ko. Sa tingin mo ba importante pa sa akin ang explanation mo?" tumayo na ako at gusto ko nang lumisan.
Tumayo na rin siya at sinubukan akong hawakan.
Inalis ko ang kamay niya at tumama ang palad ko sa pisngi niya. Namalayan ko na lang na nag-uunahan na ang mga luha ko sa pagtulo.
"You wanted me to stay? Well, congratulations Miguel Lazaro, dahil ngayon, gustong-gusto ko nang lumisan sa impyernong ito!" I turned.
"Nel, please don't do this," at naramdaman ko nalang na niyayakap na niya ako sa likuran. I can feel he is shaking. He is crying.
"I'm so sorry. Babawi ako, please Nel. Don't go."
Naiyak na rin ako. Gustong-gusto ko siyang patawarin at gumanti ng yakap. Pero nakakasawa na.
Nagpumilit akong kumawala sa kanya. Nakayuko ako dahil ayaw kong makita ang itsura niya, dahil alam kong bibigay ako.
"Goodbye, Migs."
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...