chapter 22
Lalong kinakabahan si Mecheley habang umaandar ang oras. Mamaya na siguro ay nandyan na si Brent. Ayaw nyang sumama dito, ayaw nyang marinig mula sa mga labi nito ang sasabihin. Dahil kapag nagkataon ay baka magulo ang kanyang mundo.
Makisig, mayaman at matalino si Brent. Walang babaeng hindi magkakagusto dito. Aaminin nya sa kanyang sarili na noong una nya itong makita ay naakit na sya. Pero hindi nya pwedeng palawigin ang damdaming yun dahil si Jigs pa rin ang laman ng kanyang puso.
Kahit ganuon ang ginawa nito sa kanya, sigurado syang kapag nagpaliwanag ito ay mapapatawad na nya ito. Mula pagkabata si Jigs na ang kanyang kasama. Ito ang una nyang naging kaibigan at ngayon ay itinatangi na ng kanyang puso.
At kapag sumawsaw si Brent, baka magulo lang ang lahat.
Ano ka ba, Meche? Manhid? tanga? martir? Bakit hinihintay mo pa rin si Jigs na kinalimutan ka sa loob ng mahabang taon. Bakit di mo pagbigyan yung tao. Anang isang bahagi ng kanyang isip.
“Pagbibigyan ko ba si Brent?” Tanong nya sa sarili. Pero inalala nya si Jigs. Paano kapag nalaman nya na lumabas sya kasama ng presidente ng Siren Recording Company? Ngumiti sya sa isiping iyon. Talaga ngang martir sya, tanga.
Kinuha nya ang cellphone saka i-dinial ang number ni Brent. Ilang sandaling nag-ring yun bago nito sinagot.
“Hello, Meche.” Sagot ni Brent sa kabilang linya.
“Brent, huwag mo na akong sunduin, hindi maganda ang pakiramdam ko.”
“Ano?” Napasinghap sya ng marinig ang mataas na boses nito. Kinilabutan sya dahil mukhang nagalit ito ng indyanin nya ito sa dinner na alok nya. “Bakit?”
Mahinahon na nitong pagpapatuloy.
“I’m really not felling well, Brent. Sorry.”
“Liar! Alam kung nagdadahilan ka lang sa akin para hindi ka makasama.”
Lalong kumabog ang kanyang dibdib ng dahil sa nerbiyos. Bakas sa tono nito ang galit at frustration. At mukhang may tendency itong magwala at makapanakit, ganun ang iterpretasyon nya sa nabanaag na boses nito.
“I’m really, really sorry Brent.” Sabi nito saka na ibinaba ang telepono.
+++
a/n: short update lng...
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
RomanceMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...