Epilogue
5 years later
"Nasan ka na ba? Ang bagal-bagal 15 minutes na akong naghihintay dito. Pagnainis ako magji-jeep ako!" halos sigaw na ni Nel sa cellphone dahil inip na inip na siyang naghihintay sa asawa niya.
"Hwag! Malapit na ako. Heto na ako. Paakyat na dyan!" nagmamadaling sagot ni Migs. Tumatakbo na siya.
"Bilisan mo!" sigaw ni Nel sabay baba ng cellphone.
Nagpa-sensiya na lang si Migs. Di niya nasabi na dumaan pa siya ng flower shop para may maibigay na bulaklak sa asawa. Isa pa, may dahilan kaya iritable si Nel. Buntis na naman ulit. Ito na ang second child nila at tuwang-tuwa si Migs. Kaya nang ma-confirm ngayon na pregnant si Nel ay ubod ang tuwa niya kaya kahit sigaw-sigawan siya na asawa ay okay lang.
Sa fourth floor ng ospital niya pupuntahan si Nel. Laking tuwa niya nang walang tao sa elevator. Ngunit may isa ring babaeng sumabay sa kanya pumasok. Marahil ay sa fourth floor din ang punta nito dahil di na ito pumindot ng button.
Tahimik ang babae at nakayuko. Sa tantiya ni Migs ay nasa 20s ang babae. Pero parang may mali rito. Parang ang lungkot ng aura.
Nagpatay sindi ang ilaw at huminto ang elevator. Kalmado lang si Migs dahil alam niyang maaayos naman iyon agad. Ngunit pagtingin niya sa babae ay naiiyak na ito.
"Are you okay Miss?"
"Bwiset na buhay to oh! Puro na nga problema, nakikisabay pa tong elevator na to!" sabay sipa sa may pinto.
"It's okay. Maaayos din ito." Pag-alo niya sa babae at pinindot ang emergency button.
"Letseng buhay! Letseng Bryce! Tangang babae!"
Pilit na kinalma ni Migs ang babae. "Shh it's okay miss. Maghintay lang tayo sandali."
"Maghintay? Eh paano kung sa paghihintay mo, may dumagdag pang problema?"
Natameme si Migs. Kakaiba ang babaeng ito.
"Miss, whatever your problem is, it will be solved. You can survive it."
"Madaling sabihin kasi hindi ikaw ang nakakaranas ng pinadadaanan ko."
Right. Napansin ni Migs ang pag-haplos ng babae sa tiyan nito. Now he knows. Unexpected pregnancy.
"Tama ka, di ko nararanasan ang pinagdadaanan mo. Pero advice lang, don't blame anyone sa mga nangyari. Lalo na sa inosenteng bata. It's a blessing."
Tinigil nito ang paghaplos sa tiyan nito "Blessing bang matatawag ito na dumating siya sa maling panahon at di ko ginusto?"
"Well, then call it an unexpected blessing."
Bumukas ulit ang ilaw at nakarating sila sa 4th floor. Hinabol ni Migs ang babae na nagmamadaling umalis. Inabutan niya ng isang rose galing sa bouquet na dala niya.
"For your baby," sabi niya. Tinanggap naman iyon ng babae at umalis na.
Tsaka lang napansin ni Migs na naroon na pala si Nel. Base sa mukha nito ay galit na galit.
"Kaya ka late dahil may kasama kang babae? Walang hiya ka talaga porket nabigyan na kita ng dalawang anak--"
Hundi na pinatapos ni Migs si Nel dahil hinagkan niya ito kaagad. Natameme naman ang asawa niya. "Nakasabay ko lang siya sa elevator. May problema siya kaya kinausap ko at binigayn kong rose. Don't worry love kasi taken na ata yon."
Hinampas siya ni Nel nang pagkalakas-lakas.
"Ang sakit mo talagang magmahal."
"Ang sweet mo kasi sa kahit na sino."
"Pero ikaw lang naman ang love ko..."
--
THE END
--
Next Story: Love Born (Sansa and Bryce)
Paano kung kaunti nalang, magagawa mo na ang plano mo? Tapos biglang darating ang taong sisira ng lahat-- ng buhay mo, ng pag-aaral mo at ng puso mo?
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...