chapter 26
Sino ba si Evonne?" Kunot-noo nyang tanong dito.
"Hindi mo kilala si Evonne? o nagkukunwari ka lang na hindi mo sya kilala." Banaag pa rin ang galit sa tono nito.
Hinigpitan nya ang pagkakayakap kay Meche. Gusto nya itong protektahan sa lalaking nasa harapan nila ngayon. Naliligo sya kanina ng katukin sya ni Lexter. Ito ang nagsabi tungkol sa nangyari kay Meche.
Dali-dali syang nagpalit kahit hindi pa sya nakakapagsabon ng katawan. Nagngingit sya sa galit na tinahak ang daan patungo sa lobby ng resort. Isang malakas na bigwas sa mukha ang ibinigay nya kay Brent ng malamang pinaktangkaan nya si Meche.
"Walang hiya ka?" Sabi nya dito.
Ginantihan lang sya nito ng ngisi.
"Anong ginawa mo kay Meche."
Tumawa ito na parang demonyo. "I killed her."
"I don't believe you." Isa uling malakas na suntok ang ibinigay nya dito bago ito kunin ng mga parak.
"Paano kang nakatakas,ha?" Tanong nya dito.
"Edi, tumakas." Tumawa ito. "Oo nga pala ang tungkol kay Evonne, talaga bang hindi mo sya kilala?" Sarkastikong tanong nito sa kanya. Tinitigan nya ang baril na nakatutok sa kanila.
"Hindi ko sya kilala. Kaya pwede bang hayaan mo na kami ni Meche." Tumawa ulit ito na parang nababaliw na.
"Oo nga pala. Paano mo makikilala si Evonne kung ang pakilala nya sa inyon lahat ay Bianca."
Napamulagat sya sa gulat ng marinig ang sinabi ni Brent. Paanong naging si Evonne si Bianca. Naguguluhan na sya. Ang Bianca ba na sinasabi nito ay ang dati nilang manager na si Ms. Bianca. Paanong nangyari yun.
"Nagulat ka ano?" Parang batang tanong nito sa kanya. May problema talaga ito sa pagiisip. Hindi kaya nakaapekto ang pagkamatay ng sinasabi nyang Evonne o si Bianca sa kanyang pagiisip.
Pero para namang matino ito kanina. Palagi nya itong nakikita sa mga guesting nito sa mga t.v programs at mukha namang walang problema.
"Gusto mo bang isalaysay ko sa iyo kung sino ba talaga si Bianca na dati ninyong manager. Well, she's my fiancee, Evonne." He heard him sigh. Parang umamo ulit ang mukha't kumalma.
"Malapit na noong malugi ang kompanya ng dahil sa Siren na kinabibilangan mo bilang talent. Malapit na rin kami noong ikasal ni Evonne pero hindi natuloy ng dahil nga sa unti-unti naming pagkalugi.
"Umalis sya ng Musa at lumipat sa Siren para maging manager ninyo. Mahirap lang si Bianca at may pamilyang tinutustusan. Personal Assistant ko lang kasi sya noon. Gusto ko syang tulungan pero sinabi nito na ilaan na lang sa aming kompanya.
"Lumipat sya sa Siren ng i-offer sa kanya ang management ng Me,Boy. Syempre, sinulsulan ko sya na tanggapin ang offer na yun. Dahil ibig sabihin ng pagiging part nya ng Siren ay Espionage. Baguhan pa lang sya noon pero magaling. Yun ang nakita ng pamunuhan ng Siren dito. Well, she's still loyal sa akin, sa kompanya ko. Alam mo bang imbes na maging manager ninyo ay naging spy sya.
"Kaya kung minsan ay cancelled ang mga show ninyo and that's because of Bianca. And oh! I forgor to tell you na pinalitan pala niya ang kanyang pangalan para malayang makalabas-pasok sya sa Siren. Is it an excellent idea.
"Ibig mo bang sabihin plano ninyo talaga yun, lahat, mula pagpasok ni Bianca sa Siren?" Lakas-loob na tanong nya.
"Yes. At magiging maayos na sana ang lahat kung hindi dahil sa iyo. Dahil nahulog ang loob nya sa iyo. Napamahal sya sa iyo ng lubos and yet you rejected her. Minahal ka nya ng higit pa sa pag-ibig nya sa akin. She confessed it to me."
"So, paghihiganti ang motibo mo. Ganun ba?"
"Well, ano ba sa tingin mo. Gusto kung ipaghiganti ang pagkamatay nya sa pamamagitan ng pagpatay sa iyong pinakamamahal na si Meche. Dahil kapag namatay na sya ay mararamdaman mo ang pait na idinulot ng pagpapakamatay ni Evonne."
"Is not my fault kung nahulog man ang loob nya sa akin. At kung desidido ka talagang pumatay, ako na lang. Spare her life." Sigaw nya dito.
"Ano ako bali." Itinutok nito ang baril kay Meche. "Si Meche nga ang papatayin ko para naman maramdaman mo ang sakit ng pagkawala ng isang minamahal sa buhay." Lumapit ito sa kanila.
Nananatiling nakatutok ang baril sa kanila ni Meche.
Hinila nito si Meche pero pinigilan nya. Iniikot nya ang kanyang braso sa braso nito saka binalya. Bumagsak sila sa lupa. Tumayo si Brent at pinaibabawan sya't binigwasan sa mukha. Nagtitili naman si Meche sa sulok.
Sinikaran nya ang sikmura ni Brent. They duel until they get near the cliff.
Naramdaman na lang nya ang kanyang sarili na nahulog mula sa mataas na bangin na yun kasama si Brent.
+++
♬pag-ibig ko sayo, umulan bumagyo 2x, hindi ♬
sensya,napakanta lang...
mehehe
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
RomanceMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...