13.2--NO TIME FOR GOODBYE!!!

25 1 0
                                    

CHAPTER 13.2

"Hindi man lang sya nag-paalam.”

Himutok ni Mecheley ng malamang umalis si Jigs. Sinundo pala sya ng taga-Siren para dalhin sa Me, Boys Mansion. Doon na pala ito titira, hindi man lang nag-paalam.

Pero ayos na rin sa kanya yun. Nahihiya talaga syang humarap dito. Kaya nga maaga syang umalis ng kanilang bahay kanina, dahil siguradong kakausapin sya ni Jigs. Nagpunta sya kina Velvet.

Tumawag pa ito doon, pero pinakiusap nya kay Velvet na huwag nyang sasabihing nandoon sya sa kanila.

Bakit mo ba sya pinag-tataguan?” Tanong sa kanya ni Velvet.

“A-Ahm...Wala.” Sinungaling nya.

“Anong wala, kilala kita, Mecheley, hindi ka magpupunta dito ng walang dahilan. Ano sasabihin mo ba o tatawagan ko si Jigs para sabihing nandito ka?”

“Huwag. Huwag mo syang tatawagan.”

“Sasabihin mo na?” Yumuko sya. Paano nya sasabihin ang bagay na yun na. Na hinalikan sya ni Jigs at muntik pang maangkin ang kanyang pagka-birhen sa murang edad pa lang.

“N-Nag away kasi kami...kasi...” Natigilan sya.

“Come on...tell me.”

“Kasi may bago na syang pagkaka-abalahan.” Yun ang nahagip na isip nya. Hinihintay na lang nya kung maniniwala si Velvet o hindi.

“My God! Ibig sabihin nun, mawawalan na sya ng oras sa iyo. Teka, ano ba yung bago na yun...bagong babae ba?”

Nagulat man sya sa inisip nitong dahilan ay tumango na lang sya.

Pero hindi nya maiwasan ang magdamdam dito. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. Ni tumawag man lang, hindi nito ginawa.

Hihiga na sya sana  sa kanyang kama ng kumatok ang kanyang Mama. Nakangiti ito ng pagbuksan nya.

“Bakit po, Ma.” Walang siglang tanong nya dito.

“Ano bang nangyari sa iyo, para kang nagluluksa.” Tinitigan nya ito. Kung alam lang ng Mama nya na nagluluksa talaga sya. Ipinaluluksa nya ang pagkamatay ng relasyon nila ni Jigs.

“Ano bang sasabihin nyo, Mama?” Tanong nya dito.

“Tumawag ang tita Meldred mo. Iniimbitahan tayong magbakasyon sa America sa susunod na linggo.” Kapatid ng Mama nya si Tita Meldred.

Nakapag-asawa ito ng Kano at doon na sa America nakatira. Once na rin silang nagbaksayon doon noon, pero matagal na panahon na. Bata pa yata sya noon. Nakilala na rin nya ang mga pinsan nyang ‘Half’ kung tawagin nya.

“Why not!” Magandang opurtonidad na rin yun para maghilom ang kanyang puso. Ang kanyang nagdaramdam nyang puso. “Pumayag na ba si Dad?”

“Oo naman. Ang tita Meldred mo ang bahala sa air tickets natin.”

“Great!” Matamlay na sagot nya.

“Siguradong ayos ka lang, anak. Kung may problema ka, sabihin mo lang sa akin.”

“Sige po, Ma.”

“Sige magpahinga ka na.”

====

Sweet Love: My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon