Part 58

1.3K 17 0
                                    

  Tonight is the best night of my life. Ako, si Nel at ang luma kong kotse lang ay masaya na ako sa buhay ko.
We traveled around the city. Ang siyudad naming halos di na niya kilala so I had to be her tour guide. Her handsome tour guide. Totoong may mga nagbago na sa pligid, ngunit may mga nanatili. Isa na doon ang paborito naming kainan ng barbeque.
"Salamat Migs ha. Na-miss ko ang lugar na ito," sabi niya.
"Na-miss ka rin namin," sagot ko at kinindatan siya. Kitang-kita ko ang pamumula niya at pag-iwas ng tingin. She hasn't changed. Para parin kaming teenagers.
"Dad's health is growing strong. Ilang panahon nalang ay tuluyan na siyang sisigla," paalam ni Nel na hindi pa rin makatingin nang diretso sa akin dahil super titig talaga ako sa kagandahan niya.
"It's good to know. Magkakaroon ka na ng maluwag na oras," pagpaparinig ko. I mean, pag magaling na si tito, hindi na siya kailangan pang alagaan ni Nel. Which means na magkakaroon na kami ng oras sa isa't isa.
"It's good dahil magkakaroon na ako ng oras para pag-aralan ang daloy ng pagpapatakbo ng negosyo natin," aniya na ikinabagsak ng balikat ko. Oo nga pala. Kailangan munang matuto ni Nel sa pagpapatakbo ng business namin dahil malaking part sila ng aming negosyo. Dahil wala sa tamang kundisyon si ninong, natural na si Nel ang pumalit sa kanya.
But she doesn't have to do it.
"You do not have to do it Nel. Marketing and businesses are not your things. You like arts and design. Why sacrifice them?"
"Alam mo naman kung bakit, Migs. Hindi na kakayanin ni dad ng stress kaya it is me that has to do the job. Alangan namang iasa lang namin sa pamilya mo ang lahat. Sobra-sobra na ang tulong niyo sa amin."
"Just marry me and no more worries," bago ko pa ma-realize ang sinabi ko ay naibulalas ko na iyon.
Nel was shocked and stared at me. Kinabahan tuloy ako sa sasabihin niya. Pero wala siyang masabi kaya agad akong nagdugtong:
"If you marry me, automatic na what is yours is mine and vice versa. I would work for the both of us. No hassle. You can do everything what you want."
Nakita kong bubukas na ang bibig niya para sumagot pero mukha atang nabulunan siya kaya tumalikod muna siya at bumili ng softdrink sa tindahan sa tapat namin.
"Iyon na yata ng worst wedding proposal na naganap sa buong mundo." Aniya na gustong matawa matapos makainom.
Pero hindi ako natatawa. Seryoso ako. Siguro nga hindi romantic ang proposal ko. Talagang nadulas lang sa bibig ko. But I really want to be her life partner.
"Nel, be serious. We do both know that we are in love with each other. Wala nang problema so why not?"
Umayos ang mukha niya at nagseryoso. "It's so fast."
"Fast? Nel I've been waiting for you since childhood. Alam ko ikaw rin. This is the right time for us lalo na at nalampasan na natin ang mga problema sa past."
"It's not over yet," bulong niya.
"What do you mean it's not over yet?"
Napalunok siya at matagal akong tinitigan. She wanted to tell me something pero bigla siyang ngumiti.
"Okay, Mr. Lazaro. I would say "yes" to your proposal if you have a ring with you right now."
Napangiti ako sa mischievousness niya. Dahil siguro akala niya ay biglaan ang lahat kaya naisip niyang wala akong anumang dalang sing-sing.
Inilabas ko ay suot kong kwintas mula sa ilalim ng suot kong shirt. Doon ay nakalambitin ang dalawang sing-sing na itinago ko ng limang taon. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya nang kunin ko ang mas maliit at lumohod sa harapan niya.
Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na pinagtitinginan kami ng mga nag-iinuman, tindera, nag-iihaw ng barbeque at mga bumibili. Hindi ako makaramdam ng hiya dahil ang tanging importante sa akin ngayon ay ang "oo" ni Nelmirya.
"Nelmirya, will you be my life-long girlfriend, eternal lover and forever partner?"
Ang tagal niyang nakayuko sa akin at bigla akong natakot na baka tanggihan niya ako. Then bigla kong napansin na pinipigilan niyang umiyak.
"Do you promise that you will not hurt me again?"
I nodded.
"You will not leave me again?"
I nodded.
"Do you promise that I will always be your only one?"
I nodded. "I promise."
Doon na nag-agusan ang mga luha niya. "Yes, Miguel. I will marry you."
Natawa ako sa saya at agad isnuot ang sing-sing sa kanya. Hinila niya ako patayo, niyakap at hinagkan.
Tinukso pa kami ng mga tao sa paligid.
"Nice one, pre! Dahil dyan, magpa-alak ka naman dyan!"
Nagtawanan kaming lahat.  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon