CHAPTER 10
Gusto sanang tanungin ni Mecheley kay Jigs kung ano ang iniisip nito kaninang nahuli sya ni Alyssa na nakangiti at nakatulala, pero nahihiya sya.
“Bakit kanina ka pa yata tahimik.” Tanong sa kanya ni Jigs. Pauwi na sila noon sa kanilang bahay.
“Wala, pagod lang siguro ako.”
“Ganun ba? Hindi kasi ako sanay na tahimik ka tuwing papauwi na tayo. I’m sure pagod ka nga talaga. Don’t worry malapit na tayo.”
Ilang minuto pa ay nasa tapat na sila ng kanilang bahay. Bumaba ito at pumaikot patungo sa harap ng pinto nya. Pero naunahan na nya itong buksan ang pinto.
“Mecheley naman, sana hindi mo binuksan.” Tamporurot nito sa kanya.
“Bakit ba, ha?” Isinara na nya ang pinto.
“Sana ako na ang nag-bukas ng pinto para sa iyo.”
“Bakit ano mo ba ako? Hoy, Mr. Rojes, bestfriend mo lang ako at hindi girlfriend. Kaya hindi mo na dapat pang pag-buksan ako ng pinto.”
“Sana nga hinayaan mo na lang ako, alam mo namang ngayon ko lang gagawin ito sa iyo.” Nakahalukipkip ang kanyang mga braso. Gusto nyang matawa dito. Ngayon lang talaga nya sana magagawa ang pagbuksan sya ng pintuan.
“Alam mo ang arte mo. Sige na, umuwi ka na.” Pagtataboy nya dito.
“O, sige, pero bigyan mo muna ako ng ‘good night kiss’.” Ngumuso ito. Saka nagpatunog ng ‘muah’.
Gusto sana nyang pag-bigyan ito kaso nahihiya sya. At isa pa baka kung ano pa ang maramdaman nya. Nag-aalala din sya na baka hindi nya mapigilan ang sarili at hindi lang simpleng good night kiss ang maibigay nya.
“Ayoko ko nga. Ang yuck nun noh!” Nag-kunwari sya na nandidiri.
“Bakit malinis naman ako a.”
“Ah! basta. Umuwi ka na nga lang.”
“Sige. Good Night.” Padabog itong naglakad patungo sa kotse. Pagkasakay pa lang nito ay pinasibad na agad ang sasakyan.
====
Pagkasakay pa lang ni Jigs sa kotse ay pinasibad na nya yun agad. Hindi nya maitago ang inis kay Mecheley.
Simpleng Good Night Kiss lang ang hinihngi nya ay hindi pa sya nito napag-bigyan.
Ng maipasok na nito ang sasakyan sa garahe at makababa doon ay agad syang pumasok sa loob ng bahay. Buti na lang at wala ang kanyang Dad sa sala, siguradong magtatanong yun tungkol sa meeting nya sa may Siren. Umakyat na sya at pumasok sa loob ng kwarto.
Ibinato nya sa may kama ang susi ng kotse at agad tinanggal ang lahat ng suot na damit. Pumasok sy ng banyo para mag-shower. Matagal syang nagbabad sa umaagos na tubig mula sa shower.
Paglabas nya sa banyo ay napatda sya sa nakita. Nasa loob ng kanyang kwarto si Mecheley. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi sya nito nakita. Tinitigan nya ito mula itaas pababa. His undressing her in his mind.
Hindi na nya mapigilan ang sarili kaya agad nya itong nilapitan. Naramdaman nyang napapitlag si Mecheley ng yakapin nya ito.
Pinaharap nya ito sa kanya. He kiss her widly and after that the kiss goes slowly. Naramdaman nyang tumutugon si Mecheley sa bawat pag-galaw ng kanilang mga labi.
====
a/n: now playing: careless whisper...
...hahaha...
...
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
RomanceMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...