a/n: nasa multimedia ang kanta na MEMORY...
Enjoy reading...
CHAPTER ONE
Napakalakas ng tugtog ng component sa loob ng kwarto ni Jigs ng pumasok si Mecheley. Paborito talaga ng kanyang bestfriend ang mga kanta ng Eraserheads. Hindi nya mapigilang mapapadyak sa kanta na “ligaya”.
Lininga nya ang buong silid pero walang Jigs ang naroon. Ngumuso sya saka luminga ulit sa silid. Gusto sana nya itong tignan sa may banyo, pero baka nandoon ito at naliligo.
Tinignan nya ang kanyang relo. Pasado alas-siete na. Alas Nuebe ang unang klase nila ng umaga na yun kaya ayos lang na mamaya pa sila pumasok ni Jigs. Bestfriend nya si Jigs mula pa kinder sila kaya kilala na nila ang isa’t isa. Alam nyang matagal itong maligo kaya sumalampak muna sya sa kama nito.
Tumayo si Mecheley mula sa kama ni Jigs saka tinungo ang component. Pinatay nya ang tugtog saka pinalitan ng CD ito. Pumailanlang ang isang kanta na mula sa isang sikat na Broadway Musical na The Cats, ang Memory by Elaine Page. Sinabayan nya ang kanta. Likas sa kanya ang pagiging singer dahil ang kanyang mga magulang ay dating member ng isang banda, ganun din ang papa ni Jigs bago ito naging manager ng isang Bangko.
Dito sila kumikita ng ipinangbubuhay sa kanya sa araw-araw. At dahil din sa banda ay nakatapos ang mga magulang nya sa kolehiyo at ngayon ay may-ari na ng isang Hardware Shop. Ngayon ay nasa isang magandang unibersidad na sya nag-aaral. Kumukuha sya ng kursong Hotel and Restaurant Management, pareho sila ng kurso ni Jigs, dahil sa pangarap nyang magtayo ng isang Resort.
“Pinalitan mo na naman ang tugtog, Mecheley. Pambihira ka naman, Oo.” Narinig nyang sabi ni Jigs. Nakalabas na pala ito ng banyo. Nakatapi ang tuwalya sa kanyang beywang, at basang-basa pa ang buhok nito. Napakakisig talaga ng kanyang bestfriend.
Yummy....!!!! Anang kanyang makulit na isipan.
“Eh, ang ingay eh. Baka mabasag ang eardrums ko” Ngumuso sya saka pinaghalukip ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng kanyang dibdib. Iningusan nya ito ng makitang ngumisi ito.
“Oo na sige na. Alam ko naman na hindi ako mananalo sa iyo kapag nakipag-argue pa ako sa iyo.” Pumasok ito sa Walk-in Closet nito saka isinara ang pintuan nun. Malaki ang kwarto ni Jigs, kumpleto sa gadgets ang mokong na kaibigan.
Masarap matulog dun dahil minsan nasubukan na nya. Partially masculine ang tema ng kwarto ni Jigs. Partially lang dahil maraming mga stuff-toys na nakasalansan sa malinis nitong kwarto. Mga regalo nya dito ang mga yun.
“Syanga pala, Jigs.” Narinig nyang nag ‘Hmm’ ito. “May bagong club na inorganize si Mr. Hacusin.” Tinutukoy nya ang Music teacher nila noong High School sila. Lumipat na kasi ito sa Unibersidad na pinapasukan nila at doon ay nagtuturo ng Music Class sa mga High School. Paborito nila ang guro na yun. Mabait ito at hindi tulad ng ibang guro na tinatambakan sila ng mga kung ano-anung gawain, ito ay hindi.
“Anong Organization naman nun.” Nakabihis na ito. Ipinupunas nito ang tuwalya sa basang buhok nito. Blue Tee-Shirt at kulay puting pantalon ang suot nito. Lumutang ang kakisigan nito sa suot. “Oh, Natulala ka na naman dyan.” Ngumisi ito. Napansin siguro nito na nakatitig sya dito. “I know, gwapo ako sa suot ko.”
