21--let's talk about us...

19 1 0
                                    

chapter 21

Naging busy na ng buong maghapon na yun si Mecheley. Inabala nya ang kanyang sarili para pansamantala munang makalimutan si Jigs. Sigurado syang pagtulog nya mamaya ay si Jigs ang kanyang maiisip.

Bakit ba kung kailan nasanay na syang wala ito sa kanyang sistema ay saka naman ito bumalik. Kaya na nyang tumayo sa kanyang mga sariling paa at kaya na rin nyang resolbahin ang kanyang mga problema na wala itong tulong.

Niwaksi na rin nya ang dating damdamin para dito. Talaga? Anang ng kanyang kabilang isip. Nakalimutan na ba talaga nya ang damdamin para dito o baka naman natutulog lang at muling nagising ng magbalik si Jigs uli sa kanya.

“Mukhang malalim ang iniisip mo?” Napaigtad sya ng marinig ang baritonong boses na yun. Lininga nya ang pinanggalingan ng boses para lang mapasinghap. It was Brent Aliharte. Napakagwapo nito sa suot na abong suit na pinailaliman ng puting polo. Abo rin ang pair of slacks nito at ang sapatos ay makinis na black leather.

“M-may kailangan ka ba sa akin, Mr. Manareyna?”

“Again, Meche, don’t be so formal. Just call me Brent.” Sabi nito sa kanya.

“Okay. Brent, may kailangan ka ba sa akin?” Ulit nya sa tanong nya kanina.

“Not much. Gusto lang kitang yayaing lumabas mamaya.”

“I’m so sorry, Brent I am too busy here. May inaasikaso kasi akong event na gaganapin dito sa resorts.”

“It might be a wedding?”

“Uhm, Yes.” Sagot nito saka tinalikuran na ito. Siguradong pipilitin na naman sya nito na umayon sa kanyang plano, ang gawin syang talent nito. Ilang araw na rin sya nitong kinukulit at ilang beses na rin nyang sinabing wala syang balak na maging talent nya.

Pero mukhang pursigedo ito sa kanyang balak. Kungsabagay naman kasi ay may potensyal syang maging sikat na singer. Ang totoo nga nyan ay gusto syang kunin ni Marieta at Jacob na kumanta sa kanilang kasal pero tumanggi sya.

Ang pinsan nyang si Albert na lang ang iprenisinta nya para maging wedding singer nila. Nabuwag na kasi ang kanyang banda nito lang isang linggo. Hindi yata nagkaunawaan ang kanyang bandmates at ang kanilang manager kaya pinili na lang nilang kumalas sa banda at ito ngaon ang kanyang pinsan nagso-solo na. Kailangan namang kumita ng kanyang pinsan.

“ Look, Brent. I’m so sorry pero hindi ko talaga matatanggap ang alok mo. Marami ng singer sa showbiz ngayon and I wanted to focus more here in the resorts. Inaasahan kasi ako ng mga kaibigan ko ang tulong ko sa pagpapalakad nitong resorts.”

“Oh! I understand that. Hindi naman yun ang pag-uusapan natin.”

Kumunot ang kanyang noo. “Eh ano?”

“About us.” Napamulagat sya sa tinurang yun ni Brent.

“U-us?”

“Yes. Look mas mabuting mamaya na nating pagusapan ang tungkol doon. I gotta go, susunduin na lang kita mamaya. Mga bandang eight.”

“Wai—“ hindi na nya naituloy ang sasabihin dahil umalis na ito. Kinabahan sya sa sinabi nito.

She had confirmation sa kung ano ang sasabihin ni Brent. Sinabi pa lang nya ang salitang us kanina ay alam na nya. At dahil doon ay lalo lang syang kinabahan.

Sweet Love: My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon