chapter 19
Totoo nga si Jigs ang nakikita nya.
“I really miss you, Mecheley.”
“Daniel? Anong ginagawa mo rito.” Pormal na tanong nya dito.
“Ow come on. Jigs ang pangalan ko, Daniel lang ang aking screen name.”
Hindi pa rin sya ngumingiti. Pinipigilan nya ang kanyang sarili na lapitan ito saka yakapin. Nananatili pa ring pormal ang itsura nya.
“Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng yakap dyan.” Nakita nyang hawak pa rin nito ang kanyang kamay kaya agad nya itong binawi.
“Ano ngang ginagawa mo rito?” Tanong uli nya. Nawala ang pagkakangiti nito.
“We are here to take some vacation.” Nadurog ang puso nya sa narinig. Ibig sabihin ay nagkataon lang na dito sila nagbakasyon at hindi sya talaga nito hinanap. Yun ang una nyang inisip ng makita nya ito kanina sa may pintuan. Mabuti na lang at hindi nya ipinahalata na sabik na sabik sya dito, baka kung sakali ay mapahiya sya sa sarili.
“Ah!ganun ba?” Tinalikuran nya ito. Nagkunwari syang inaayos ang mga papeles na nasa kanyang desk. Pero ang totoo ay malapit ng bumagsak ang kanyang luha, ayaw nya lang ito ipakita kay Jigs.
“Hindi ko alam—“
“Paano mo nalaman—“
Sabay silang nagtanong at sabay ding natigilan.
“Ikaw na ang maunang magsalita.” She said. Nakatalikod pa rin sya dito.
He sighed. “Hindi ko nalaman na mayroon na pala kayong resorts.”
Paano mo malalaman, ni hindi ka man lang tumatawag yun ang gustong nyang sabihin. “Sina Alyssa at Velvet ang nakaisip nun, nakisosyo lang ako. Sya nga pala, paano mo nalaman na nandito ako?”
“I-I just saw you at the lobby. I thought you are a staff here, hindi pala. You are one of the owner.”
Kumuha sya ng hangin saka ito hinarap. “May mga media bang nakakaalam na dito kayo nagbakasyon?”
“Nope!”
“Good! Ayoko lang kasing dagsain ng mga fans mo ang resorts namin. Para sa mga customer lang ang pwedeng pumunta rito. No, visitors.” Mariing nyang sabi dito.
“Huwag kang mag-alala, hindi mangyayari yun.” Sagot naman nito. Naglakad ito palapit sa kanya. “Alam mo bang miss na miss na kita.” Hinawakan sya nito sa magkabilang braso. Nakatitig ito sa kanya kaya ipinilig nya ang kanyang ulo saka inalis ang mga kamay nito sa kanyang mga braso.
Miss na miss na rin kita. Piping sabi nya.
“Maari mo na ba akong iwan, Daniel. Marami pa kasi akong gagawin.” Nakita nya ang pagkagulat sa mukha nito.
“Pinapaalis mo na ba ako?”
“Ano ba sa tingin mo?” Mataray na sagot nito.
“Pasensya na kung naabala kita.” Sabi nito sabay talikod.
Gusto sana nya itong pigilang umalis, pero nananaig ang isiping iniwan sya nito at hindi nagparamdam man lang sa loob ng halos anim na taon. Her life was incomplete that time. Walang Jigs na kasama, walang Jigs na karamay sa mga problema nya.
Isa sa mga bagay na pinagdaanan nya ay ang muntik ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Akala nya noon ay hindi na nambababae ang kanyang daddy pero mali sya. Her mother almost killed herself when she found out her husband illigetimate uffair with a married woman.
Halos madurog ang kanyang puso noon. Wala syang ibang karamay kundi ang kanyang sarili. Ayaw nya itong ipaalam kina Velvet at Alyssa, kaaawaan lang sya ng mga ito. Hindi nya kailangan ng awa sa pagkakataong yun kundi isang taong mapapalakas ng kanyang loob.
At si Jigs ang taong kailangan nya, pero nasaan sya? He is too busy creating name in the show business. Wala na nga itong time na tawagan man lang sya o kaya naman ay kumustahin. Sanay na kasi syang palagi itong kasama at palaging pinagsasabihan ng sama ng loob at mga problema kaya ng mawala ito ay muntik na nyang hindi makaya ang mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay.
I’ll never gonna leave you, Mecheley. Kahit magkalayo tayo, pipilitin kung magkaroon pa rin tayo ng kumunikasyon. Nangako rin ito sa kanya noon na hinding-hindi sya nito iiwan. But that promise are meant to be broken pala. Hindi nito natupad ang pangako nya.
Nagpapahid sya ng luha ng pumasok si Velvet.
“Mecheley, ayos na ba ang mga pagkaing pagpipilian nina Marieta at Jacob?” tanong nito sa kanya.
“Yeah! Ready na. Nandyan na ba sila.” Tinutukoy nito ang couple na magpapakasal sa kanilang resort. Food testing kasi nila ng araw na yun.
“Are you crying?” Nilapitan sya nito pero nilayuan nya.
“Nope! May sipon lang ako.”
“Don’t fool me, Meche. Nakita ko si Jigs kanina na galing dito.”
Hinarap nya ito. “Nakita mo na rin pala sya. Ano naman ang naging reaksyon mo ng makita mo sya.”
“Ofcourse tumili ako. Pero pinatahimik din agad ako nito. Baka daw kasi may makaalam na nandito sila. Sabi mo kasi baka dagsain ng fans nila ang resort. Kailan pa naging bawal ang bisita dito, aber.”
She stare at her saka nagkibit-balikat.
“I don’t know kung bakit ko nasabi ang bagay na yun sa kanya. Nabigla lang siguro ako sa hindi inaasahang pagdating nya.” Kinuha nya ang kanyang bag. “Tara na sa may restaurant. Baka hinihintay na tayo nina Marieta.”
“Sige, tara na nga at baka hinihintay na nila tayo sa baba. Syanga pala tumawag sa akin si Alyssa sa akin kanina. Malapit na raw syang bumalik dito dahil nakahanap na sya ng manager na magma-manage ng kanyang precious restaurant.”
“Sana kasi noon pa nya ginawa yun.” Hinila nya ang seradura ng pinto ng kanyang office saka iyon sinara.
====
a/n: amateur writer...
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
RomantizmMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...