CHAPTER 4
Tinutop ni Mecheley ang kanyang labi. Kahit matagal ng nangyari ang bagay na yun ay alam pa rin nya ang pakiramdam na nahalikan sya ni Jigs. Masarap sa pakiramdam nun.
Kapag nakakakita sya ng parehang nag-hahalikan ay hindi nya maiwasang maalala ang bagay na yun. Kahit pilit nyang kalimutan yun, pero parang tuko na ito na nakadikit sa kanyang isip.
Nawala ang pagninilay-nilay nya ng marinig ang mga katok sa kanyang pintuan. Agad syang bumaba sa kanyang kama at tinungo ang pinto.
Nabungaran nya sa labas ang nanay nya, si Angie Vedez. Marami ang nagsasabi na magkamukha sila, which is true. Sa kanya siguro nya namana ang kagandahan.
“Kanina pa ako kumakatok ha? Maria Mecheley Vedez” Galit na sabi ng kanyang mama. Ganun talaga ito kapag galit, tinatawag ka sa buong pangalan mo.
“Bakit po ba?” Niyakap nya ito. Alam nya na kapag naglambing na sya ay mawawala na ang init ng ulo nito.
“Hindi mawawala ang init ng ulo ko, Mecheley.” Lumayo sya dito.
“Ano po bang nangyari, Mama?” Hinila nya ito sa loob ng kanyang kwarto. “Tell me, Ma.” Nakaupo na sila sa kama.
Napansin rin nya ang pamumuo ng luha sa mga mata nito. Hinintay nyang mag-salita ito.
“Kailangan na nating umalis dito sa Pilipinas.” Nagulat sya sa sinabi nito. Tinignan nya ito. Nagtatanong ang mga mata nya sa Ina. “You’re Dad’s cheating on me.” Sagot nito na tila nahulaan ang kanyang iniisip. Matagal ng gustong umalis ito patungong America, pero ayaw ng Dad nya.
“How did you know, Ma.”
“I saw them. Pumasok sila sa isang Motel.” Nangilid na rin ang mga luha nya. Kilala nya ang kanyang mama, hindi ito marunong magsinungaling at gumawa ng kwento. Paano nga kung totoo ang sinabi ng Mama nya, na ang Dad nya ay may babae, may kabit.
“Kinumpronta ko sila ng babae. Ofcourse at first your dad denied it. Pero ang babae na nya mismo ang nagsabi na may relasyon nga sila at saka lang sya umamin.” Itinakip nito ang mga palad sa kanyang mukha. Sya naman ay niyakap ito. Hindi nya lubos maisip na ang Dad nya ay gagawa ng ganung kassakit na bagay.
Her mother love her Dad so much. Inilaan na nga nito ang kanyang sarili sa pagiging full-time wife. Tapos ganun lang ang gagawin ng Daddy nya. He’s unfair.
“But how about my study.” Kumalas sya sa pagkakayakap ng kanyang Mama.
“Yan nga din ang iniisip ko, Mecheley. Kung pupunta tayo sa America siguradong magugulo na ang pag-aaral mo.
“But did Dad say sorry.” Tinutukoy nya ang kasalanang ginawa ng dad nya.
“He never did?” Nakita na naman nya ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata nito.
Tumayo sya saka tinungo ang Medicine Cabinet na nasa baba ng kanilang bahay. Binuksan nya iyon saka kinuha ang sleeping pills ng kanyang mama. Dati kasi ay may insomnia ang kanyang ina pero ngayon magaling na sya ay hindi na ito umiinom niyon.
Tumungo sa sa Lalagyan nila ng baso at nilagyan nya yun ng tubig, saka sya umakyat muli. Nakita nyang nakahiga ang kanyang mama. At alam nyang umiiyak pa rin ito.
“Have you eat your dinner, Ma.” Naitanong nya. Nakalimutan nyang itanong yun kanina bago sya bumaba para kumuha ng sleeping pills.
“Wala akong gana, Meche. Ano ba yang dala mo?” Nakita nya ang hawak nyang baso at isang botelya.
“Your sleeping pills. Nag-aalala ako na baka bumalik na naman ang pagiging insomniac mo. You know how worried I am, kapag hindi ka nakakakuha ng maayos na tulog, Ma.” Niyakap nya ito.
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
RomanceMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...