Part 67

1.2K 20 1
                                    

  Kumatok ako sa pinto, alerto baka salubungin ako ng kanyon ng number 1 enemy ko.
Bumukas ang pinto at bumungad ang isang lalake. I think ka-edad ko siya. May itsura siya at mukhang kababangon lang mula higaan.
"Hi." sabi ko. Not sure kung ano pang dapat sabihin.
"Hello. May i help you?"
"I'm looking for Pia. Is she here?"
Doon lang ngumiti ang lalake at may nilingon sa likuran niya. "Babe, may bisita ka!"
May narinig akong sagot mula sa loob pero di ko naintindihan.
"Come in, please," sabi niya. Pumasok naman ako at agad gumala ang mga mata ko sa paligid. Simple lang ang bahay. Walang masyadong abubot at malinis naman. Di ko akalaing matutunong maglinis ng bahay si Pia. Galing sa tingin kong silid ay lumabas si Pia. Medyo nagulat siya nang makita ako. Kaagad siyang ngumiti. "Upo ka, Nel. Sorry hindi ko napaghandaan ang pagdating mo." nataranta na siya at agad nawala para kumuha ng maiinom."
"So you are Nel? Pia's sister?" tanong ng lalake at tumango ako. "Nice to meet you" nag-shakehand kami.
"I'm Gab. Sa ngayon ay nagsasama kami ni Pia."
"Really?" iyon lang ang nasabi ko dahil di ko akalaing makakakuha ng ganitong lalake si Pia. Para kasing masyadong mabait itong si Gab.
"I really love your sister. She is so amazing. I mean, di ako nagpapalapad papel sayo para matanggap moko for her. Gusto ko lang sabihin sayo na kahit live-in kami, may plano akong pakasalan siya. Pananagutan ko siya."
Medyo naging uneasy ako. Pakiramdam ko ay obligado akong tanggapin bilang utol si Gab kahit pa na di ko naman talaga kapatid si Pia.
"I'm sorry. Heto na ang inumin!" Dumating si Pia na may dalang inumin. "Kilala mo na si Gab. Siya nga pala ang boyfriend ko ngayon."
"Yes. He is great. Sana maging kayo sa huli."
Ngumiti sila at nagkatinginan. Naalala ko tuloy bigla si Migs. In-love na in love sila sa isa't isa.
Naiwan kami ni Pia sa sala dahil lumabas muna si Gab para bigyan kami ng privacy.
"Salamat sa pagpunta mo dito Nel."
"Thank Migs. Siya ang pumilit sakin." Agad kong pinagsisihan ang nasabi ko. That was rude.
"Nel, alam kong hindi maganda ang mga araw natin noong kabataan natin. I was a brat, and admit it, ikaw rin. We were childish. Ako noon ay sobra ang inggit sayo. Mayaman ka, halos lahat nasa iyo. May mabait kang tatay at may sweet kang Miguel. Ako, wala. Kaya nga ang naging maindset ko noon ay makuha kung ano ang meron ka. Alam kong mali iyon. Pero sabi ko nga, immature tayop noon. Ngayon narealize ko na ang laki ng pagkakamali ko, ng ginawa ko. Nang magtagumpay ako sa mga plano ko, narealize kong di ka rin sasaya kung ninakaw mo lang ang kung anong meron ka. Alam kong hanggang ngayon ay galit sa akin. I understand that. Kahit ako naiinis sa sarili ko. But I want you to know na I am really sorry, Nel. Hindi ko na mababalik ang nangyari, pero at least kaya kong bumawi ngayon. Just name it."
"Fine. Gusto kong bawiin lahat ng kinuha niyong mag-ina sa amin ni papa."
Napapikit siya. Nang magmulat ay sinabi niyang, "To be honest Nel. Ni kusing ay wala akong kinuha sa inyo. Pero di ko maitatanggi ang ginawa ni mama. Kahit nang gamitin niya ang perang kinuha niya sa inyo para sa business niya, wala akong tinanggap. Nang malaman ko non na nagtataksil si mama sa papa mo, hindi ako sumang-ayon. Ang mali ko lang ay nanahimik ako."
"So bakit ka nanahimik?"
"She's till my mother. I had to protect her. Kahit na ganon siya, hindi ko siya basta-basta tatalikuran."
Katahimikan. Naghihintay siya ng reply ko. Ako naman ay pinag-iisipan ang mga sinabi niya.
"Minahal mo ba talaga si Migs?"
Umiling siya. "Akala ko noon ay oo. Pero nang makilala ko si Gab, nalaman kong hindi pala."
"Si Gab ang dahilan kaya naghiwalay kayo ni Migs?"
"One of the reasons yes."
"Gab really loves you."
"I know. Kaya nga bago ko tanggapin ang proposal niya, gusto kong magkaayos muna tayo. Ayokong itali siya sa akin na may problema pa ako sa nakaraan."
"Edi pakasalan mo na siya."
Unti-unting umaliwalas ang mukha niya. "You mean..."
"Hindi pa kita tuluyang pinapatawad. Pero tinatanggap ko ang paliwanag at sorry mo. Just one condition."
"Kahit ano."
"Kung magkakaanak ka, palakihin mo siya na hindi katulad nating dalawa. Make her or him a good person."
Naiiyak siyang niyakap ako. "Thank you Nel. I'm so sorry. I promise I will be a good wife and mother."
I hugged her back. Slowly, gumaan ang dibdib ko.
--
"How was it?" tanong ni Migs nang makapasok ako ng kotse.
I turned to him, grabbed his head and kissed him passionately. He kissed me back.
After awhile...
"Migs,"
"Yes?"
"Let's get married, ASAP."
He kissed me on the top of my head, on my forehead, on my nose and on the lips.
"Sure, my queen."  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon