CHAPTER 5
Napapitlag si Mecheley ng yakapin sya ni Jigs. Nag-init ang kanyang pisngi at pakiramdam nya ay nasusunog sya. Dati ng ginagawa ni Jigs yun sa kanya at sanay na sya dito. Pero iba ang pakiramdam nya ngayon.
Dahil siguro yun sa nararamdaman nyang para dito. Kaya ganoon ang nararamdaman nya ngayon. Ginantihan na rin nya ito nga yakap.
“What if, mag-audition ka rin. Pwede pa yata.” Sabi nito ng magkahiwalay na sila sa isa’t isa. “Kapag nakapasok ako at nakapasok ka, then every performance magkasama tayo.”
“P-Pero...” Hindi sya sanay sa ganoong mga bagay. Hindi sya sanay na mag-perform sa harap ng maraming tao. Sa loob ng kwarto nya o kaya naman sa banyo, pwede pa, but in the stage, standing in the front of the crowds, no way.
Kung kasikatan lang naman, ibabalato na lang nya ito kina Sarah Geronimo at Regine Velasquez.
“Please...” Pinagsalikop nito ang mga palad and then wear those Pleasing Expression.
“Jigs, alam mo naman diba. Ayoko ngang kumanta sa harapan ng maraming tao, hindi ba?” Pinagsalubong nya ang mga kilay nya. Kapag ganun na ang ginawa nya, titigil na ito, dahil alam na nyang naiinis na sya sa kakulitan nito.
“Nagsalubong na yang mga kilay mo... kaya sige, hindi na kita pipilitin. Sige ka, kapag nakapasok ako sa Nightingale, baka mawalan na ako ng oras sa iyo.” Biglang kumirot ang kanyang dibdib. Masakit isipin ang sinabi nito.
Nananatili pa rin syang tahimik.
“Sige ka...Pwede na akong maghanap ng iba doon.” Muling kumirot ang kanyang dibdib. Matalim na tingin ang ipinukol nya dito.
“Bahala ka sa buhay mo.” Singhal nya dito saka naglakad ng palayo dito. Narinig nyang tinatawag sya nito pero hindi sya tumigil. Tuloy-tuloy sya sa pag-lalakad. Ayaw nyang ipakita dito na nasaktan sya sa sinabi nito.
Hindi naman siguro nito iisipin na nasaktan sya sa sinabi nito. Siguradong naiinis sya ang iisipin nito.
“Mecheley...” Hinawakan sya nito sa braso. Agad nyang ipinilig ang ulo palayo dito saka pasimpleng pinahid ang kanyang mga luha.
“Alam mo nakakainis ka.” Binira na nya ito.
“Sorry...”
“Sori-sori ka dyan.” Tinitigan nya ito. Magkasalikop pa rin ang mga palad nito. At ang mga mata nito ay nag-mamakaawa.
“Patawarin mo na ako, Mecheley.”
Hindi sya sumagot bagkus umingos sya.
“Sige ka, kapag hindi mo ako patatawarin...” He paused. Liningun nya ito. Muntik na syang mapasigaw ng ang mukha ni Jigs ang nasalubong nya.
Ilang pulgada na lang yata ang layo ng mga mukha nila sa isa’t isa. Nakatitig sya sa mata nito saka nya ibinaba ang tingin sa mga labi nito.
Hindi kaya hahalikan sya nito. Nag-panic na ang isip nya. Hindi nya dapat gawin yun, dahil kapag nangyari yun baka hindi nya mapigilan ang sarili nya.
“Anong gagawin mo?” She chined up para mapagtakpan ang intimidasyong nararamdaman nya.
“This...” Ito lang ang sinabi nya. Pumikit sya. Hahalikan na yata sya nito. Pero ilang segundo na yata ang nakakalipas ay wala pa rin syang maramdamang dampi ng halik.
“Hoy....” Napaigtad sya ng maramdaman nyang may yumugyog sa kanya. Si Jigs pala yun. Itinaas nito ang kamay at doon nakita nya ang isang cone ng paborito nyang ube sorbetes. “Ito oh, peace offering.”
“H-Ha?” Maang nya habang inaabot ang sorbetes.
“Ano nga palang nangyari sa iyo at nakapikit ka kanina.” Dinilaan nito ang sorbetes na hawak.
“H-Ha? Ano....” Fast Mecheley, think of some alibi. “Ano, napuwing kasi ako...oo yun, napuwing ako.”
“Ganun ba? Ayos ka na ba?” Hinawakan nito ang bahaging ibaba ng kanyang mata. Muntik na syang mapaigtad dahil nakaramdam sya ng kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan.
“O-Oo, ayos na ako.” Lumayo na ito sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain ng sorbetes. Ganun din ang ginawa niya. “Utang ba uli itong sorbetes na ito?” Kapagkuwa’y tanong nya sabay tawa.
Tumawa rin ito.
====
a.n.: matagal ko ng nagawa ang kwento na ito...
...2009 pa ata...
...
hindi ko n enidit..
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
RomanceMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...