Naging busy ako sa preparation para sa pageant. Mabuti nalang naraiyan sina Paola, Elaine at Joy na tinutulungan ako sa lahat. Mula costumes, make up at pagrampa.
Ginabi akong uwi dahil sa mga plano para sa pageant. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko sina Migs at Pia sa sofa, nagtatawanan. Nagtama ang mga mata namin ni Migs. Nakaramdam agad ako ng pagka-miss at pagka-inis sa kanya. Bumawi agad ako ng tingin at dumaretso sa kwarto.
Sira na naman ang mood ko. Iyon ang unang beses na nakita ko sila as bfgf. Alam kong natural lang iyon sa magkarelasyon. Pero naiinis pa rin ako. Dati, sa mismong sofa na iyon ay kami lang ni Migs ang naghaharutan at nagtatawanan don. Iba na ngayon.
Kinalas ko ang mga botones ng blouse ko para magbihis. Nagulat nalang ako nang bumkas ang pintuan ko. Nagkatinginan kami ni Migs nang ilang segundo bago ko narealize ang sitwasyon ko. Agad akong tumalikod para ayusin ang damit ko at para na rin maitago ang pamumula ko.
''Hindi ka ba marunong kumatok?'' pagalit kong tanong.
''I'm sorry. I didn't think the possibility... I'm sorry. Dati naman welcome ako rito sa room mo, until now.''
Narinig ko ang gusto niyang ipahiwatig. Oo palagi nga siyang welcome sa room ko, at ako rin sa room niya. Pero gaya ng sabi niya, DATI iyon.
''Eh bakit ka ba nandito?'' tanong ko na kunwari ay inaayos pa rin ang botones ng damit. Pero ayoko talaga siyang harapin.
''I just want to say good luck for the pageant tomorrow.''
Talaga lang ha? Eh kalaban ko ang gf niya. Syempre si Pia pa rin ang gugustuhin niyang manalo.
Nang maisip ko iyon ay bumabangon na naman ang negative feelings ko. ''Nasabi mo na so go away!'' sabi ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at footsteps. Akala ko ay aalis na siya pero naramdaman ko na lang ang paghinga niya sa may batok ko. I shivered.
''Look at me, Nel.'' Pero hindi ako tuminag. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at hinarap.
''You're different now. I miss you, Nelmirya. I miss your smile, your laugh, your lovely eyes... What happened to you?''
Seryoso ba siya sa tinatanong niya? ''Natutunan ko lang na sarili ko lang ang maasahan ko,'' sagot ko. Nakita ko ang sakit na gumuhit sa mukha niya.
''You're being immature. Stop it. Pinag-aalala mo ako. Maging ang papa mo at sina mama. Nel, please!''
''Ako? Immature? Bakit sino ba ang ngingiting tao matapos ipahiya at saktan ng paulit-ulit? Na alam niyang walang may pake sa kanya. Ikaw ba Migs, immature ba ang itatawag ko sayo pag ganon ka?''
He eyed me intently. ''You know that you're wrong. We love you.''
''Stop it. Hindi convincing.'' sabi ko. Pero nagutloy-tuloy ang pananalita ko at namalayan ko nalang na sinasabi ko na sa kanya ang plano ko pagka-18 ko.
''You what?'' nanlalaki ang mga mata niya sa sinabi ko. ''Buo na ang desisyon ko. I'm moving to states pagka-graduate ko.''
''Hindi papayag si tito!''
''Wala siyang magagawa kung gusto ko! Isa pa, para to sa lahat. Makakabuti sa akin dahil hindi na ako magtitiis sa piling niyo. Makakabuti kay papa para wala na siyang pasway na anak. Makakabuti kay Pia dahil wala nang mananakit sa kanya. Makakabuti sayo para malaya ka nang gawin ang gusto mo. Hindi mo na kailangan magpanggap na may pake ka pa sa akin. Hindi ka na rin magi-guilty kapag nasasaktan mo ako. Problem solved!''
Sa kabila ng mga sinabi ko ay nasasaktan rin ako isiping mawawalay ako sa kanila. Pero alam kong kailangan naming lahat iyon.
''Don't leave, Nel.''
''You can't stop me,'' sagot ko na hinahamon ang mga mata niya.
Halos madurog ang puso ko nang makita ang itsura niya. Para siyang iiyak. Kahit kailan ay hindi umiyak si Migs.
''Siguro nga sakit ka sa ulo Nel. But for Christ's sake, I never wished you to leave-- to leave us, to leave me.''
Nararamdaman kong naiiyak ako, pero nagpakatatag ako. ''Bata pa lang tayo lagi na akong nakadikit sayo. Hindi ka ba nagsasawa? Hindi ka ba masaya na makakahinga ka na? Na wala nang sagabal sayo?'' sabi ko.
''Kailan ko ba sinabing kailangan kong huminga habang wala ka at kailan ka ba naging sagabal sa akin? I prefer to breathe without oxygen and be chained to you.''
I can see his desperation. Seryoso siya. Ayaw niya akong umalis. Pero hindi niya hawak ang buhay ko.
''Lumabas ka na, Migs. Balikan mo na si Pia,'' sabi ko at binuksan ang pinto para sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...