CHAPTER 2
Nasa loob na sila ng kampus ng mamataan nya sina Alyssa at Velvet, ang kanyang mga iba pang mga bestfriends. Naging classmate sila noong high school at palaging kasa-kasama kahit saan man sila magpunta.
“Kasama mo na naman ang ‘boyfriend’ ko.” Biro ni Alyssa sa kanya. Likas sa kaibigan nyang ito ang pagiging makulit; ito ang joker sa kanilang magkakaibigan.
“Sinong boyfriend mo?” Maang na tanong nya, kahit alam nyang si Jigs ang tinutukoy ni Alyssa.
“Oo nga, sinong boyfriend mo?” Tanong naman ni Jigs.
“Eh sino lang ba ang kasama ni Mecheley ngayon.” Nilapitan ni Alyssa si Jigs saka nangunyapit sa braso nito.
“Ah, kung ganun ako ang tinutukoy mo.” Ngumiti si Jigs, lumabas ang magkabilang beloy nito. “Kailan pa?”
“Ngayon lang.” Nagkatawanan silang apat.
“Busy ka yata?” Baling nya kay Velvet. Abala ito sa pag-pindot sa kanyang laptop.
“Ah, Naghahanap kasi ako ng pwedeng kantahin para sa gagawing audition ko.”
“Para saan naman? Para ba sa itatayong club ni Mr. Hacusin? Yung Nightingale?” Sunod-sunod na tanong nya dito. Tumango naman ito. Nabalitaan nya iyong kamakailan lang na magtatatag daw ng choir ang gwapong guro nila noong high school sila.
“Ikaw kaya, Mecheley, mag-audition ka rin dyan.”
“A-Ayoko, nahihiya ako.”
“Come on, Mecheley, It’s going to be fun kung tayo ay makapasok sa club na yun. And beside si Mr. Hacusin naman ang maghahandle ng club na yun.” Sabi ni Velvet.
“At saka, diba nga crush mo yung si Mr. Hacusin.” Nakita nyang nabigla si Jigs sa narinig.
“Ano ba kayo. Tigilan nyo nga yang sinasabi nyo.” Nahihiyang sabi nya sa mga kaibigan. Tinignan nya si Jigs kung ano ang reaksyon nya. Akala nya ay pagtatawanan sya nito, pero iba ang nakita nya. Parang ayaw nito sa narinig, parang nagselos.
Selos? Bakit naman sya magseselos? Hay naku, Mecheley, iba lang ang iniisip mo. Iniisip mo lang na nagselos yung tao, pero hindi naman. Saway ng kabilang isip nya.
“May gusto ka kay Mr. Hacusin?” Manghang tanong ni Jigs sa kanya. “Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin, pambihira naman, Oo.” Nahimigan nya ang pagtatampo nito.
“Bakit ko naman sasabihin sa iyo, ha?” Siniko nya ito sa tagiliran.
“E kasi...kwan...ano...” Tila nagaapuhap ng sasabihin.
“Kasi ano?” Tanong ni Velvet.
“Eh, diba, Bestfriend mo rin ako. Eh, bakit sa kanila mo lang sinabi yun.” Tinuro nya sina Alyssa at Velvet.
“Bakit, Jigs, selos ka?” Prankang tanong ni Alyssa. Sa kanilang apat na magkakaibigan, si Alyssa ang malakas ang loob na magtanong o magsabi ng mga bagay na napupuna nya na hindi na iniisip kung may masasaktan itong iba.
“Ha?” Pinamulaan si Jigs.
“Ano ka ba, Alyssa.” Saway ni Velvet. “Bakit naman magseselos si Jigs kay Mr. Hacusin, eh hindi naman sila.” Itinuro ni Alyssa si Mecheley.
“Kahit na. Paano kung nagseselos nga si Jigs. Tignan mo nga kanina, parang kang nagseselos.” Bumungisngis ito.
“Tigilan nyo na nga si Jigs, at baka masuntok nya kayo.” Humagikigik sya pati na rin sina Alyssa at Velvet. Tinignan nya si Jigs, seryoso ito. Hinawakan nya ang kamay nito.
=====
“Ikaw naman kasi, pikon.” Narinig nyang sabi ni Mecheley. Naglalakad na silang dalawa patungong canteen. Katatapos lang ng dalawang magkasunod na subject nila ng umagang iyon.
