14--she's gone

28 1 0
                                    

CHAPTER 14

Ilang araw na rin ang nagdaan ng dumating si Jigs sa malaking Mansion na yun. At mula ng araw na yun ay hindi pa nya nakakausap si Mecheley.

Sigurado syang nagtatampo ito. Nag-paalam sya kay Ms. Bianca na umuwi sa kanila, pero hindi ito pumayag. Abala na kasi sila sa pag-eensayo para sa gagawin nilang Presscon.

Plinaplano nyang tumakas kaso kapag nalaman nila yun ay baka putulin nila ang kontrata nya sa Siren. Tinatawagan nya ito sa telepono kaso hindi naman ito sumasagot. Tumawag din sya sa telepono sa kanilang bahay pero ganun din, wala  ring sumasagot.

Sa tingin nya ay iniiwasan na sya ni Mecheley. Napakatanga naman kasi nya. Napakahina. Nagpatalo sya sa tukso. Nag-aalala na nga sya, baka hindi na sya mapatawad ng kanyang Bestfriend.

“May problema ba, Bro.” Nilingon nya ang nagsalita. Si Lexter pala yun. Sa kanilang anim, sila ni Lexter ang magkasundo. Magaan kasi itong kasama, palibhasa Joker, kahit puro corny naman ang jokes. Pero ayos na rin yun.

“Bakit mo naman nasabing may problema ako?” Iniwasan nya ang titig nito.

“Kahit ilang araw pa lang tayong magkasama, alam ko na kung masaya ka o malungkot.” Sumalampak ito sa Sofa.

“Ano? Babae ba ang problema mo.”

Hindi sya nakasagot.

“Sinasabi ko na nga ba?” Ipinatong nito ang mga siko sa kanyang tuhod, saka nangalumbaba. “Maganda ba?”

“Y-Yes.”

“Mahal mo ba naman.”

Hindi uli sya nakasagot.

“Oh, Never mind. Kahit hindi ka sumagot alam kong mahal mo yun.”

“Paano mo naman nalaman. I mean...”

“May mga tao kasing madaling mabasa kung ano ang nasa loob nito. At may mga tao rin na itinatago ang kanyang nararamdaman. As for you, I prefer to describe you like the first sentence I said.”

“Ang ibig mo bang sabihin, madaling mabasa ang nasa loob ko?”

“Sa yun ang nakikita ko. Inen-terpret ko lang.”

“Kung gayung madali lang palang mabasa ang nasa loob ko, bakit hindi yun makita ni Mecheley.”

“Mecheley pala ang pangalan nun.” Ngumisi ito. “Sandali lang, ano na ba ang relasyon sa pagitan ninyo. Are you friends or nakakasalubong mo lang sya sa daan?”

“Were best of friends. We—“ Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng sumabad na si Lexter.

“Kaya naman pala eh, Bestfriend lang kayo.”

“Ano naman ang point mo.”

“Kaya hindi mabasa ni Mecheley ang nasa loob mo ay dahil sa relasyon sa pagitan ninyo. Kaibigan lang ang turing nito sa iyo. Ang mga bagay na ipinapakita mo sa kanya ay pawang friendly treat lang para sa kanya.”

“Kaibigan lang ang turing nya sa akin.” Bulong nya sa sarili.

“Hey! Huwag kang mawalan ng pag-asa. Alam mo kung ako sa iyo, sasabihin ko na sa kanya ang tunay kung nararamdaman bago pa mahuli ang lahat. At—“ Hindi na nya hinintay na matapos itong magsalita, sumibad na syang palabas.

Linandas nya ang daan palabas ng Me, Boy Mansion. Kalahating kilometro ang tinakbo nya bago nya mamataan ang high way. Pumara sya ng taxi at nagpahatid sya sa Eco Park.

Tumigil sya sa harapan ng bahay nina Mecheley. Kumatok sya pero walang tumugon. Ilang ulit pa syang kumatok pero wala talagang tumugon. Lumabas sya ng gate, sakto namang mamataan nya ang Dad nya.

Tinanong nya dito kung nasaan sina Mecheley. Nanlambot ang tuhod nya ng marinig ang sagot ng kanyang Dad.

Nasa America na pala ang mga ito.

Now she is gone.

====

a/n: kalungkot naman noh!!!

*sob, sob**

Sweet Love: My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon