CHAPTER 7
Ilang minuto na ng magpaalam ang bisista ni Jigs. Saka lang sya lumabas galing ng kusina. Sinabi ng Tito Nulfo nya na isang Record Producer yun. Natuwa sya sa narinig. Dahil sigurado syang may magandang balita ang sasabihin ni Jigs pagkatapos ng usapan nila.
Masaya sya para kay Jigs. Pangarap talaga nito ang bagay na yun. At ngayon abot-kamay na nito. At sa talento nito sigurado syang matatapatan nito kung hindi man ay mauungusan ang mga batikan ng mga mangaawit ng bansa.
“Would you mind if you congratulate me right now.” Umabot sa mga mata nito ang saya. Wala na syang inaksaya pang pagkakataon. Agad nya itong sinugod at saka niyakap.
“Si Bestfriend oh! ang sabi ko i-congratulate mo lang ako, hindi pipigain.” Biro ni Jigs. Tinampal nya ito sa braso ng lumayo na sya dito.
“Eh yun na nga ang way ko para sabihing congratulation. Kamusta ang pag-uusap nyo?”
“Yang bestfriend mo malapit ng maging sikat.” Exagged na sabi ni Tito Nulfo.
“I knew it.” Masayang sabi nya dito saka niyakap uli.
“Mukhang nasasanay ka ng niyayakap ako.” Mabilis nyang itinulak si Jigs. Sinimangutan nya ito.
“Bakit bawal.” Iningusan nya ito sabay salampak sa sofa. “E paano naman kasi, malapit ka ng maging sikat, ibig sabihin nun madalang na lang tayong magkakasama.” Yun ang isa sa kinatatakot nya sa pangarap ni Jigs.
Dahil kapag natupad na nito iyon, mawawalan na sila ng oras sa isa’t isa.
Gusto nyang sabihin yun kay Jigs pero baka ma-misunderstand nito ang gusto. And beside sino naman sya para pigilan ito sa kanyang pangarap. Bestfriend lang sya at hindi girlfriend o kaya naman ay asawa.
“Naks naman. Alam mo kahit maging sikat pa ako kahit hanggang sa America hinding-hindi ako mawawalan ng oras sa iyo. Kung gusto mo nga ay isama kita kahit saan ako mag-punta.” Nagumapaw ang tuwa sa dibdib niya.
“Talaga? Promise.”
“Promise.” Sinabi nya ito sa nakakatawang tono.
Pagkarinig nya sa sinabi ni Jigs ay tila nabunutan sya ng tinik sa dibdib. Tama na ang salita na yun ni Jigs para mapanatag sya. Pero kahit hindi ito mangako sa kanya, susuportahan pa rin nya ito. Kahit nasa upuan lang sya nanonood dito, ayos na sya.
“Ano pa ang sinabi sa iyo ni Mr. James.”
Tanong ni Tito Nulfo kay Jigs.
“Wala pa masyado. Ang sinabi nya ay pumunta daw ako sa Siren sa susunod na linggo, araw ng martes, para mapagusapan pa namin ng maigi yun.”
“Pwede ba akong sumama?” Wika ni Tito Nulfo. “Aba bilang manager mo, eh kailangang naroon ako.”
“Sino ika mo ang magiging manager ko?”
“Aba, syempre. Ako.” Sabay turo sa kanyang sarili. Manager ito ng bangko kaya sigurado syang magiging magaling din ito sa pag-mamanage kay Jigs.
“Dad, paano kung merong itatalagang manager sa akin.”
“E di tanggihan mo yung management. Sabihin mong may napili ka ng manager mo.”
“Pero dad, paano na ang trabaho nyo. Manager ka din ng isang bangko. Paano mo namang pagsasabayin ang dalawang trabahong yun.” Sermon ni Jigs sa ama.
“Aba’y Oo nga ano?” Natawa ito sa sarili. At hindi naglaon ay sumabay na rin sila sa pagtawa.
Tumatawa si Mecheley pero nangangamba sya sa pwedeng mangyari.
====
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
Storie d'amoreMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...