“Paano naman kasi, si Alyssa, asar masyado.”
“Ikaw naman parang hindi ka na nasanay sa kanya. At saka, matagal ka na rin nyang inaasar, pero kahit minsan naman ay hindi ka nagpaapekto.” Pumila sila sa counter para magbayad ng kanilang binili. “Atleast kung totoong nagseselos ka.” Ngumisi ito.
“Bakit naman ako magseselos, aber.”
“Aba, ewan ko sa iyo.” Kumagat ito sa mamon na binili nito.
“Mamon na naman yang binili mo.” Pagiiba nya sa topic nila.
“Eh sa paborito ko ito, bakit ba. Eh ikaw, Chicken Sandwich na naman yang binili mo. Araw-araw na lang yan ang palagi mong kinakain. Baka mamaya nyan meron ng balahibo ang tiyan mo.” Ngumiti ito. Ngumiti rin sya. Ang totoo, kahit anong kainin nya, basta si Mecheley ang kasama nya, busog na sya.
Her smiles make her day complete, Her wisdom thouhgt guides his every decision. At sa tuwing nakikita nya itong malungkot, malungkot din sya.
“You know, Mecheley, Im so happy right now.” Nakitang nyang napamaang si Mecheley. Man, ano bang pinagsasasabi mo. Nagiging corny ka na. Sermon ng kanyang isip.
“Bakit ka naman masaya.” Sumipsip ito sa Pineapple Juice.
“Kwan...ano...”
“Sige, mag-isip ka pa ng kasinungalingan idadahilan mo.” Ngumuso ito. Her pinkish lips caught his attention. Parang nag-aanyaya ng hahalik dito. Ipinilig nya ang kanyang ulo para mawaksi sa kanyang isipan ang bagay na iniisip nya, ang halikan ito.
“Masaya lang ako...ganun.” He faked a smile.
“Sus, ayaw pang sabihin.” Siniko sya nito.
“Ayaw sabihin ang ano?” Takang tanong nya dito.
“Sinabi sa akin ni Tito Nulfo na excited ka daw sa audition para sa Nightingale Club.”
“H-Hindi noh!”
“Huwag ka ng mahiya. Alam kung gusto mong maging sikat na singer slash actor, hindi ba?” Ngumisi sya. Totoo ang sinabi ni Mecheley. He dream of becoming a singer slash actor. Matagal na nyang sinabi yun kay Mecheley, mga bata pa sila noon, kaya hindi nya akalain na naaalala pa nito yun. Lalo tuloy syang naging masaya.
“Sige na nga! Mag-o-audition ako para sa Nightingale.” Ng sabihin nya yun ay ngumiti ito. Dahil sa pag-ngiti ni Mecheley ay ngumiti na rin sya.
He really is a fan of Mecheley’s smile. Sophistacated yet simple smile.
He can’t remove from his mind of that sophistacated yet simple smile of Mecheley. Gabi-gabi nyang iniisip ito. From her pretty face to that tantalizing eyes, to her nose down to her pinkish lips. Ipinilig nya ang kanyang ulo.
Hindi nya dapat pagnasahan si Mecheley.
She was his bestfriend.
Pero tao ka lang! Sabi ng kanyang isip. Hindi mo maiiwasan na mahulog ang loob mo kay Mecheley. Ilang taon mo na ba kinikimkim ang bagay na yan.
Ilang taon na rin nyang itinatago ang damdamin nya para kay Mecheley.
Sa tuwing gusto nyang sabihin kay Mecheley ang damdamin nya ay nawawalan sya ng lakas ng loob.
Nanligaw na sya dati, at madali nyang nasasabi ang damdamin nya. Pero iba pagdating kay Mecheley.
Siguro kasi dahil sa pagkakaibigan nila. He love her so much, at ayaw nya itong mawala sa kanya.
At sa oras na ipagtapat nya ang damdamin dito, baka lumayo lang ang loob nito sa kanya. Baka maasiwa ito sa presinsya nya. He don’t want that to happen. At gagawin nya lahat para mapigilan ang damdamin nya para dito.
Friendship is enough fo him.
====
***hirap mag-edit...kapagod...
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
RomantizmMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...