Pinanindigan ko ang sinabi ko kay Migs. Pinaramdam ko na hindi ko na kailangan ang attention niya at unti-unti ko na ring binubuksan ang mga mata ko sa mga lalake. Si Joshua, classmate ko, ang nagpaparamdam sa akin ngayon. Dati pa siya nagpapapansin pero ngayon ko nga lang talaga siya napansin dahil nga si Migs lang dati ang may-ari ng mga mata ko.
Gwapo si Joshua, may utak at puno ng sense of humor kaya marami rin ang nagkaka-crush sa kanya. Oo na swerte na ako pero nangangapa pa rin ako sa bagay na pinapasok ko. Tulad nalang ng pagpayag ko sa kanyang sumabay mag-merienda sa canteen at pamamsyal sa park. Hinay-hinay pa lang ako dahil wala pa talaga akong experience sa mga ganong bagay.
Hangga't sa dumating yung araw na pormal nang humingi ng permiso si Joshua na ligawan ako. Ang tagal kong sumagot non kasi ang alam ko hindi sasang-ayon si papa at si Migs. Pero wala nga pala silang pakealam sa akin kaya pumayag na ako. Simula non araw-araw sa pagpasok ko ay nakakatanggap ako ng bulaklak at harana galing kay Joshua at sa barkada niya, mapa-canteen, gate o classroom. Ako naman si loka, kilig na kilig pero kailangan magpakipot. Isang araw sa canteen ay nagpabida na naman si Joshua. Nakaporma talaga siya at super cool sa dala niyang gitara. Binigyan niya ako ng isang red na red na rose bago niya kantahin ang ''Grow Old with You'' ni Adam Sandler. Ang mga tao sa canteen ay sa amin ang mga mata at dumarami pa ang gustong umusyoso. Halos mangisay ako sa kilig non at gusto ko na siyang sagutin pero sa isang gilid ay nakita ko si Migs at ang ilan niyang kaklase. Masasabi kong hindi siya natutuwa base sa nakakunot niyang noo at nakatiim niyang bibig. Sa akin siya natitig at kinilabutan ako. Binalik ko na lang ang pansin ko kay Joshua na patapos na sa pagkanta niya. ''Thank you, Joshua. Lagi ka talagang may sorpresa. Pero sana makakapaghintay ka pa.'' nginitian niya ako bago inayos ang buhok ko sa likod ng tenga ko. ''It's okay. Kaya ko namang maghintay,'' pagkatapos non ay nginitian niya ako ng napakatamis bago magpaalam. Ang rose naman ay inipit ko sa libro ko. Naramdaman ko naman na may umupo sa upuan na kaharap ko. Si Migs. ''So siya ngayon ang sinasabi mong crush mo?'' pinaikutan ko siya ng mata. ''OO.'' parang hindi niya gusto ang sagot ko. ''Kayo na?'' Naiinis na ako kay Migs dahil nagpapaka-bossy na naman siya. ''Hindi pa pero nanliligaw siya. Baka sagutin ko na rin siya sooner or later.'' Napakislot ako nang mapukpok niya sa inis ang lamesa. ''What?! Alam ba ng papa mo ito?'' ''Hindi.'' ''So papasok ka sa pakikipagrelasyon nang wala kaming alam? Okay lang kung maglihim ka sa akin, Nel, kahit never mo pang ginawa, ngayon lang. Pero sa tatay mo?'' Tuluyan na akong naasar sa kanya. ''Wala nang pakealam sa akin si papa. Busy siya sa bago niyang mag-ina!'' tumayo na ako pero hinawakan niya ako sa braso. ''Anong sabi mo?'' Binawi ko ang braso ko sa kanya. ''I said, 'busy si dad sa bago niyang pamilya ngayon'. At ikaw rin diba? Busy ka kay Pia?'' bago pa siya makapag-react ay agad na akong sumibat. Ayoko nang marinig ang anumang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...