CHAPTER 6
Nagulat si Jigs kinabukasan ng may madatanan syang bisita sa kanilang bahay.
Kararating lang nila ni Mecheley galing ng simbahan. Nginitian nya ang lalaki. Sa tanya nya mga 5’9 ang taas nito at napakapormal ng suot.
Executive. Para itong isang executive ng isang kompanya. Sinulyapan nya ang kanyang Ama. Hindi kaya may malaking utang ang kanyang ama at ngayon ay sinisingil na sya.
“You must be Jigs Rojes.” Inilahad nito ang kanang kamay nito. Nginitian nya ito sabay abot ng kamay nito.
“Yes. I am Jigs Rojes. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo.”
“Upo muna kayo.” Ika ng kanyang Daddy Nulfo sa bisita. “Pwede mo akong tulungang mag handa ng makakain, Mecheley.”
Tinitigan sya ni Mecheley. Sya nama’y tumango para sabihing samahan na nito ang Dad nya.
Nakaupo na sila sa sofa.
“By the way Im James Aliharte.” Mayroon itong dinukot sa kanyang bulsa. Isang card. Iniabot nito sa kanya iyon. Binasa nya ang nakasulat doon: James Aliharte, Record Producer.
Nagulantang sya sa huling dalawang salitang nabasa nya. Isa pala itong Record Producer.
“Yes. You read it right. I’m a Record Producer from the Siren Record.”
“Ano po ba ang kailangan nyo sa akin.” Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib habang itinatanong nito. Iniisip na nya na baka kukunin sya nito bilang artist. Lihim syang natuwa sa iniisip. Matagal na nyang pangarap ang maging isang sikat na performer.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kitang kunin bilang isa sa mga talent ng aming Recording Company.
“Pero bakit po ako?” Tanong nya dito.
Hindi nya maiwasang magtanong kung bakit sya ang napili nito. At saka saan naman sya nito nakita. Oo pangarap nyang maging sikat, pero kahit minsan hindi sya sumali sa anumang singing contest sa may Telebisyon.
“I saw you last time, auditioning for Nightingale.” Doon pala sya nito nakita, sa isip nya. “I listen to you while you are singing, and you know what, I was amazed by your voice. Perfect ka para sa isang project na gagawin ng Recording Company. Your voice was so soft yet so powerful. At ang rendetion sa kantang Sweet Caroline ang ganda. Parang bago sa pandinig ng kinanta mo na, hindi aakalaing retro song na pala yun.” Napangiti sya sa complement na sinabi ni Mr. James.
Walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan. Ito na siguro ang stepping stone nya para sumikat at makapag-perform sa harap ng camera. At bonus na lang siguro kung maging artista sya sa mga telenobela.
Hindi pa rin sya makapagsalita.
“So...would you want to try it.”
“Sige po.” Agad na sagot nya. Hindi na dapat sya magalangan pa, dahil kapag pinalagpas nya ang bagay na ito baka walang ng dumating pa.
====
a/n: hailow to my former classmate noong college-slash-crush ko na si James Gerald "Jigz" Valledor.
Name lang naman nya ang ginamit ko dito sa story.
BINABASA MO ANG
Sweet Love: My Bestfriend
RomanceMecheley and Jigs are childhood bestfriend. Jigs love his bestfriend pero ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. Ng mag-artista si Jigs doon na sila nagkahiwalay. Mecheley and her family migrated away to America. Years later when they accidental...