Sa loob ng ilang araw ay ganon ang ginawa ko. Halos sundan ko siya sa lahat ng puntahan niya at pilit na kinukuha ang loob niya. Matigas pa rin si Nel. Malinaw na hindi pa niya mabitawan ang nakaraan. Hindi ko siya masisisi. Sa ngayon, ang magagawa ko ay bumawi sa lahat nang nagawa ko sa kanya.
Kahit sa trabaho niyang pagde-design ng cotumes para sa isang tv serie ay sinusundan ko siya. Noong una ay talagang inis siya lalo na at napapansin ng mga kasamahan niya na palagi akong naka-abang. Isang beses narinig ko: "Is that your new guy, Nel? You lucky one!" Tapos ang sagot ni Nel: "Duh."
Nang tumatagal at pansin niyang hindi niya ako mapipigilan ay tumigil na rin siya sa pagtaboy sa akin. Madalas kusa na siyang nagbibigay ng makakain sa akin kapag nagluto siya. Regular na rin kaming sabay mag-lunch. KKB nga lang dahil ayaw niya magpa-libre. Magkaka-utang na loob pa raw siya.
Masaya ako sa kung ano mang meron kami. Pero alam kong hindi sapat. I still have to convince her, but it seems she will never be.
..
Isang hapon, inaabangan ko siya sa labas ng work niya nang mapansin kong may dala siyang malaking box. Agad naman akong lumapit sa kanya at tinulungan siyang ipasok iyon sa kotse niya.
"Hey, Nel! You blessed brat!" rinig naming biro ng isa niyang kasamahan. Lihim akong napangiti. "I'll drive," sabi ko.
..
May sira ang elevator sa building kaya gumamit kami ng hagdan. Mabuti na lang at third floor lang ang apartment namin.
Mabigat at malaki-laki ang kahon, medyo makipot pa ang daan.
"Okay ka lang ba? Kaya mo ba?"
Tanong ni Nel na nauuna sa akin.
"Oo naman. Para namang sinasabi mong lampa ako."
"Malay ko ba? Eh balita ko uupo-upo ka lang sa trabaho mo dahil ikaw ang boss habang ang manggagawa mo ay pagod."
Hindi ako magpapatalo sa pang-aasar niya. "Balita? So you've been spying on me!" I meant it as a joke pero napansin ko ang pamumula niya sa inis. She's guilty na lalong napasaya sa akin. So totoo?
Para siguro matakasan niya ako ay binilisan niya ang pag-akyat. Ako rin ay nagtangkang humabol pero sagabal ang dala ko.
Marahil tama si Nel. Lampa ako.
Dahil nagkamali ako ng apak sa hagdan, na-out balanced at nalaglag.
..
My right foot hurt. Ayon sa doctor ay nabalian ako. Magtatagal daw ng mga araw bago ako tuluyang makalakad nang maayos. Binigyan lang ako ng isang saklay at mga iinuming gamot. Nakakalungkot.
Si Nel ang nagdala sa akin sa ospital. Kitang-kita ko ang pag-aalala niya nang madatnan akong namimilipit sa sakit sa may hagdan. Sa kabila nang nararamdaman kong sakit non ay hindi ko napigilang yakapin siya nang daluhan niya ako. Hindi ko alam kung napansin niya ba pero hindi naman siya nagreact.
Kaya heto, inuuwi na niya ako pabalik ng apartment. While driving, she kept on saying something: "Ang tanga-tanga mo kasi!" "Pinag-alala mo ako!" at "Aalagaan pa kita! Bakit hindi ka pa kasi umuwi?"
kahit papano ay may maganda rin palang maidudulot ang pagkaka-disgrasya ko. Ibig sabihin, hindi ako matitiis ni Nel. Mapipilitan siyang alagaan ako.
..
Habang nagpapagaling ako ay humanga ako nang husto kay Nel. Pakiramdam ko noon ay anak niya ako na sobra ang pag-aasikaso sa akin. Hindi siya aalis ng apartment nang wala akong makakain sa maghapon. Hindi niya nakakalimutan na painumin ako ng gamot. Pag-uuwi siya ay may pasalubong ako lagi. Pagkatapos kukumustahin ako at tutulungan na akong makatulog sa apartment ko. Naawa pa siya sa akin nang mapansin niyang wala akong kagamit-gamit. "Ang dami kasing alam," sabi niya sa akin. I ignored it kasi masyado akong occupied sa pagmamasid sa kanya.
Hangga't sa nagdecide siya na sa apartment niya nalang ako tumuloy. Wala naman daw kaso iyon dahil pilantod naman daw ako at hindi ko siya kaya sakaling gawan ko siya ng masama. Nag-away pa kami nang ipagpilitan kong ako nalang ang matutulog sa sofa imbis na siya, kaso mas matigas si Nel. Baka raw mapano pa ang paa ko kaya ako nalang sa kama.
I wanted to suggest na dalawa na lang kami matulog doon pero hindi ako yung tipo ng lalakeng susunggaban ang lahat para lang maka-damoves sa babae. I respect her, of course. Kuntento na ako sa estado namin ngayon.
E-enjoy-in ko muna ang mga sandaling kasama ko siya.
Salamat sa pilantod kong paa.
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...