chapter 18
Excited si Daniel sa nalalapit nilang bakasyon. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na magbabakasyon sila sa isang bahagi ng Pilipinas. Puro na lang kasing Paris, Singapore, America ang kanilang pinupuntahan. Pero this time ay sa Isla Remedios sila pupunta.
Balita ang kagandahan ng Nature Paradise. Hindi man white ang buhangin malinaw naman ang tubig. Mapayapa at hindi pa masyadong poluted.
Tinagurian na rin ang lugar na iyon bilang ‘Wedding Paradise’ dahil sa maraming nagpapakasal sa resort na yun. It seems na ang mga couple na doon ginaganap ang kasal ay nagiging masaya daw ang kanilang marriage.
“Wow, bro, ang ganda ng lugar.” Bulalas ni Lexter. “Hindi man ito white sand beach, maganda naman.”
“Oo nga. Balita ko pa nga, mga babae raw ang may-ari nitong resort na ito.” May ningning ang mga matang sabi ni Marcon.
“Hoy tigilan mo yang pagiging babaero mo, Marcon.” Sabi nya sa kaibigan.
“Naku naman, dear Daniel, kaya ka walang girlfriend ay dahil wala kang hilig sa babae. Naghihinala na nga ako na—“ Hindi na nito naituloy ang sasabin nito ng mataan nya ito.
“Na ano..?” Humalukipkip sya. Hindi pa rin nya ito nilulubayan ng titig.
“Na...ano...na carrer first ang goal mo sa ngayon..” Sabi nito saka binuntutan ng mahinang tawa.
“Yun ba ang talaga ang sasabihin mo, ha? Marcon.” Dudang tanong nya dito.
“Oo naman. Bakit may inaasahan ka bang ibang isasagot ko... tulad ng—“ Ibinitin nito ang sasabihin.
“Na baka... BAKLA KA!” Sigaw nito saka kumaripas ng takbo.
“Anong sabi mo.” Minulagatan nya ito saka hinabol. “Bumalik ka dito at titirisin kita..”
Hinabol nya ito hanggang sa loob ng hotel. Natigilan sya ng may makitang pamilyar na mukha. Tinitigan nyang mabuti ang babaeng yun.
Namamalikmata lang ba ako o totoong sya ang nakikita ko ngayon.
====
Busy ng araw na yun si Mecheley. Inaayos kasi nya ang mga detalye ng kasal na gaganapin uli sa kanilang Resort. Magana syang gumalaw ngayon, dahil unti-unti ng dinadagsa ng mga bakasyunista ang kanilang Resort.
“Myra, pakibigay nga ito kay Velvet. Kailangan na nya ito ngayon.” Ibinigay nya sa isang staff ang isang folder. Laman niyong ang iba pang detalye tungkol sa kasal.
Sa loob ng buwan na yun ay tatlo na ang nagpapakasal sa kanilang Resort, lastly nga ay si Anie. Tinungo na nya ang kanyang opisina. Pagkaupo nya sa kanyang swivel chair ay agad nyang isinandal ang kanyang likod.
Ramdam na nya ang pagod. Tuloy-tuloy kasi ang naging trabaho nya mula noong ipinatayo nya ang kanyang restaurant, hanggang sa ipatayo rin nila ang resort na ito. Hindi pa sya nagkakaroon ng bakasyon. Balak nga sana nyang pumunta sa America para bisitahin ang kanyang mga magulang, pero marami pa naman syang trabaho sa Resort.
Hinihilot nya ang kanyang ulo ng tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot naman nya iyon.
“Hey! Alyssa. Kumusta ka na? Kailan ka ba babalik dito sa Resort?”
“Malapit na. Kailangan ko na lang i-assist itong nakuha kung magma-manage dito sa restaurant ko. I’ll promise, malapit na talaga.” Sabi nito sa kanya. “By the way, alam mo na ba ang balita?”
“Anong balita naman yun?”
“Ang Me,Boy, nagbakasyon.”
She rolled her eyes. “So..?” She act like she doesn’t care. But inside her, she’s wishing na sana ay sa kanilang resort sila mag-bakasyon.
“What ‘so?’. Malay mo kung dyan sa Nature Paradise nilang maisipan na magbakasyon.” She’s hoping too.
“Lalong sisikat ang resort natin. And mind you, kabilang sa boy band na yun ang kaibigan natin na si Jigs.”
“Yeah, kaibigan nating si Jigs.” Mahina nyang sabi.
“Are you still bitter about Jigs departured without saying goodbye to you.”
“Ofcourse not.” Malakas nyang sagot. “Nagtampo lang ako.” Mahinahon na nyang dugtong. “Sino naman kasi ang hindi magtatampo sa ginawa nya. At ngayon ngang sikat na sya, ni smiley face hindi nya ako mai-text.”
“Baka lang kasi busy yung tao.”
“Huwag nga nating lokohin ang mga sarili natin. Busy? For six years?”
Nanginglid na ang kanyang luha. “My God! Hindi man lang nya naisip na tumawag sa akin, para sabihing: Hello old friend, singer-actor na ako ngayon.” May panguuyam sa boses nya.
“Nagtatampo lang ba talaga yan o talaga ngang bitter ka.” Pahayag nito.
Hindi sya nakakibo sa tinurang yun ni Alyssa. Ano nga talaga ang damdamin nya para dito? Is she really bitter to him. She sigh. Bakit pa ba nya pag-aaksayahan ng oras ang taong wala naman ng pakialam sa kanya.
“Alam ko na ang sagot kahit hindi ka na na sumagot pa.” Narinig nyang abi nito sa kabilang linya. “Pero paano kapag bigla uli kayong magkita ni Jigs.”
She grin. “Hindi na sya si Jigs, Alyssa.” nagpakawala sya ng buntong-hininga.
“Sya na si Daniel Rojes, ang pinasikat na singer-actor sa panahon natin ngayon.”
Bumalon ang luha sa kanya mata ng mapagtanto kung ano ang sinabi nya.
Totoo ngang nag-iba na ang daigdig na iniikutan si Jigs. Hindi na tulad ng dati na sila lang ang palaging magkasama, sabay kumain at namamasyal. Iba na ngayon ang kahalubilo ng dating kaibigan.
Masakit mang isipin ang bagay na yun ay ito ang totoo. Malayo na sila sa isa’t isa. Malayo na sa dati, malayong-malayo.
“Hey! Are you crying?” Ang tanong na yun ni Alyssa ang nakapagbalik ng kanyang diwa.
Humikbi sya. “I’m sorry, hindi ko lang mapigilan ang damdamin ko. Miss na miss ko na talaga sya
“Miss na miss na rin kita.” Napalingon sya sa may pintuan. Napatunganga sya sa nakita. Totoo kaya ito o dala lang ng kanyang ilusyon. Nakita nya itong naglakad palapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay nya. Hindi nga lang ilusyon ang nakikita nya, kundi totoo.
====
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
RomanceMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...