29--He's back,she's gone

17 1 0
                                    

chapter 29

ツツツ

Masakit ang ulo ni Jigs ng sya ay nagising isang umaga. Hindi nya alam kung nasaan sya. Gawa sa pawid ang bubong ng bahay na yun at kawayan naman ang haligi, nasa isa syang bahay-kubo.

Ng mahimasmasan sya ay agad nyang naalala ang nangyari. Nahulog sila ni Brent sa bangin at bumagsak sila sa ilog. Inanod sila nito.

Pinilit nyang tumayo pero hindi nya kaya. Nahiga ulit sya saka pumikit. Pagkaraan ng ilang sandali sinubukan nya uli ang tumayo na nagawa naman nya.

Ihahakbang na sana nya ang kanyang mga paa ng muntik na syang matumba, mabuti na lang at may umalalay sa kanya.

“Dahan-dahan lang, hijo! Hindi ka pa masyadong magaling. Baka kung mapaano ka pa.” Sabi sa kanya ng matandang lalaki na umalalay sa kanya.

“Marami pong salamat mang—“

“Ako si Mang Efren. Nandito ka sa mumunti naming bahay. Tatlong araw kang walang malay.”

“Maraming salamat po uli mang Efren. Ako nga po pala si Jigs.” Sabi nya saka naupo sa may papag.

“Nakita kita sa tabi ng ilog.” Sabi nito. Tumango naman sya.

“Naalala ko po ang pagkakahulog ko sa bangin, mang Efren.”

“Ano ba ang tunay na nangyari sa iyo.”

Ikwenento nya ang nangyari sa kanya. Kung bakit sya nahulog sa ilog at lahat-lahat na pati ang tunay nyang pagkatao.

“Ah!!! ikaw pala si Daniel Rojes, yung artista. Pasensya na hijo, kung hindi kita nakilala. At pasensya na rin at hindi ka namin nadala sa hospital, nakikita mo naman na—“

“Huwag na po kayong humingi na pasensya, mang Efren. Ako nga dapat ang humingi nun at magpasalamat sa inyo.” Doon pumasok ang isang may-edad na ring babae, asawa siguro ito ni Mang Efren.

“Kumain ka ng lugaw, hijo! Pasensya na’t yan lang ang nakayanan naming ipakain sa iyo.”

“Ayos lang po ito sa akin.”

“Kailangan mong magpalakas para makauwi ka na. Siguradong alalang-alala na ang pamilya mo sa iyo.”

“Marami pong salamat sa tulong ninyo. Hayaan nyo pong suklian ko po yun.”

“Walang anuman iyon sa amin ni Mindang.”

Ngumiti sya sa dalawang matanda.

“Mang Efren, saan po ako pwedeng tumawag?” Tanong nya sa matandang lalaki. Baka nag-aalala na ang pamilya nya at lalong-lalo na si Mecheley.

“Pasensya ka na, hijo. Malayo ang bahay naming sa kabayanan. Pero meron isang resort dito sa bandang silangan ng isla, pero mga ilang kilometro din ang layo nun dito.”

“Sa resort na yun ako nang-galing, mang Efren.”

“Ibig sabihin ganun din kalayo ka inanod ng ilog, hijo? Naku salamat at hindi ka namatay.”

“Salamat sa diyos at hindi nangyari yun, aling Mindang.”

“Kaya magpahinga ka na muna hijo, para may lakas ka.”

“Ako na ang bahalang magtungo na resort para sabihin ang nangyari sa iyo.” Sabi sa kanya ng matandang lalaki.

“Maraming-maraming salamat talaga mang Efren. Hayaan nyo at gagantihan ko ang pagiging mabuti nyo sa akin.”

“Salamat hijo, pero hindi naming pinababayaran ang pagtulong na ginawa naming sa iyo.”

♛♛♛

Hindi malaman nina Velvet kung matutuwa sila o malulungkot. Nagulat sila ng makita si Jigs ng dumating kanina sa resort.

Nakasuot ito kupas na damit at tinubuan na din ng bigote at balbas. Agad nitong kinumusta si Meche.

“J-Jigs…”She stammering then paused. Tahimik lang si Alyssa na nakatayo sa tabi nya.

“May nangyari ba kay Meche?” Nag-aalala ang mukha nitong nagtanong.

“Jigs, come to the office.” Iginiya nya ito patungo sa opisina ni Meche.

Kinakabahan sya. Baka kung ano ang gawin ni Jigs kapag nalaman ang nangyari kay Meche.

“Come on, girls. May nangyari ba?” Panic is on his voice.

Ng makarating sila sa opisina ay hindi muna sila nagsalita. Hindi nya alam kung paano sasabihin kay Jigs. Tahimik lang silang tatlo sa loob ng opisina. Binasag lang ito ni Alyssa.

“She was gone.”

“Ha? Sino?”

“Si….” Hindi na naituloy ni Alyssa ang sasabihin dahil napaiyak na ito.

Binalingan sya ni Jigs.

“S-si Meche, nawawala. Ilang araw na nga eh!!”

“What?!”

“W-we thought that she was gone to searched for you. Na baka bumalik sya sa may tabing ilog kung saan kayo nahulog ni Brent. But we seek for her in that place, pero hindi naming sya nakita.”

“Oh! god!!” Ito na lang ang tanging naibulalas ni Jigs.

“Hindi pa sya nahahanap until now…”

“W-what I-If..” Sobbing Alyssa said stammering. “What If bad things happened to her.”

“Huwag naman sana Alyssa—“ Hindi nya naituloy ang sasabihin ng tumunog ang cellphone nya. Si Meche ang tumatawag. Sinagot nya yun para lang mapamulagat.

“Sino yan?” Tanong ni Jigs sa kanya.

“Brent?!”

♕♕♕

a/n: thanks po sa mga nagbabasa...

...alam kong

pocho-pocho lang itong kwento na ito.

sa mga next na story na gagawin ko, gagandahan ko na...

        --midnightscriber

Sweet Love: My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon