CHAPTER 15
6 years later....Isla Nieves
Aligaga si Mecheley. Hindi pa kasi dumarating ang mga singers na kakanta para sa kasal ni Anie, isa sa mga regular customers ng kanyang Restaurant. Sya pa mandin ang nag-rekomenda sa mga ito.
Gaganapin ang kasal sa resort na pinagsosyohan nila nina Velvet at Alyssa. Mayroon na silang sari-sariling mga restaurant noon ng maisipan nilang magtayo nga ng isang resort, ang Nature Paradise. At ngayon nga, tulad ng kani-kanilang mga restaurants, ay succesful ito. Kumikita na rin sila ng malaki.
“My God!” Singhal ni Velvet ng pumasok ito ng resort. “Wala pa ang mga singer na kakanta.” Bukod sa restaurant, ay may sidelinee pang iba si Velvet, ang maging wedding coordinator. Sya ang coordinator na kinuha ni Anie.
Kinakabahan sya ng titigan sya ni Velvet. “S-Sorry, Velvet.”
“Bakit hindi na lang ikaw ang kumanta, Meche.” Napamulagat sya sa narinig.
“V-Velvet, are you out of your mind. Bakit ako ang pakakantahin mo?” Tinalikuran nya ito. Pumunta sya sa may kusina para tignan ang mga putaheng iniluluto roon ng mga chef. “Ayos na ba yan?” Tanong nya kay chef Dino.
“Ayos na po, luto na rin po ang iba pang pagkain.” Sagot nito. Tinalikuran na nya ito.
“Huwag mo akong iwasan, Meche.”
“Velvet, alam mo naman na hindi ako hiyang sa pagkanta sa harap ng maraming tao.”
“Hanggang ngayon pa ba ay mayroon ka pa ring stage fright.”
“Yes. Kaya nga ayaw kung kumanta. Alam mo ikaw na lang, magaling ka rin namang kumanta, diba?” Nag-audition ito noon sa Nightingale at ito’y natanggap. Naging famous si Velvet sa buong campus nila. Pero alam nyang tatanggi ito ngayon dahil may sore throat ito.
“May sore throat ako.” She knew it.
“Si Alyssa.”
“Ano ka ba, umuwi ito ng Manila, para asikasuhin ang kasal ng kanyang Ate. Doon kasi sa restaurant nya gagawin ang reception.”
Naiinis na si Mecheley.
Lagot na sya. Mapipilitan syang sya ang kumanta kapag hindi pa dumating ang mga singers na yun.
“Sige. Kapag hindi dumating ang mga singer, ako na ang kakanta. Is that okay.” Huminga sya ng malalim. Kailangan na nyang harapin ang kanyang kinatatakutan.
“Okay!” Tinalikuran na sya ni Velvet at nagtungo sa lawn.
“Humanda kang Albert ka.” Tinutukoy nito ang pinsan nya. Ito kasi at ang kanyang band member ang kakanta sa kasal. Sigurado syang nakalimutan nito ang trabaho nya.
Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal ni Anie at ang nobyo nitong si Ward. At sa bawat pag-galaw ng kamay ng orasan ay sya namang pag-bilis ng pintig ng kanyang puso. Wala pa kasi ang pinsan nya.
Naku kapag nagkataon, baka makapatay sya ng tao. Kung kailan naman walang ibang asahan, saka pa nangyari ang bagay na ito. Kung sakaling nandito lang si Jigs, sigurado sya ang sasalo sa kanya, para kumanta.
Bumuntong-hininga sya ng maalala si Jigs. Anim na taon na ang nakalipas pero hindi pa rin sila nagtatagpo. Pero kahit namang may pagkakataon, baka hindi rin nya ito harapin. Naaalala pa nya ang nangyaring yun sa bahay nila. At isa pa, sikat na ang dating matalik na kaibigan. Isa na itong sikat na singer at artista.
Hindi rin nya maiwasang magtampo dito. Hindi man lang sya binibisita nito o kaya naman ay tawagan. Hindi naman nya matanong si Tito Nulfo kung nasaan na ito, dahil matagal na ring wala ito sa subdivision nila.
Ilang linggo lang sila sa America noon at sa muling pagdating nya ay marami ng nagbago. Wala na si Jigs sa kanya. Wala na ang mga dating nakasanyan nya. Wala na ang lalaking pinakamamahal nya. Hanggang sa telebisyon at radio na lang nya ito nakikita’t naririnig.
Tinawag na sya ni Velvet. Mag-mamartsa na ang entourage sa aisle na damo. At oras na rin para sya kumanta. Kailangan nyang harapin ito.
Ano itong, nadarama ko... Ako kaya’y umiibig, nahuhulog na sa iyo...
Habang kumakanta sya ay naiisip nya si Jigs. She’s imagining that she is the bride and Jigs is his groom. Ipinikit nya ang mata. Nakita nya ang sariling naglalakad sa aisle. Suot ang wedding dress na gustong-gusto nya. At sa harap naman ng altar ay nandoon si Jigs, waiting for her .
...Pangako, hindi kita iiwan...
...Pangako, di’ko pababayaan...
...Pangako, hindi ka na mag-iisa...
...Pangakong mag-mula ngayon, tayong dalawa, ang magkasama...
Gusto na nyang mapaluha ng maisip si Jigs. Wala na nga pala ito. Hindi na nya kayang abutin pa. Tala na ito sa kalangitan, habang sya ay isang simpleng babae lamang na nakatingala dito.
Ng matapos syang kumanta ay nag-umpisa na ang seremonya.
====
a/n: mahirap kapag yung gusto mo eh hindi mo maabot...
*drama*
nowplaying: i need you now...
... yun yata title..
×___×
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
RomanceMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...