“Eh kasi, mukhang hindi bagay sa iyo yang suot mo.” Sabi na lang nya para pagtakpan ang pagkapahiya nya. Lingid kasi sa kanyang bestfriend ay may crush sya dito.
“Bakit palagi naman ganito ang porma ko ah.” Lumapit ito sa kanya saka ginulo ang kanyang buhok. “Kung hindi ko pa iisipin na kapatid lang ang turing mo sa akin, iisipin ko na may gusto ka sa akin.
“Kapal mo? Hoy Mr. Jigs Daniel Rojes, wala akong gusto sa iyo.” Singhal nya dito.
“Galit ka ba?” Inilapit nito ang mukha nito sa mukha nya.
“Uhm..” Kunwari nag-isip ito. “Hindi...” Malakas na singhal nya dito, saka lumabas na ng kwarto nito. Napangiti sya ng makababa na. Hindi naman talaga sya galit dito. Ito lang ay lambingan nila. Nakasalubong nya si Tito Nulfo, papa ni Jigs.
“Good Morning, Tito.” Bati nya dito saka hinalikan ito sa pisngi.
“Dito ka na mag-agahan, Mecheley.”
Sabi nito. Single-parents ang Uncle Nulfo nya. Iniwan kasi sila ng mama ni Jigs dahil ayaw nya ang trabaho ni Tito Nulfo nya na isang singer sa isang banda. Ambisyosa daw kasi si Tita Susan, mama ni Jigs, kaya nag-asawa ito ng mayaman. Jigs and Tito Nulfo left behind.
Kwento ng mama nya, naging mesirable daw ang buhay nina Tito at si Jigs. Napalayas sila sa kanilang bahay. Buti na lang at malaki ang bahay noon ng kanyang lola, nanay ng kanyang mama, doon sila tumirang lahat, kaya lumaki sila ni Jigs na parang magkapatid. Pero ng makaahon na ang tito Nulfo nya ay nagsarili na ang mga ito. Nakabili sila ng isang lupa’t bahay na malapit pa rin sa kanilang bahay, kaya hindi nila nami-miss ang isa’t isa.
Mas matanda si Jigs ng dalawang taon sa kanya, kinse-anyos na sya at si Jigs ay disi-siete na. Pero pareho silang nasa unang taon sa kolehiyo, dahil hinintay sya nito.
Nakaupo na sya sa harapan ng mesa, nakahain na rin ang kanilang aagahanin. Si Jigs na lang ang hinihintay nila.
“Alam mo Jigs, para kang babae kung kumilos.” Inis na sabi nya dito ng sa wakas ay bumaba na ito. “Ano pa ba kasi ang ginawa mo?”
“Nagpalit ng damit. Sabi mo kasi ay hindi bagay sa akin yung sinuot ko kanina.” Saka lang nya napansin na nakapagpalit na pala ito. Puting Polo na ang haba ng manggas ay hanggang siko at saka sky-blue na pantalon naman ang pang-ibaba nya. Pero kahit ano ang isuot nito, gwapo pa rin.
“Ano hindi pa rin ba bagay sa akin?” Tanong nito.
“Oh sige na nga, bagay na sa iyo yan. Baka kapag sabihin kung hindi baka pumanhik ka na naman at magpalit.” Nakita nyang tumawa si Tito Nulfo.
“Sige na, kumain ka na. Hay naku gutom lang yang, pagsusungit mo.” Kinuha nito ang bandehado ng kanin saka nilagyan nito ang kanyang plato. “Dad o, kanin.” Iniabot nito sa daddy nya ang bandehado.
“Ang dami mo namang inilagay sa plato ko.” Pinadilatan nya ito ng mata.
“Para mabusog ka. At hindi ka na magsungit.”
“Tse.” Singhal nya dito saka ngumiting nagsubo ng kanin.
====
…a.n: try lang ulit...
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
RomanceMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...