16.2--I'LL BE A TALENT??

20 2 0
                                    

chapter 16.2

Hindi pa rin nya lubos maisip ang napag-usapan nila kanina ni Brent. Nagustuhan daw nito ang boses nya, maganda daw. Hindi naman sa pag-bubuhat ng sariling bangko ay maganda naman talaga ang boses nya at magaling syang kumanta. Kung gusto raw nya ay gawin sya nitong talent at maging isang singer.

Tuwang-tuwa naman sya sa narinig. Pero tinanggihan nya yun. Mas gusto nyang maging isang simpleng mamamayan ng Pilipinas kesa sa maging isang celebrity. Komplikado ang buhay ng isang artista. Maraming intriga.

“Ang lalim yata ng iniisip ng aking pinsan.” Liningon nya kung sino yun. Si Albert pala. Biglang kumulo ang kanyang dugo.

“Iniisip ko kung anong sintinsyang gagawin ko sa iyo...damuhog ka.” Singhal nya dito. Tinampal nya ang balikat nito saka binigyan ng mahinang suntok sa sikmura. Napa-aray ito.

“Sorry na. I won’t happen again.”

“Talagang hindi na. Dahil hindi na kita irerekumenda sa sino man.”

Naghalukipkip sya.

“Si Ate naman.” Niyakap sya nito. Ganito maglambing ito.

“Hindi mo ako madadaan sa ganyan, Albert. Alam mo bang ako ang kumanta sa entourage kanina.” Binitawan sya nito.

“Really?” Hindi makapaniwalang tanong nito. “Sana pala naagahan ko ang pag-gising at napanood kita.” Inirapan nya ito.

Pinadyak nya ang kanyang paa.

“Nakakahiya.’

“Si Ate parang bata. Hayaan mo, babawi ako sa iyo.”

“Dapat lang, kayo na ang kumanta mamaya sa reception.”

Sumaludo ito. “Yes! Sir—este ma,am” Minulagatan nya ito. At ito naman’y kumaripas ng takbo. Pinsan nya si Albert sa mother side. Anak ito ng kanyang Tita Meldred at ang asawa nitong kano na si Tito Arnold.

Ng umuwi sila galing America ay sumama ito. Pinayagan naman ng kanyang mga magulang. Dito na sa Pilipinas nag-aral.

Mabuti na lang at tinuturuan ng kanyang Tita ang kanyang mga anak na magsalita ng Filipino o Tagalog. May dalawa pa itong kapatid sina Cloe at Clover, kambal sila.

Nagtuloy na sya ng powder room para palitan ang gown na ipinasuot ni Velvet kanina. Paglabas nya ay simpleng damit ulit ang suot nya. Pink longsleeved at pinaibabawan ng black na vest na hanggang lagpas bewang ang haba.

Black jeans naman ang pang-ibaba nya at rubber shoes. Nakapusod ang kanyang buhok sa right side ng kanyang ulo, katulad yun ng paborito nyang korean charater na si Jessie ng Full House.

Ng marating nya ang reception area ay handa na ang lahat, ang mga tao na lang ang hinihintay.

====

a/n: short lang po to...

Sweet Love: My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon