Three

1.8K 34 0
                                    

Okay sige, sinubukan ko namang magpakabait kay Pia. Hindi ko na siya inaasar at pinagtitripan lalo na kapag nandiyan ang prince charming niya. Pero ang hirap na hindi mainis! Para kasing sinamantala ni Pia ang kabaitan ko. Mas lalo siyang nagpakaarte at nagmalandi! Sorry sa description pero sobra na talaga siya.

Ang pinakanakakainis na ginawa niya ay nang maligo kaming tatlo sa pool nina Migs. Umahon ako at umupo sa side ng pool, tinabihan ako ni Migs at nakipagbiruan sa akin. Umeksena yung stepsister ko, gusto rin daw niyang umahon sa pool at inaabot niya yung kamay ni Migs. Si Migs naman ay tinulungan siya. Ang Pia naman nang makaahon ay sa gitna namin ni Migs umupo 

(oh I know ang sarap niyang lunurin sa pool). 

Sexy na naman siya sa suot niya at walang-wala sa suot ko. Dumidikit pa siya sa kababata ko sabay sabing: ''Migs debut ko na next month. Magpaparty si mama. Gusto ko sana ikaw ang escort ko.''

Marahas akong napatingin sa kanila. Lalo na kay Migs na inaasahan kong tatanggi siya. Gusto kong maalala niya yung usapan namin 3 years ago na sa 18 birthday ko lang siya papayag na maging escort. Pero sa ganda, alindog at kalandian ng step sister ko walang makakatanggi sa kanya. Halos mahimatay ako nang tumango si Migs at niyakap siya ni Pia.


Sabi ko nga, sinubukan kong maging mabait sa kanya. Pero may katapusan ang lahat lalo na ang pasensiya ko. Kating-kati akong gantihan si Pia sa mga kalokohan niya. So nagplano ako. Alam kong allergic siya sa hipon and I wonder kung ano ang mangyayari sa balat niya dahil alam kong iyon ang epekto no'n sa kanya.

Pumuslit ako sa kusina namin. Tamang-tama dahil ampalaya na may itlog at giniling ang ulam namin. Tinadtad ko nang pino yung mga hipong sinadya ko pa sa palengke at hinalo sa nakababad na giniling sa refrigerator. Mabuti nalang ang katulong namin ay abala pa sa pakikipag-chismisan sa kapit-bahay. Nang mag-gabi ay di ko mapigilang mapangiiti habang kumakain kasama ang ''pamilya'' ko.  


The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon