16--I'll be a TALENT???

23 2 0
                                    

CHAPTER 16

Agad na nagtungo si Mecheley sa loob ng reception area. Pinipigilan nya ang pagtulo ng kanyang luha. Tinignan nya kung ayos na lahat ang mga pagkain. Pati ang table setting ay siniyasat na rin nya.

“Meche ang galing-galing mo, bravo.” Pumalakpak si Velvet. “Sabi na sa iyo, kaya mong kumanta sa harap ng maraming tao. You did it. Atta Gurl..”

Tinampal nya ang noo nito. “Masyado na ang kaba ko kaninang hindi pa nagsisimula ang entourage.” Tinutop nya ang dibdib.

“Ang galing nga ng pagkakakanta mo doon sa song na yun. Pwede mo ng palitan si Ms. Regine Velasquez.” Tinapik sya nito sa balikat.

“Mukhang hihimatayin na nga ako sa sobrang kaba, may panahon ka pang asarin ako.” Asik nya dito.

“Hoy, hindi kita inaasar, no!”

Inirapan nya ito saka nagmartsa palayo. Nasa pasilyo sya ng may mabundol. Awtomatiokng nagtaas sya ng mukha. Natulala sya sa nakita.

Si Tom Cruise ba ito? Sa isip nya. Ang gwapo kasi nito. Kahawig nga ito ni Tom Cruise. Pero hindi naman imposible kung ito nga ang artistang yun. Very Lean ang physique nito. Perpekto ang pagkakaukit ng kilay nito at ang mga mata nito ay nakakaakit talagang tignan, it is bluish. At ang mga labi nito at pinkisk kissable. At pangahan din ito.

Tila sya nabato-balani sa angkin nitong kakisigan. He is an Adonis in flesh.

[a/n: bato-balani means magnet. ang deep ng tagalog na yun noh.]

“I’m sorry, Miss.” Hinging paumanhin nito na nakapagpabalik sa kanyang katinuan.

“No. Ako dapat ang humingi ng paumanhin. I’m sorry.”

“Wait, ikaw yung kumanta kanina, ha?”

Nagulat man sya ay tumango sya para sagutin ito.

“Hindi ko alam na may nakapansin pala sa akin.” She smile.

“Paanong hindi ka mapapansin, ang galing mo kaya. Your rendetion of that song, ang ganda, full of emotion. May damdamin.”

“T-Talaga?” Natuwa sya sa sinabi nito. Ngayon lang kasi sya nakarinig ng comment ng ganun patungkol sa pag-kanta nya mula sa ibang tao, bukod sa pamilya’t kaibigan nya. Kungsabagay, ngayon lang naman sya kumanta sa harap ng maraming tao.

“By the way, I’m Brent Alewis.” Inilahad nito ang kamay. Inabot naman nya iyon.

“Mecheley Vedez.” She smile at him.

“Alam mo ba kong ano ang ginagawa ko dito?” Kumunot ang noo nya. Bakit naman sya tatanungin ng ganun.

“B-Bakit nga ba?” Out of the blue ay tanong nya.

“I’m here to find a girl.” Napalunok sya sa sinabi nito. Ibig sabihin, naghahanap ito ng magiging girlfriend. Hindi kaya sya ang gusto nito. “At nahanap ko na sya.” Nananatiling nakatitig ito sa kanya. “My new talent...” Napamulagat sya sa narinig.

====

… ×___× …

Sweet Love: My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon