CHAPTER 3
Parang gustong isipin ni Mecheley na nagseselos nga si Jigs sa narinig nya tungkol sa pagkakaroon nya ng crush kay Mr. Hacusin. Pero alam nya ang totoo, kaibigan lang ang turing sa kanya nito.
Naaalala pa rin nya ang usapan nila noon ni Jigs.
*FLASHBACK*
Masaya silang naglalaro noon sa tabing dagat. Labing dalawang taon palang sya at kinse naman ito. Palagi sila doon kapag sabado at linggo. Malapit lang naman kasi sa bahay nila ang dagat.
Nagbaon sila ng mga pagkain: Sandwich, Mamon at Juice. Palaging ganoon ang baon nila.
“Sana palagi tayong ganito, Jigs.” Nakasandal sya sa likod nito. Nakaupo sila sa isang blanket na inilatag nila sa ilalim ng punong niyog. Hindi ito umimik kaya liningon nya ito. Nakatanaw si Jigs sa dagat, malungkot ang mukha nito.
“Bakit tila malungkot ka yata.” Tanong uli nya dito.
“Wala lang. Iniisip ko kasi ang sinabi mo.”
“Anong problema sa sinabi ko.”
Humarap ito sa kanya. “Hindi panghabang-buhay ganito tayong dalawa. Graduating na ako, samantalang ikaw second year, high school pa lang. Sabi ni Papa, iba na daw kapag college ka na. Busy na masyado. Kailangan ay seryoso na ang pag-aaral.”
“Eh! Bakit ngayon ba ay hindi ka seryoso sa pag-aaral mo. Gusto mo isumbong kita kay Tito Nulfo.” Kinurot nya ito sa tagiliran.
“Ikaw sumbungero ka talaga.” Kinurot rin sya nito sa kanyang bisig. Napa-aray sya kaya, ginantihan nya ulit ito. Nauwi sa asaran ang kurutan nila. Ganun sila palagi ni Jigs, walang araw na hindi sila nag-aasaran.
Kapag binabanatan sya ni Jigs ay natatalo sya. Pero kapag ito naman ang nabanatan, pikon.
Tumayo sya para tumakbo. Hinabol naman sya nito. Binata’t dalaga na sila pero naghahabulan pa rin. Akala nya ay malayo na sya dito kaya tumigil sya. Hinabol nya ang kanyang hininga. Lilingon sana sya ng may sumunggab sa kanya.
Sumigaw sya ng malakas. Pilit nyang binabalya kung sino man yun, hanggang sa matumba sila. Nadaganan sya ng kung sinoman yun. Tumingala sya at napasinghap ng magkasalubong ang kanilang mukha. Si Jigs pala yun.
Naramdaman nya ang pag-iinit ng kanyang pisngi ng makitang tinititigan sya nito. Gwapo talaga si Jigs. Tinitigan nya ang mga mata nito, saka bumaba sa labi nya. Iniisip nya noon kung masarap ba ang pakiramdam kapag nahalikan sya ni Jigs. Pero iwinaksi nya ang isipin na yun.
Itinulak nya si Jigs. “Bakit ka ba nang-susunggab,ha?” Sinuntok nya ito sa balikat.
“Ang ganda-ganda mo talaga, Mecheley.” Naramadaman nya ang pag-init uli ng kanyang pisngi. Naramdaman din nya ang dampi ng kamay ni Jigs sa kanyang mukha.
Tumingin ito sa mga labi nya. Dahan-dahan nitong inilalapit ang mukha nito sa mukha nya. Dumampi sa kanyang labi ang labi nito.
He move his lips so gently. Tutugunin na sana nya ang halik nito ng maisip nya na hindi dapat mangyari ang bagay na yun, kaya agad nyang inilayo ang kanyang mga labi sa labi nito.
“Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko?” Tanong nito sa kanya.
“Hindi mo dapat ginawa yun, Jigs. Magkaibigan tayong dalawa.” Yun lang ang sinabi bago sya naglakad palayo.
Papasok na sya sa loob ng kanilang bahay ng may humila sa kamay nya.
“I’m so sorry, Mecheley.” Si Jigs pala yun. Buhat nya ang picnic basket.
“Oh! Sige patatawarin kita, pero ipangako mo na hindi mo na uulitin.”
Hindi ito umimik. Itinaas lang nito ang mga kamay na tila nanunumpa.
“At isa pa. Huwag kang magkakagusto sa akin dahil kaibigan at kapatid lang ang turing ko sa iyo.
“Promise, Mecheley.” Hindi pa rin nito ibinababa ang kamay.
“Sige na pumasok ka na sa loob ng bahay ninyo.”
Hindi lang nito alam na nagustuhan nya ang ginawa nito sa kanya kanina.
Ang paghalik nito.
Unang pumasok si Jigs sa loob ng bahay. Samantalang sya naman ay hinawakan nya ang kanyang mga labi.
====
A.N,,,,,HOPE you like it....
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
RomanceMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...