Part 51

1.3K 17 0
                                    

  It's the girls' night out. Lalabas si Nel kasama sina Joy at Paola. Ayoko sanang pabayaan lang si Nel na lumabas ngunit ano bang magagawa ko sa di ko pa malakad na paa? Kaya heto, mag-isa ako sa apartment.
Hindi ako mapakali. Ano'ng ginagawa nila? Naglalasing ba siya? May nakikipagkilala bang ibang lalake sa kanya? Ayokong isipin pero hindi ko mapigilan.
..
Madaling araw na nang dumating si Nel. Nakainom siya pero hindi naman siya lasing. Napangiti siya nang madatnan akong naghihintay lang sa sofa.
"It's good that you're still awake! I have something for you," aniya at pinakita ang dala. Dalawang bote ng alak.
"Woah, Nel. Hindi ka pa ba solved?"
"Hindi talaga ako nagpaka-wasted dahil ayaw ko namang ako lang ang magsasaya samantalang ikaw, dito, nagmumukmok. So let's go!"
I tried to convince her that I was fine. But Nel is... Nel. She always win.
..
Ilang shots palang ay tawa na ng tawa si Nel. Ako naman ay hindi pa tinatamaan. Kwento siya nang kwento tungkol sa isang lalaki kanina sa bar na pinuntahan nila na pumoporma sa kanya.
Siya lang ang tumatawa. Ako, hindi na mai-drawing ang mukha.
"Hey, what's your problem? Nakasimangot ka dyan!"
"Can we change the topic, please?" I asked.
"Ano'ng topic na i-change?"
"You and that guy in a bar," sagot kong irita na. Sa gulat ko ay tumawa siya ng pagkalakas-lakas.
"You're still that brat Miguel who had been measuring every man I liked. Can you be at least less pakielamero?"
"That's not true. I cared for you. I still care for you. I will always care, Nel."
Bigla siyang sumeryoso. "Care? Eh ano bang idinulot niyang care mo sa akin? Di ba puro heartbreaks lang? Imbis na sumaya ako, pinagkaitan ako! Tapos aasahan mong pasasalamatan kita? Bwisit ka kasi, Migs! Isa kang malaking bwisit! Bwisit ka sa buhay ko. Kaya nga lumayo ako eh, tapos susunod ka pa rito? Hindi mo talaga ako titigilan? Hindi pa ba sapat ang sakit at luhang nai-produced ko dahil dyan sa care mo? What the eff!" Tumaas na ang boses niya at napansin ko kaagad ang mga luhang nag-uumpisang bumagsak. Nag-alala ako and I tried to hold her in my arms pero umiwas siya.
"Don't, Migs. Don't."
"Nel, kaya ako nandito para bumawi sayo. Alam ko na ang kasalanan ko sayo dati. I don't intend to cause you anything that will hurt you again."
"Hah! Really? Eh gwapong mukha, magandang mata, kissable lips at magandang katawan mo palang na nakikita ko ngayon ay nahu-hurt na ako eh."
Gusto kong matawa sa sinabi niya dahil hindi ko siya ma-gets.
"What?"
"Kasi hindi ka pumanget! Nag-improve ka pa! Mas mahirap ka na ngayong iwasan at bumabalik lang ang sakit na naramdaman ko sa nakaraan. Yung sakit na inilibing ko na pero hinukay mo pa para ibalik sa akin!"
Hindi ko pa rin maintindihan ang connection ng ka-gwapuhan ko sa sinasabi niyang sakit ng nakaraan. I wanted to ask her but she grabbed my hair crushed her lips to mine.
..
We are kissing. Nalimutan ko kaagad ang lahat nang sandaling malapat ang mga labi namin. Nagsimulang dumagundong ang dibdib ko. At hindi ako makapaniwala sa response ko: I embraced her and kissed her with all my heart.
This is as best as our first kiss. Noong 17th birthday niya under the moon. It was not intended and just a peck pero iyon ang most treasured memory ko kay Nel. From that moment, I knew something has started.
..
Napansin kong huminto sa paghalik si Nel. Kahit ayoko pang tapusin ang magical moment na iyon ay lumayo ako sa kanya. Halos madurog ang puso ko nang makita kong umiiyak siya.
"Nel, what's wrong?"
"I shouldn't have done that. Oh my God, I'm so stupid! Bumigay na naman ako! I just allowed myself to get hurt again! I'm so dumb, stupid... Ayoko nang masaktan ulit! Hindi ko na kakayanin pa! Fuck, I'm so stupid! Hindi na talaga ako nadala!"
Pilit kong pinakalma si Nel dahil napaka-emotional na niya. Para na siyang nagwalalang bata at panay ang iyak.
It breaks my heart knowing na ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon.
Niyakap ko siya at sinabihan siya ng kung ano para lamang huminahon siya. Hindi ko alam kung gaano katagal bago siya tuluyang kumalma. Napansin ko nalang na nakatulog na siya sa mga bisig ko.
I helped her to bed. I wiped her tears and kissed her on the forehead.
"I'm so sorry, Nel. Kasalanan ko lahat. Ako ang istupido sa ating dalawa. Kaya dapat ako ang nagdurusa, hindi ikaw. I'm sorry. I really am. I wish there will be a second chance for us. I love you. Always." At naramdaman ko nalang na tumulo na rin ang mga luha ko.  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon