a/n: buh-bye, ito na po ang last chapter...
♛♛♛
chapter 32
Sa isang abandoned house napadpad si Jigs. Yun ang sinabi ni Brent na puntahan nya. Agad-agad syang lumabas mula sa kanyang kotse na kanina-kanina lang ay parang lilipad na sa sobrang bilis ng kanyang pag-papatakbo.
Pumasok sya sa loob nun. Lininga nya ang paligid. Sira-sira na ang karamihan sa bahagi na yun ng gusali. Parang babagsak na anytime. Hinanap nya ang hagdanan patungo sa ika-apat na palapag ng gusali.
Pagkatapak pa lang nya sa 4th floor ay nakita na agad nya si Brent. Naka-upo ito sa silya at nakapatong naman ang mga paa nito sa isang maliit na mesa. Pinupunasan nito ang kanyang baril.
“Well, well, well.” Itinaas nito ang tingin sa kanya. “Here’s my guest.” Brent grinned.
“Nasaan si Meche?” Tanong nya rito.
“Oh nasa heaven na.” Sabi nito saka tumawa.
“Huwag mo akong pinag-loloko, Brent.” Galit na sabi nya dito. Impossibleng patayin nito si Meche. Yun ang nasa isip nya. Hindi papatayin ng isang kidnapper ang biktima nito hanggang sa makuha nito ang gusto.
And for Brent case, sigurado syang kapag papatayin nya si Meche ay iyong makikita nya. Para masaktan sya. Pero hindi nya papayagan ang bagay nay un
“She’s in that room.” Turo nito sa kwarto nasa likuran lang nya.
“Siguraduhin mo lang na hindi mo sya ginawan ng masama, Brent, kundi…” Nagtagis ang mga ngipin nyang tinalikuran ito. Agad nyang pinihit ang seradura ng pinto nun pero hindi nya mabuksan.
“Oh not so fast. Nakakandado pala yan.” Tumayo si Brent at naglakad patungo sa kanya.
“Nakikiusap ako, Brent. Gusto kong makita si Meche.”
“Oh sige, ng magkasabay na kayong magpunta sa impyerno.”
Tinitigan nya ito ng masama.
Nakipagtagisan din ito ng titig sa kanya.
“Huwag ka lang gagawa ng masama, Jigs. Hindi ako magdadalawang patayin kayong dalawa ni Meche.” Binuksan nito ang pintuan. Dali-dali naman syang pumasok sa loob ng silid. Nilinga nya ang paligid pero walang Meche naroon.
Tanging ang apat na sulok lang ng kwarto ang naroon, kahit mga gamit man lang wala.
“Nasaa—“ Hindi na nya naituloy ang sasabihin dahil biglang isinara ni Brent ang pintuan. Mabilis pa sa kidlat nyang tinakbo ang bungad pero huli na dahil naisara na yun ni Brent.
Binalya nya ang pintuan pero walng nangyari. Sya pa nga itong nasaktan. Pinag-susuntok nya rin ito hanggang sa sumakit na ang mga kamao nito.
“Palabasin mo ako dito, hayop ka…” Sigaw nya. “Gusto kung makita sa Meche.”
Walang ingay syang narinig mula sa labas, mukhang wala na doon ito. Lininga nya ulit ang paligid pero wala syang makita na bagay na pwede nyang gamitin para masira ang pinto. Out of desperation sinuntok nya ang pader—na mas matigas pa kaysa sa pintuan.
Tumulo ang dugo mula sa sugat nya, pero ininda nya lang ang sakit. Hindi nya pinansin kung may sugat man sya o wala. Mas masakit isiping wala syang magawa para maligtas ang kanyang babaeng pinakamamahal.
Sumandal sya sa pader habang sapo ng kanyang kaliwang kamay ang may sugat nyang kanang kamay. Nasa ganoon syang ayos ng makarinig sya ng sigaw.
“Meche…” Sigaw nya. Alam nyang si Meche yun, kahit mahina nyang narinig ang sigaw nito.
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
RomanceMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...