chapter 28
Ilang araw na ang nakakalipas hindi pa rin nahahanap si Jigs. Nawawalan na rin sya ng pag-asa na makita pa itong muli.
Matagal na sa kanya ang anim na taong paghihiwalay nila at kung sakali mang hindi na bumalik si Jigs ay hindi nya kakayanin.
Ilang gabi na rin syang umiiyak pero hindi nya ito ipinapakita sa mga kaibigan at magulang. Ayaw nyang mag-alala ang mga ito kaya pilit syang tumatawa kapag kasama nya ang mga ito.
Kaya naman nyang sarilinin ang mga nararamdaman nya ngayon kahit masakit titiisin nya. Kahit pakiramdam nya ay nababaliw na sya. Hindi pa rin nya lubos maisip na kaya ni Brent ang pumatay para lang maipaghiganti ang pagkamatay ni Evonne or Bianca.
Nagtiwala pa naman sya ng lubos dito. Masarap namang kasama ito at maraming mga joke. Now, she learned her lesson: huwag masyadong magtitiwala sa mga tao sa paligid mo. At ng dahil sa tiwala na yun, ang dahilan ng pagkawala ni Jigs.
Hindi na naman nya napigilang lumuha. Nasa loob sya ngayon ng kanyang kwarto dahil ilang araw na syang nakalabas ng hospital. Tumayo sya at saka binuksan ang component nya. Isinalang nya ang E-Head cd ni Jigs, na palihim nyang kinuha sa bahay nito noon.
♪♪Magkahawak ang
ating kamay, at
walang kamalay-malay.
Na tinuruan mo ang
puso ko na umibig
ng tunay...♪♪
Sinasabayan nya ang kanta na may titulong “Ang Huling El-Bimbo”. It is one of Jigs favorite songs out of lot’s hits of E-heads.
♪♪...Lumiliwanag
ang buhay habang tayo ay magkaakbay...
sana noon pa man
ay sinabi na sa iyo
kahit hindi na uso ay ito
lang ang alam ko...
magkahawak ang ating mga kamay at walang kamalay-malay,
na tinuruan mo ang puso
ko na umibig ng tunay...♪♪
Hindi na nya mapigilang mapahagulgol dahil ang mga sumunod na na lyrics ay about sa kamatayan. Ayaw nyang isipin ang bagay na ito pero paano kung patay na si Jigs. No! piping dalangin nya.
He can’t afford to lose him again. Matagal na syang naghintay na bumalik ito. Hindi pa nga halos sila nakakapag-usap mula ng muli silang magkita.
Ni hindi nga rin nya nasabing miss na miss na nya ito kahit paulit-ulit sabihin ni Jigs na miss na sya nito. At lalong hindi na rin nya nasabi kung gaano nya ito kamahal.
Ang tanga-tanga nya talaga. Sana noong nilapitan sya nito at gustong kausapin ay hindi nya dapat itinaboy.
Paano na nya masasabing mahal na mahal nya si Jigs Daniel Rojes? Paano na? Ngayong baka wala na sya, baka ngayon ay patay na ito.
Sinandal nya ang likod sa pader saka dumausdos paupo. Tinakpan nya ang kanyang mukha at saka impit na umiyak.
Iyon na lang ang kaya nyang gawin sa ngayon, ang umiyak. Hindi na nya kayang harapin pa yata ang kasalukuyan at hinaharap ngayong wala na si Jigs.
“Meche!!!” Narinig nyang tawag sa kanya ng kanyang mama, pero hindi nya ito pinansin. “Meche, come—“
“Leave me alone, ma! Please.” Sagot nya rito. Hindi rin nya pinagbuksan ng pinto ang kanyang ina.
“You haven’t eatin’ yet since yesterday. Puro ka na lang milk at bread ang kinakain mo!”
“Hindi ako gutom, Ma!”
“Please, Meche! Don’t kill yourself. Magpakatatag ka anak!, umasa tayo na buhay pa si Jigs.”
Tinitigan nya ang pinto. Tama ang kanyang mama, kailangan syang umasa na buhay pa si Jigs. At kailangan nyang magpakatatag dahil babalik pa si Jigs.
Agad-agad syang tumayo at binuksan ang pinto. Nakita nya ang alala sa mukha ng kanyang mama.
Ng mabalitaan ng kanyang mama ang nangayari ay agad itong nagpa-book ng ticket at agad-agad na umuwi ng Pilipinas. Bumaha noon ng luha sa hospital ng magkita sila. Her mother was shocked about what happened to Jigs.
“Anak, huwag kang mawawalan ng pag-asa. Habang wala pang nahahanap na bangkay ni Jigs, manalig tayong buhay pa sya. May awa ang diyos.” Sabi ng mama nya sa kanya.
“Kayo na po ang bahala kay Jigs, kung nasaan po sya huwag nyo po sana sya pababayaan.” Taimtim nyang usal.
“Hindi na sya babalik.” She heard a familiar voice. Marahas nyang liningon ito para lang magulat.
♥♥♥
a/n: natagalan sa UD...
...
walang internet eh...
...
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
RomanceMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...