Tip-toed akong bumaba para puntahan sa harap ng gate si Migs. Naroon rin pala ang kotse niya at kasalukuyan siyang kinukuha don nang lumabas ako. Nilabas niya ang isang malaking basket. Inabot niya sa akin yung malaking teddy bear at mga balloons. Inaya niya ako sa garden namin. Yung laman pala ng basket ay isang kumot at mga pagkain at inumin. Hindi pa rin ako nagsasalita dahil nakaka-shock talaga. Ang effort naman niyang puntahan ako ng hating gabi at i-date ako sa ilalim ng maliwanag na buwan.
''I called you exactly at 12 pero busy phone mo. So that means na may katawagan ko. I assumed na gising ka so I used my flashlight para makuha attention mo. Sadly, sa kabila ng effort ko ay nauna sa aking bumati sayo,'' sinabi niya yon na may panghihinayang. ''That's Joshua'' hindi siya sumagot kaya dinagdag ko: ''pero ikaw ang unang taong nakita at nakasama ko ngayong birthday ko.'' doon siya ngumiti at pinaupo na niya ako sa tabi niya. Nagngitian kami bago niya ako niyakap ng pagka-init. ''I miss you, Nel!'' Gusto ko rin siyang sabihang ''I miss you too'' pero masyadong nakaka-distract ang mabango niyang amoy kaya ang gusto ko lang ay yakapin siya.
Nang kumalas siya ay binigyan niya ako ng mga pagkain na lahat ay paborito ko. Ang saya ko ngayon at nalimutan ko agad si Joshua. Kinumusta ako ni Migs about sa schooling ko at paglalaro ng volleyball. Siya naman ay kinumusta ang college life niya at nagpakwento ng kung ano-ano basta wag lang mapunta kay Pia a ng topic. Perfect na sana ang lahat, kaso magaling talaga bumasag ng moment si Migs. ''Honestly, I'm a bit guilty for what you said last time about sa pagiging busy ko kay Pia.'' Mabilis nagbago ang mood ko sa sinabi niya. Hindi ako sumagot. ''I know you don't like her. Pero gusto kong maunawaan mo kung bakit ako... ganon sa kanya.
Hindi ko alam kung ano pa ang alam mo about kay Pia but she just lost her father 3 years ago. Car accident iyon. Taxi driver ang dad niya at that time, sinundo siya galing sa isang event. Driving home, nabangga sila sa isang sasakyan. Nakaligtas si Pia, ang dad niya hindi. Traumatic iyon sa kanya, hanggang ngayon.'' He paused ako naman ay inintindi ang mga sinabi niya. Hindi ko alam na pinagdaanan iyon si Pia. ''Then she experienced sexual abuse. Twelve siya nang pansamantala siyang tumira sa isang kamag-anak. She has two cousins, older, that used to touch her private parts...'' Hinintay kong dugtungan pa ni Migs sinasabi pero nang tingnan ko siya ay kitang-kita ko ang matinding concern niya kay Pia. May guhit ng kirot na dumaloy sa puso ko. Does Migs love Pia this much?
Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at nakikiusap ang matang tinitigan ako. Maliwanag ang buwan kaya kitang-kita namin ang emotion ng isa't isa. ''Hindi ko dapat sinabi iyon pero kung iyon lang ang paraan para maunawaan mo, sige. Pia needs me. Ako lang ang pinagkakatiwalaan niya ng lubos. That's fine for me. There is something na na-trigger niya sa akin. She makes me feel like her hero and I am pleased. So please understand, Nel. I am not favoring her more over you, but she needs me more than you need me.''
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...