I made myself comfortable buong oras ng panonood sa namumulang si Nel. Paminsan-minsan ay humihingi rin ako ng updates galing Pilipinas, lalo na sa kalagayan ni ninong. Hanggang ngayon ay hindi ko masabi ang sagot ni Nel na ayaw na niyang bumalik. But I made a promise to bring her back.
Isang waitress ang naghatid ng order ko. Agad niyang nakuha ang pansin ko dahil mas matagal siyang nasa harap ko, matamis ang ngiti sa akin at kinindatan pa ako. I smiled back. I know I'm not perfect at lalaki ako. And this waitress is hot.
Pero kung gaano niya kabilis nakuha ang pansin ko ay ganon din kabilis nawala ang interes ko nang lumitaw si Nel at utusan ng kung ano ang waitress. Nangiti ako sa reaction ni Nel na para bang batang aagawan ng laruan.
"She's nice," sabi ko.
"Stop flirting with my employee!" iyon lang at tumalikod na.
I kept smiling. She's jealous.
..
Napatayo na ako nang makita ko si Nel na naghahanda nang umalis. Sinabayan ko siya palabas.
"Uuwi na ako. Hindi mo na ako kailangan sundan."
"Good 'cause I'm taking you home. And please don't say 'no' Nel. Give me this opportunity."
Bumuntong-hininga siya. "Bakit ka pa kasi nandito. I told you I would never come back. Ang kulit mo talaga!"
"So is that a 'yes'?" she rolled her eyes.
"Where's your car?"
"Wala akong car. We're in New York, remember? How about yours?"
"Bakit hindi ka nag-rent?"
"For what eh ikaw lang naman ang pinupuntahan ko?"
She did not respond at naglakad na papuntang kotse niya. I immediately passed her to the driver's door. "I'm driving."
Akala ko aangal pa siya pero pumayag na rin.
I tried to have a conversation. Malinaw na wala siyang pake sa kung anumang meron sa Pilipinas kaya minabuti ko'ng tungkol sa kanya ang usapan.
Nung una ay medyo ilag pa siya pero habang tumatagal ay nagiging magaan na ang usapan namin. Ni hindi niya napapansin na tuloy-tuloy lang ako sa pagmamaneho nang hindi siya tinatanong ng direksyon.
Napunta ang usapan namin sa love life niya.
"I dated a few. But never had a stable relationship," sagot niya nang tanungin ko. Kahit ganon, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng selos sa mga lalakeng nai-date niya.
Then naalala ko si Joshua. Ang huling balita ko ay narito rin siya.
"And Joshua?"
Medyo matagal siyang nakasagot.
"We met. We dated two years ago. Pero nang mga panahong iyon, we felt na something was wrong. I mean, walang kaba. He even felt something wasn't right. So we ended as friends."
Gusto kong magpakawala ng malalim na hininga dahil thankful ako sa nalaman ko.
"Sandali nga. Paano mo nalamang dito ako nakatira? No, don't answer. I don't want to know." sabi niya nang makarating kami sa building kung nasan ang apartment niya.
"Hanggang dito nalang. Salamat," aniya at pumasok na. Pero siya na mismo ang nagsabi na makulit ako kaya sinundan ko siya.
Umikot lang ulit ang mata niya nang mapansin niyang nakasunod ako. Sawa na siguro siyang magtanong. Good.
Nakarating kami sa pinto niya. "Okay na, Migs. Good night. Ingat," sabi niya.
"Good night din," sagot ko. Medyo alangan pa ako pero kinapalan ko na ang mukha ko. I leaned in and kissed her on her cheek. Nang lumayo ako ay kitang-kita ko ang malarosas niyang pamumula.
"Pasok ka na sa loob."
"No. I'll watch you leave."
"Okay," sabi ko at humakbang papunta sa kabilang pinto na katabi ng room niya.
"Wait. What are you doing there? Walang nakatira dyan." Sabi niyang nagulat nang ilalabas ko ang susi ng pinto sa bulsa ko.
"Meron na," sabi ko naman at pumasok na sa loob.
..
Yep. I'm currently occupying the room beside Nel's. Ganon ako kadesperadong mapalapit sa kanya. Kanina lang ay kinulit ko ang may-ari na payagan ako tumira sa apartment na ito. Wala akong kagamit-gamit kundi ang isang travelling bag laman ang gamit ko. Bumili lang ako ng isang unan at kumot.
I wonder kung ano na ang iniisip ni Nel ngayon. She must be freaking out right now ngayong nagka-idea na siya sa kaya kong gawin. Sana lang maintindihan niya ako. Kahit hindi ang nararamdaman ko, kahit sa tatay niya lang. I wonder kung nabasa na niya ang letter ng tatay niya.
Lumapit ako sa window at binuksan iyon. Naamoy ko ang nilulutong adobo sa kabila. I smiled and got excited. I want to taste her Adobo, or anything na lutuin niya.
I knocked on her door. Mukhang alam na niya na ako ang kumatok dahil hindi siya gulat. Napansin ko agad ang itsura niyang nakasimpleng pusod ng buhok at sando lang siya. She's still beautiful ano man ang suot niya.
I told her if I can have some Adobo. She asked me just to eat somewhere.
"But I want a taste. I just missed you so much kaya kahit ang luto mo ay gusto kong tikman."
She didn't answer. Sinarado niya lang ang pinto.
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...