9--soon to be celebrity

20 1 0
                                    

CHAPTER 9

Pinigilan nyang ituloy ni Mecheley ang sasabihin. Alam nyang malulungkot ito pag nagkataong sisikat na sya. Alam nyang hindi nya matutupad ang mga pangako nya dito, dahil alam naman ng lahat kung gaano ka-stress ang maging isang sikat, kaya gagawin na lang nya ang lahat para masama sa oras nya si Mecheley.

“Sorry...”

“Bakit ka naman nagso-sorry sa akin.” Sabi nya dito.

“Ang daldal ko kasi...e diba ayaw mo sa taong maingay kapag kumakain.” Ngumiti sya. Ayaw nga niya ng maingay kapag kumakain. Pero hindi naman nya nais na pigilan ito sa mga sasabihin nito, pero kusa na lang gumalaw ang kanyang kamay ay tinutop ng kanyang daliri ang labi ni Mecheley.

Iba ang gusto nya sa mga sandaling yun, ang halikan ang mga labi nito. Pero pinipigilan nya ang kanyang sarili. Kaibigan nya si Mecheley, matalik na kaibigan. Hindi nya kayang lapastanganin ito.

For him, their friendship is the most valuable thing that one man could hold on to. Kapag nawala na ito sa kanya, baka hindi nya kaya ang sakit na pwedeng idulot nyun. Baka layuan na sya ni Mecheley, baka mailang na ito sa kanya.

“Tapos na pala kayong kumain.” Tiningala nila ang nag-salita. Si Alyssa pala yun, kasama nya si Velvet.

“Bakit ang tahimik ninyo?” Tanong ni Velvet. Humila ito ng upuan at doon umupo.

“Wala lang.” Sagot ni Mecheley. “Ayaw kasi ni Jigs ng maingay habang kumakain.” Bulong pa nya sa mga babae. Pero malakas pa rin yun para marinig nya.

“Ano ka ba? Tapos na nga tayong kumain.” Sabi nya. “E kayo, kumain na ba kayo?” Tanong nya sa dalawa.

“Katatapos lang naming mag-merienda.” Sagot ni Alyssa.

“Bakit nga pala hindi kayo pumasok?” Usisa ni Velvet sa kanya. Na senigunduan naman ni Alyssa.

“Nag-date kasi kami.”

“Namasyal kami.”

Magkasabay silang nagsabi nun.

Nagkatinginan sila ni Mecheley. Sina Velvet at Alyssa naman ay pinipigilang matawa.

“Actually, highly confidential ang information na pinuntahan namin.” Sabi nya.

Napamulagat si Alyssa. “What, highly confedential. Sa Ob-Gyne ba ito?”

Napamulagat din sila ni Mecheley.

“Ano naman ang gagawin namin sa Ob-Gyne? Timang talaga ito” Kinutusan ni Mecheley si Alyssa. Natawa naman sya sa ginawa nito.

“Aba, malay ko kung sa Ob-Gyne nga ang pinuntahan nyo. Baka kasi nabuntis ka nitong si Jigs.” Nakita nyang pinandilatan ni Mecheley ang huli.

Natawa sya sa bagay na sinabi ni Alyssa. Ang ganda siguro kung sa Ob-Gyne nga sila nag-punta.

Isa pa sa pangarap nya sa buhay ang magkapamilya. He like to become a father and a husband. Gusto nyang may kinakargang sanggol sa kanyang mga matitipunong mga bisig. At mas maganda pa ang isiping yun kung si Mecheley ang magiging ina ng mga anak nila.

“Oy si Jigs, nakangiting mag-isa.” Bigla syang naging pormal ulit. Nag-init ang kanyang pisngi na tanda ng pagkapahiya. “Sabihin nyo na kasi kung saan kayo nagpunta.”

“Soon, malalaman nyo rin.” Sabad ni Mecheley.

“Kailan pa, kapag panahon na ng mga robot.” Umingos si Alyssa.

====

a/n: inspirasyon ko ang kapwa ko mga writers....

....

gorabels lang sa atin....

...

Sweet Love: My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon