8--The Boy Band

25 1 0
                                    

CHAPTER 8

“Sigurado ka na ba?” Tanong ni Mecheley kay Jigs. “Kaya mo na bang mag-isang pupunta sa office ni Mr. Aliharte?” Ito ang araw ng meeting nina Jigs at si Mr. Aliharte, presidente ng Siren. Habang nasa sasakyan sila kanina ay nakita nyang kinakabahan ito.

“Oo naman.” Sagot nito. Saka nagpaalam na.

“Sige, hihintayin na lang kita dito.” Naupo sya sa sofa. Nasa lobby sya ng Siren Recording Company. Napakalaki ng lugar. Puti at asul ang color motiff ng lugar. At ang uniporme ng mga empleyado nila ay napakaganda. Pleasing sa mata, kumbaga. Parang daloy ng tubig ang print ng mga uniporme at ang mga buhok ng mga babaeng empleyado ay napakaayos.

No wonder na naging succesful ang Recording Company na yun, dahil na rin sa pagiging organize ng lahat ng bagay. Maging maliliit na detalye ay napakaayos.

Ilang minuto na syang nakaupo doon ng makaramdam sya ng panunubig. Dali-dali syang tumayo at nagtungo sa may reception area at nagtanong sa receptionist.

“Miss, saan ba dito ang C.R.”

“Right that way, Ma,am.” Malamyos na sagot nito.

“Thank You.” Sabay sibad na patungo sa dereksyong itinuro ng receptionist.

Pagpasok nya sa loob ng C.R ay naghanap agad sya ng cubicle na hindi okupado. Pagkatapos nyang maglabas ay tinungo nya ang lababo at naghugas ng kamay at pagkatapos ay lumabas na sya. Pinagmasdan nya ulit ang paligid.

Habang naglalakad sya ay kumakanta sya. Itutuloy pa sana nya ang pagkanta ng makarinig sya ng isang malakas na palakpak. Napatda sya sa kinatatayuan. Liningun nya kung sino yun. Nakangiti ito sa kanya.

“Sino ka?” Tanong nya dito.

“Ikaw dapat ang tanungin ko kung sino ka?” Ibinalik nito ang  tanong sa kanya.

“A-Ako si Mecheley.” Nauutal na sabi nya.

“I’m Archiel Manareyna.” Inilahad nito ang kamay na agad din nyang kinuha.

“Nagtr-trabaho ka ba dito?” Tanong nya.

“Nope!”

“Ha? Akala ko naman empleyado ka dito. Kung makapagtanong ka .” Inirapan nya ito.

“Hindi nga ako empleyado dito, but I am a talent here.”

“Yeah! Whatever.” Inis na sabi nya dito. Hindi naman pala ito isang empleyado dito para manita. Nakalayo na sya dito ng muli nya itong sulyapan.

Napasinghap pa sya ng nakitang nakatitig pala ito sa kanya, kaya nagmadali na syang umalis ng lugar.

Pagdating nya ng lobby ay nakita na nyang naghihintay si Jigs.

“Where have you been?” Tanong nito sa kanya.

“Sa C.R. lang. O, ano tapos na ba ang meeting nyo.”

“Oo. And guess what.”

“Ano?”

“Hindi lang pala ako ang ka-meeting ni Mr. James. Anim kaming lahat ang nandoon.”

“Talaga. Mga talent din ba sila?”

“Yeah. Boy Band pala ang gustong buoin ng management. At kaming anim ang magiging mga meyembro nun.” Naglakad na sila patungo sa labas. Hiniram ni Jigs ang kotse ng Dad nya para may masakyan sila. Pinagbukasan sya nito ng pinto.

“Saan mo gustong kumain.”

“Saan pa, edi sa dati.”

“Kay Aling Lusing? Sige ba!”

Ilang sandali lang ang byahe at narating na rin nila ang madalas nilang kainan, Ang Lusing. Pagpasok palang nila ay agad na silang nilapitan ni Aling Lusing, ang may-ari ng karendiria. Madalas silang kumain dito. Dahil sa bukod sa masarap na ay malapit pa sila sa unibersidad na pinapasukan nila.

Naupo sila sa paborito nilang pwesto kapag kumakain sila, sa may malapit sa radyo. Mas ginaganahan kasi sila ni Jigs kapag may naririnig silang kanta.

“Eto na ang order nyo.” Inilapag ni Aling Lusing ang order nyang Dinuguan at Adobong Manok naman ang kay Jigs. Marami rin ang isang order ng kanin doon.

“Salamat, Aling Lusing.”

“Sige! Kain na kayo. Kapag may kailangan pa kayo, tawagin nyo lang ako.”

“Sige po.”

Ng mag-umpisa na silang kumain ay nagkwento na rin si Jigs tungkol sa Meeting kanina. Anim daw ang bubuo sa Boy Band na kinabibilangan nya. Naka-arrange na rin kung kailang ang signing ng kontrata. Mataman lang syang nakikinig dito. Sa bawat kwento nito sa magiging trabaho ay hindi nya maiwasang malungkot.

Magiging busy na ang kaibigan nya sa mga darating na panahon. Sigurado syang mawawalan na ito ng panahon sa kanya. At sigurado na rin sya na may makikilala na itong ibang babae na kabilang sa shobiz industry. Buti na lang at hindi na tumulo ang luha nya. Dahil noong nagdaang gabi, hindi nya mapigilan ang umiyak.

Pero kailangan nyang magpakatatag. At kailangan na rin nyang sanayin ang sarili na mag-isa, na hindi na kasama si Jigs sa araw-araw. Sapat naman na siguro ang mahabang taon ng pag-sasama nila bilang mag-kaibigan. Kaya kailangan na rin siguro ng space sa pagitan nilang dalawa.

“Jigs, pwedeng magtagal muna tayo dito?” Tanong nya kay Jigs. Sumisipsip ito ng softdrink mula sa straw.

“Bakit naman?”

“Edi ba nga. Sa darating na panahon ay magiging sikat ka na. Ibig sabihin lang nun, hindi ka na pwedeng kumain dito. At hindi mo na rin magagawa ang mga bagay na dati na nating ginagawa. Ang mag-bisikleta sa loob ng compound, ang mamasyal sa park...” Hindi na nya naituloy ang sasabihin ng maramdaman nya ang daliri ni Jigs sa kanyang labi.

Pinigilan sya nitong mag-salita.

====

×____×

Sweet Love: My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon