17--is she really ready??

19 1 0
                                    

chapter 17

Tulad ng dati, maayos ang naging takbo ng selebrasyon ng kasal sa kanilang resort. Ito ang dahilan kung bakit maraming gustong magpakasal sa kanilang resort dahil na rin sa kanilang magagaling na tauhan at syempre, sila na rin.

“Nakakapagod.” Umupo si Velvet sa sofa. “O ano, ayos ka lang ba?” Tanong sa kanya nito.

“Ano sa tingin mo?”

“Sus naman, tapos ka ng kumanta. Nagse-sentemyento ka pa rin ba?”

Ipinatong nito ang paa sa footstool. “At saka, huwag mo akong sisihin. Kay Papa Albert ka dapat magalit, kasi hindi sya nakasipot.” Minasahe nito ang batok.

“Naparusahan ko na po? Ikaw na lang, dahil ikaw ang pumilit sa akin na kumanta.” Inirapan nya ito. “Ano ang gusto mo palo o tadyak?” Tanong nya dito.

“Uhm...” Kunwa’y nag-isip ito. “Imasahe mo na lang ako.”

Tinampal nya ito sa balikat. “Ito gusto mo.” Ipinakita nya dito ang nakakuyom na kamao.

“Syanga pala, sino yung nakita kung kausap mo kanina?”

“Sino?” Nagsubo sya ng salad na kinuha nya sa ref kanina.

“Yung gwapo. Parang executive yata yun.”

“Ahh. Si Brent Aliwes.”

Nakita nyang napamulagat ito. “As in Brent Aliwes.”

“Bakit kilala mo ba sya?”

“Sinong hindi nakakakilala kay Brent Aliwes. Palagi syang laman ng balita nitong mga nagdaang araw. Palibhasa, kapag may gaganaping event dito sa resort halos hindi ka na nagpapahinga.”

“Kasi po naman, wala naman po akong masyadong katulong dito. Kayo naman po ni Alyssa ay palaging may sideline.”

“Kami pa ang may kasalanan. Ang dali lang naman ng trabaho mo. By the way, si Brent Alewis lang naman ang bagong presedente ng Musa Record. Ang kakumpetinsya ng Siren Record kung saan talent si Papa Jigs.”

“Ibig sabihin, kapag tinanggap ko ang alok ni Brent...” Natigil sya.

“Anong alok?” Inagaw nito ang platito ng salad na hawak nya.

“Inalok nya akong maging talent nya.”

“Owss..hindi nga?”

“Oo. Maniwala ka.”

“Ibig sabihin lang nun, kapag tinanggap mo ang alok ni Papa Brent, makakalaban mo na rin ang mga talent ng Siren, kabilang na dun si Jigs o si Daniel” Daniel ang screen name na ginamit ni Jigs. “E, ang tanong, tatangapin mo ba?”

Yumuko sya saka tumayo. Nagpalakad-lakad sya. Iniisip kung ano ang isasagot sa katanungang yun ng kanyang kaibigan. Ano nga ba? Tatangapin ba nya?

Nasa higaan na sya ngunit hindi pa rin sya makatulog. Iniisip nya ang tungkol sa alok ni Brent. Tama si Velvet, makakalaban nya ang mga taga-siren kapag tinanggap na nya ang alok. Lalo na si Jigs. At isa pa, makakaya na kaya nyang makita si Jigs na nagbigay sa kanya ng matinding sakit, sakit sa puso. Iniwan sya nito noon ng hindi nagpapaalam.

Halos hindi na sya noon makagalaw dahil sa sobrang hinagpis nya. Halos hindi na nya magawang ipagpatuloy ang buhay.

Kilala sa buong bansa ang rivalry sa pagitan ng Musa at Siren Records. Marami na rin silang napasikat na singer. Marami na ring mga album ang nailabas ng parehong kompanya. At kung saka-sakali ay baka mapabilang sya sa mga ito.

Napangiti sya sa isiping yun. Sya?

Magiging sikat na singer?

Hindi naman imposible ang bagay na yun. Maganda naman sya, may boses. Pero ang wala lang sa kanya ay confidence. Napilitan lang sya kanina kaya sya kumanta para sa kasal ni Anie, regular customer pa naman nya yun.

Ipipikit na sana nya ang kanyang mata ng tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha nya yun sa may bedside table saka sinagot.

“Hello!” Nahimigan nya ang boses ng kanyang Mama. “Kumusta na po kayo dyan sa America.” Nag-migrate ang mga ito doon, dahil na rin sa sulsol ng kanyang tita Meldred. Si Albert na lang ang nakatira ngayon sa dating bahay nila.

Paminsan-minsan naman ay umuuwi sya doon.

Sabi nito ay uuwi daw sila dito sa Pilipinas para magbakasyon. Apat na taon na rin kasi sila doon, kaya miss na miss na daw sya ng mga ito.

Nagkumustahan sila at ikwenento nya ang mga bagay-bagay na nangyayari sa kanya.

Kwenento rin nya ang tungkol sa alok na yun ni Brent. Natuwa ang kanyang Mama. Humingi sya ng opinyon dito kung dapat bang tanggapin nya o hindi. Ang sagot naman ng mama nya ay tanggapin nya raw.

“Nasa sa iyo yan, Meche! Kung gusto mong pumasok sa showbiz, edi! Go! Susuportahan ka namin ng daddy mo!” Sabi ng mama nya.

“Talaga po Ma! Maraming salamat po!”

“Pero handa ka ba?”

“Sa alin po?” Kunot-noo nyang tanong dito.

“Alam naman nating lahat na nasa showbiz din si Jigs. Kaya mo na ba syang makita at kalabanin. Ang pagkaka-alam ko ay talent ng Siren si Jigs at si Mr. Aliwes ay syang presidente ng Musa.”

“Opo! Mama. Kaya ko na sigurong makita si Jigs! Huwag po kayong mag-alala, kaya ko pong sarili ko.”

Kungsabagay naman, walang mawawala sa kanya kung susubukan nyang pumasok sa showbiz. Kung saka-sakali naman na hindi nag-workout ay may babalikan naman sya.

Ilang sandali pa sila nag-usap ng kanyang mama hanggang sa magpaalam na sya para magpahinga. Marami pa kasi syang trabaho na gagawin kinabukasan.

====

a/n: now playing: KUNG AKO NA LANG SANA ANG IYONG MINAHAL.

share lang...

>__<

====

Hindi mawaglit sa isipan ni Brent si Mecheley. Napakaganda kasi nito.

“Gusto kung maging akin ka.” Sabi nya sa sarili. Inikot nya ang shivel chair patalikod sa kanyang desk saka tumayo. Hinawi nya ang kurtina na nakatabing sa glass window ng kanyang opisina.

Tinanaw nya ang mga sasakyan at taong nagdadaan sa ibaba ng building.

“Gagawin ko ang lahat para maging talent kita. Humanda ang Daniel na yan. Gagamitin ko ang kanyang babaeng pinakamamahal para makaganti ako sa kanya.” Ngumisi sya saka umupo ulit sa shivel chair. Tinanaw nya ang paligid mula sa bintana ng kanyang opisina.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay ng maalala ang mga nangyari kay Evonne.

“Hindi ko gagawin ang paghihiganti na

ito kung hindi mo lang ako kinanti, Daniel.” Anas nya sa sarili. “Kasalanan mo kung bakit ngayon ay wala na sa akin si Evonne. Humanda ka!” Kinuyum nya ang kanyang mga palad.

====

see next chapter...

Sweet Love: My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon