a/n: this story is also dedicated to GRIM JRS (Gladys, Rachelle, Illonah, Mikee, John Paul, Rachel, Sheila)
chapter 31
Nagising si Meche sa isang madilim na lugar. Kinapa nya ang paligid. Sementado. She is in a room, a locked room. Sinubukan nyang tumayo pero hindi nya nagawa dahil nakakadena sya.
Napaigtad sya ng may marinig syang kung anong ingay. Bumukas ang pinto at may naaninag syang bulto na pumasok. Napasinghap sya ng biglang nagliwanag sa paligid. Tinakpan nya ng kanyang kamay ang kanyang mga mata.
“Gising na pala ang aking bisita.” Narinig nyang nagsalita ang isang lalaki. Unti-unti nyang inalis ang pagkakatakip ng kanyang mga kamay sa kanyang mga mata. Tumingala sya para makita kung sino iyon.
“B-Brent?!” Manghang sabi nya. “How come that you are here, you are dead already.”
“Oh come on!! huwag mong sabihing multo ako.” Tumawa ito.
Memory struck her.
“Kayo na po ang bahala kay Jigs, kung nasaan po sya huwag nyo po sana sya pababayaan.” Taimtim nyang usal.
“Hindi na sya babalik.” She heard a familiar voice. Marahas nyang liningon ito para lang magulat. She saw Brent staring at her with a fiery eyes. Nakasuot ito ng black leather jacket at hapit na kupas na pantalon.
“N-no w-way!!”Nauutal nyang sabi.
She’s just dreaming. Hindi maaring bumangon ang isa ng patay.
“Kumusta na ang mahal ni Daniel or is it Jigs.” He giggled. “Well, they are just the same person.” Naglakad ito palapit sa kanya. Napaatras naman sya.
“You are not real.”Matatag syang nagsabi nun.
“I’m not a ghost if that’s what you’re thinking, my sweet.” Hinawakan nito ang kanyang baba. Nandidiri syang tinabig iyon. Lumingon sya sa pinto.
“No one will help you.”
“Anung ginawa mo kay mama.”
“Ayun, tulog.”He made a devilish laugh.
“Hayop ka. Walanghiya.” Naiiyak nyang pinaghahampas ito ng unan na kanyang nahawakan.
“Okay that’s it!!”Galit na ito. Hinawakan sya ng mahigpit sa braso pero pumalag sya. “Halika na.”
“Saan mo ako dadalhin.” Nagpupumiglas pa rin sya.
“Sa langit.” He grinned.
“Bitawan mo ako.” Sinipa nya ito sa gitna. Nabitiwan naman sya nito. Agad-agad syang tumakbo palabas ng kwarto at bumaba sa sala. Nakita nya doon ang walangmalay nyang ina. Nakahandusay sa sahig.
“Walanghiya ka. Bumalik ka dito Meche.” Nilingon nya ang bumababang Brent sa hagdan.
Agad-agad syang tumakbo patungo sa pinto. Binuksan nya iyon at dire-diretsong lumabas patungo sa may kalsada.
Hihingi sya ng tulong sa mga kapit-bahay. Kakatok na sana sya sa bahay nina Mrs. Henson ng may humawak sa kanyang balikat.
Pinaharap sya nito saka sya sinuntok sa sikmura. Namilipit sya sa sakit hanggang sa mawalan sya ng malay.
Nakamaang lang syang pinagmasdan ito.
May mga bruises ito sa katawan, marami ring sugat. Nangaling ito siguro sa pagkakahulog nila ni Jigs sa ilog. So he is still alive.
“Nagtataka ka siguro kung paano ko napalabas na patay na ako, hindi ba?” Hindi sya sumagot. “Well…alam kung curious ka kaya ikwe-kwento ko…”
She swallowed.
“Naramdaman ko ang pagkakabagsak ng katawan ko sa ilog at ang pagkakaanod ko. Napadpad ako hanggang sa dulo ng ilog.” He paused and grinned. “Akala ko nga patay na ako.
But according to the grapevine, not yet. Hindi pa ako tapos na maghiganti kay Jigs.
“May tumulong sa akin na isang lalaki. Kasing-edad ko lang sya. Ginamot nya ako katulong ang kanyang ina.” He paused. Mataman lang din syang nakikinig.
“Ilang araw din ako doon sa kanila hanggang sa malaman nila ang tungkol sa pagkatao ko, na hina-hunting ako ng batas. Isusuplong na sana nila ako pero…” He grinned. Napalunok naman sya.
“I killed them…both.” She gasped.
Nakakalokong tumawa si Brent. “Alam mo ba ang katawang nakita nila ay hindi ako kundi si Mark—yung binatang nakapulot sa akin. Isinuot ko dito ang damit ko noong nahulog ako.”
“Hindi nga makilala ang mukha ni Brent, dahil siguro sa pagkakabangga nito sa mga bato sa ilog.” Kaya naman pala akala ng lahat ay patay na ito. She are amused to his charade.
A devilish charade. Talagang kaya nitong pumatay para lang maligtas ang sarili. Nanginig tuloy sya dahil sa takot.
Lalabas na sana si Brent sa silid na yun ng muli syang balingan. “Saka na lang pala kita papatayin, kapag dumating mamaya si Jigs.”
Napatayo sya. “A-anung ibig mong sabihin?” Tanong nya dito.
“Darating sya, huwag kang mag-aalala magkakasama na kayo sa kabilang buhay.”
“P-please, Brent. Pakawalan mo na ako, tigilan mo na ito.”
“I’m not that crazy to turn back now, my sweet. Nasimulan ko na kaya tatapusin ko.”
“Napakawalang-hiya mo talaga, Brent. Hayop.” Sigaw nya dito.
“Whatever.” Sagot nito saka lumabas ng kwarto. Hinabol nya ito, pero mabilis nitong naisara ang pintuan.
“Palabasin mo ako dito, Brent. Maawa ka na.” Humahagulgol na sya. Wala syang narinig na tugon mula sa labas kaya tumigil na sya sa pagbalya sa pintuan.
♚♚♚
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
RomanceMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...