27--is he dead??※※♥

18 1 0
                                    

chapter 26

Nagtititili si Meche. Lumapit sya sa gilid ng bangin at sinilip sina Brent at Jigs na nahulog. Madilim sa ibaba kaya wala syang nakita. At kung bumagsak man sila ay sa tubig at tatangayin sila nito.

She cry in despair. Ano na kayang nangyari kay Jigs. Are they alive. Tumalilis sya ng takbo ng may marinig na mga boses. She fell relief, dahil ibig sabihin lang nun ay tulong.

"Oh! God, huwag mong ipahintulot na may mangyari sa kanilang dalawa." Sambit nya habang tumatakbo.

Naramdaman nya ang sakit ng bumagsak sya sa lupa. Nasapo nya ang kanyang binti ng maramdamang may umaagos na mainit na likido. She's bleeding.

"Tulong...." Malakas nyang sigaw. "Somebody help us."

Pinilit nyang tumayo. Ginamit nya ang puno na nasa kanyang kaliwa para supurtahan ang kanyang katawan at makabalanse. Kahit namimilipit na sa sakit ang kanyang katawan ay pinilit pa rin nyang maglakad.

She need right now. Jigs most needed it too. Pati na rin si Brent na hindi nya kayang kamuhian dahil ito'y may ipinaglalaban. Sa mali nga lang na paraan ito gumanti kay Jigs.

Iika-ika syang lumakad kaya bumagal ang pagtunton nya sa mga taong naghahanap din sa kanila. Pagod na pagod na sya at malapit ng bumigay ang kanyang katawan. Umupo muna sya sa gilid ng malaking puno para ipahinga kahit kaunti ang kanyang katawan dahil hindi na talaga nya kaya.

"Meche." narinig nyang may tumawag sa kanya. Itiningala nya ang kanyang ulo para tignan kung sino yun. Light blinded her sight for a moment. Ngumiti sya dahil at last ay nandyan na ang tulong.

Afterward, darkness corrupt her mind.

Nagising si Meche. Pinakiramdaman nya ang paligid. She's sure na nasa ibang lugar na sya. Hindi nya maibukas ang mata dahil namimigat ito. Pero kahit sa malabong mata nya ay nakita nya ang kaputian ng paligid.

"Nasa langit na ba ako?" She uttered.

"Oo, Meche nasa langit-ouch." Nilingon nya kung sino yun. Sa pagkakataon na yun ay malinaw na ang kanyang paningin. Napaluha sya ng makita sina Alyssa, Velvet at ang kanyang mga magulang, pati na rin si Albert. Pero bakit parang may kulang.

"Ma,Pa. Si Jigs." Mangiyak-ngiyak na sabi nya. "Nahulog po sya sa bangin kasama nya si Brent. Ma ano na pong nangyari?" She cry in despair.

"Huwag ka munang bumangon, Meche." Pigil ng kanyang mama sa kanya ng tangkain nyang bumangon. Pero hindi sya nagpapigil. Ayos naman na ang kanyang pakiramdam. She want to see Jigs.

"I want to see Jigs."

"Hindi pa sya nahahanap, Meche. Ang katawan pa lang ni Brent ang nakita."

"Katawan ni Brent?" Kunot-noo nyang tanong. "Is he dead?"

Walang nakaimik sa mga nasa loob ng kwarto.

"He is really dead." Sinapo nya ang kanyang dibdib. Naaawa sya kay Brent. He became a good friend to her kahit sandali lang. Alam nyang dahil sa galit kaya nya nagawa ang bagay na yun. "I want to see him." She paused "I want to see, Brent."

"Huwag na, anak." Isinuklay ng kanyang mama ang kamay nito sa kanyang buhok.

"Bakit po, ma."

"Maraming media doon." Sagot ng kanyang Daddy Ron. "Siguradong pagpe-pyestahan ka dun, kapag nakilamay ka. Kalat na kasi sa t.v, radyo at dyaryo ang nangyaring pagkamatay ni Brent at ang pagkawala ni Jigs."

"At hindi mo rin makilala ang mukha ni Brent, dahil sa pagkakabangga siguro nito sa mga bato sa ilog." Sabi ni Alyssa.

"Kawawang Brent."

"Kailangan ko pong mahanap si Jigs, kung ganun." Pinatibay nya ang kanyang boses. Ayaw na nyang umiyak. She hope na walang nangyari kay Jigs. She believe na baka napadpad lang ito kung saan.

"May lead na ang otoridad kung saan napadpad si Jigs, so don't worry about him." Si Alyssa.

"Kaya kung ako sa iyo ay magpahinga muna ako." Sabad naman ni Velvet.

"No!" matigas nyang sabi. "I won't, gusto kung hanapin si Jigs." Yinakap nya ng mahigpit ang unan na hawak. " I'd lose him once at muntik ko ng hindi kinaya. Pero sa pagkakataon na ito, baka, baka...-" Lumunok sya.

"Naniniwala din kami, Meche." Ngumiti si Alyssa. "Hindi mawawala sa iyo si Jigs, noh! Madami syang utang sa akin. Ilang birthday na ba ang napalagpas nya."

Tumawa pa ito.

"Stop, it! Tensyunado na nga ang lahat." saway naman ni Velvet.

Napangiwi ito. "Sorry, I just want to lighten up the burden." Yumuko ito.

"Don't be sorry, Alyssa. I understand you."

Nakayukong lumapit ito sa kanya.

"Thank you. Alam mo naman na ganito ako. Ayaw kung nakikita ang mga kaibigan kung umiiyak. Huwag kang mag-alala kay Jigs, sigurado akong buhay pa sya." Niyakap sya nito.

Yumakap din si Velvet. "Talaga lang ha? Velvet."

"Alam mo anak, ang magagawa mo lang sa ngayon ay magpalakas. Mayamaya siguro ay nandyan na si Jigs, baka nahanap na ito ng mga pulis."

"Sana nga po, ma."

+++

Sweet Love: My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon